Audrey POV:
Umuwe ako sa unit namin na may dalang mga paper bag. Na trip ko kaseng mamili ng iilang damit at gamit ko, for bathroom. Ang gaan ng pakiramdam ko na diko ma-explain, pero ang saya. Ganito pala no' when you trying to move on na wala kang sakit na nararamdaman ay nakakagaan pala sa pakiramdam. Kumatok muna ako sa door, at agad naman na binuksan yon ng mga kaibigan ko.
Shock silang nakita ako at nagkatinginan silang dalawa.
"Audrey!?" Sabay nilang pareho.
"Saan ka pumunta!? Nag alala kami sayo!" Sabay na naman nilang ulit. Napalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa at pumasok na ako agad sa loob. Wala atang balak ang dalawa na to magsabi na 'pasok ka' nilagay ko sa sofa ang iilang gamit ko at dumiretso ako sa mini kusina namin para ilagay din don yung mga binili kung manok, and can foods. Bumaling ako sa dalawa at nginitian ko sila ng pilit.
"Sorry hindi na ako nakapag paalam sa inyo. Gusto ko lang kase makapag isa eh, kaya ayun. Dina ako nagpa-alam." I said, sincerely. Nagkatinginan pa ang dalawa at parang hindi makapaniwala.
"P-pinutulan mo pala ang buhok mo?" Si patricia ang nagtanong. Nginitian ko sya. Naglakad ako sa maliit na sofa namin at umupo ako don.
"Oo.. bakit? Pangit ba? Diba bagay sakin?" Sunod-sunod na tanong ko. Malamig ko silang tinitigan at ng di sila sumagot sa tanong ko, ay nagpasya na akong tumayo.
"Anyway, magpapahinga na muna ako ha, medyo napagod kase ako sa kakalakad. Sorry talaga." Ngumiti ako ng pilit, sabay kinuha ko ang mga gamit ko at pumasok na ako sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako ng malakas at hindi ko alam kung ano yung inasta kung yon. Masaya pa naman ang pakiramdam ko kanina nung nag iisa ako, pero bakit ganun? Parang ang bigat na naman. Wala naman masamang ginawa sakin ang mga kaibigan ko pero bakit ang lamig ng pakiki-tungo ko?
Hays! Stress na naman siguro ako. Kailangan kona ba ng mag patingin sa doctor? Pero kase sabi ng doctor ko, kapag nakakaramdam daw ako ng mga symptom na hindi kona maitindihan pati yung sarili ko. Need ko daw mag pa check-up agad sa kanya. But! No need. Ayokong mag aalala sakin ang mga kaibigan at ang pamilya ko. Kaya ko pa naman kung stress to eh. Kung trauma naman ang dahilan, baka may paraan pa para libangin ko pa lalo ang sarili ko. Tama naman ang ginawa ko diba? Ni-libang ko ang sarili ko para dina ako nakakapag isip. But i guess.. last na yung pabalik-balik sa utak ko ang nangyare. Pag naulit pa ang ala-ala na yun sa utak ko. Ako na mismo ang mag dodoctor sa sarili ko.
Nagbanyo muna ako bago nagpalit ng damit. Hindi kona rin binasa ang buhok ko, sabi kase nung bakla kailangan kung ingatan ang mala shine in armor kung buhok. Medyo natawa ako sa naisip. Ngunit nagpalit ako ng short and black t-shirt. Okay na to since sa bahay lang naman eh. I check the time and it was 2:30 pm na pala. Humikab ako at umupo sa kama ko. Hiniga ko ang likod ko sa head board at kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko ang mga contact sa cp ko at pati narin ang mga message! Nakita ko ang iilang message at missed calls ng mga kaibigan ko. Nakaka guilty na hindi ako nagpaalam sa kanila, plus ang sungit ko sa kanila kanina.
"Drey, where are you"
Message ni chesca."Gonna tell it with kuya edmon na wala ka. Or may pinuntahan ka. Bakit hindi ka nag paalam samin?"
It's patricia naman.Marami pang mga message don na hindi kona binasa pa kase, okay naman na ako eh. Wala naman masamang nangyare sakin. Nilagay ko ang phone sa tabi ko at natulog na lang.
Kinabukasan, nag tungo kaming tatlo sa school at ako na ang nag drive. Nasa front seat si chesca at nasa likod naman si patrcia. Tiningnan ko sya sa rare view, kumakain sya ng snacks. Ka-aga aga ganyan sya! Namayat na dati si pat, pero ngayon unti-unti ng bumabalik dahil siguro sa relasyon nila ni dwayne. Its good for them.. nakakatuwa yun na minsan wala na silang pinag aawayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/152303647-288-k205201.jpg)
BINABASA MO ANG
Im In Loved With That Gangster Too [PART 2 COMPLETE]
RomanceNaging kampati at naging masaya sya. Masayang masaya na yung tipong walang makakatumbas ng saya nyang yon simula ng mag boyfreind/girlfriend sila ni Drake. may nagbago at may naiiba sa pagsasama nilang yon. akala nya masaya na ang lahat. N...