Chapter 21: Last Girls Bonding

294 7 0
                                    

Audrey POV:

Nasa sala kami ngayon lahat at nag uusap usap. Panahon na siguro para sabihin ko sa kanila yung nangyare sakin kanina. Tiningnan ko ang oras at pasado mag aalas sais na ng gabi.

"Ano magtitinginan lang ba tayo dito hangang mamaya? Uuwe na kami ng asawa ko sa states bukas."

Napabuntong hininga ulit ako at napatingin ako kay stella. Yes nandito sya, at tama kayo kanina sa sinabi nya uuwe sila ngayon ni keiven sa bansa nila. Tinawagan kase nya ako kanina na pupunta sya dito. Tamang tama naman at may sasabihin ako sa dalawa na to. Si elaine di na sya nakisali sa usapan at umuwe na rin sya. Baka daw kase hanapin sya ng mama nya, Magagalit daw ang kuya pinsan nya sa kanya kaya pinayagan na rin namin sya na umuwe na.

"Ganito kase yon, diba nga nagkaklase tayo kanina? So ayon idea ko talagang wag ng sabihin sa inyong dalawa kase baka maabala kopa kayo sa gagawin ko. So ayon pumunta akong MUC ng mag isa. Sakto pagdating ko don syempre wala akong kakilala ket isa don. Nabigla na lang ako na linapitan ako ni Mimixine Clarkson, kung natatandaan nyo! Sya yung batang ka MU noon ni Mathieu."

Nagsitango-tanguan naman sila nung naintindahan na nila kung sino yung nakasama ko. Buti pa nga daw natatandaan pa ako nun after 2 years ago. So ayon nga kinwento ko ang buong ditalye walang paltos sinabi ko sa kanila mula sa pagkakabungo ni amber don sa ginawa ko na sinadya ko naman. Yung kung paano nagalit si drake sa akin. At nung uuwe na sana ako pero bigla kaming nagkasalubong at nagkausap, nagka aminan ng ginawang kasalanan na alam kung hindi ko paniniwalaan. Sinabi ko din sa kanila na pumunta ako sa libing ni synch at nagpalipas ng sama ng loob don. Matapos kung sabihin ang lahat. nagsi tinginan ang tatlo sa isat isa at tumingin sakin.

"Alam kona--" Si patricia

"Mahal kapa nung tao prend haba ng hair ahh--" si stella.

"Tinanong mona ba yang puso at isip mo?" Biglang tanong sakin ni chesca, kaya napatingin ako sa kanya pati yung dalawa nagtakang tumingin sa kanya.

"At bakit naman nya tatanungin yung puso at isip nya aber?" Si patricia.

"Tanga kaba? Isipin mo nga. Nag confess sayo yung tao para don sa mga kasalanan na ginawa nya pero tingin mo maniniwala ka agad?"

"Siguro hindi."

"Exactly! Nalilito ngayon ang puso at isip ni audrey kaya hindi sya makapag decide. Hindi nya alam kung saan sya maniniwala don. Kung ano ang pipiliin nya. C'mon girls parang di nyo naranasan na masaktan ah!"

"Ay except me ha!" Si Stella na kumakain pa ng lolipop.

"Oh eh bakit galit ka dyan? May pinaglalaban teh?" Natatawang tanong sa kanya ni Patricia. Napairap naman si chesca don at--

Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon