SPECIAL CHAPTER: Mimixine & Mathieu

33 2 0
                                    

"ALWAYS BE MY BABY"



Mimixine POV:

"Ate may pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong ng 5'years old kung kapatid. Ngumiti ako sa kanya at sinabi kung wala naman akong pupuntahan.

"Bakit Sally?" Tanong ko sa kapatid ko. Nagpout sya tapos nagpangalumbaba. Ang cute talaga ng kapatid kung to , arap pisilin ang pisnge.

"Ate Mimi..."

May gusto talagang sabihin to eh, Ayaw nya lang masabi sabi.

"Ano may gusto ka bang sabihin?"
Di sya nagsalita. Sabi na eh! Meron talaga to. Pag ganitong galawan ng kapatid ko alam na, alam ko na.

"Gusto kung pumunta ng mall ngayon." Napaisip naman ako, total sabado naman ngayon.

"Edi samahan kita sa mall kung gusto mong maglibot libot. Paalam tayo kay mama at papa, ayos ba?" Tumango naman ang kapatid ko ng mabilis at tuwang tuwa sya. I smiled too.. pero biglang napawi ang ngiti nyang yon.

"Oh, bakit? May problema ba?"

"Kaso ate, kapag sinabi ko sayo baka hindi ka pumayag. M-may request po ako sayo ate! Pramis isa lang talaga, Isa na lang" napakunot naman ang noo ko. Ano na naman kaya ang request nito? Bihira lang kase to mag request sakin eh. Alam kung 5years old pa lang sya pero yung isip nya pang matanda. Naku! Napakatalino nyan akala nyo.

"Fine, what is it? Tell me everything hindi yung inuunti unti mo pa." Sandali syang nag isip. Pinaglaruan nya ang daliri nya tapos nakayuko sya. Aba! Baka malala tong gusto ng kapatid ko ah.

"Kase ate-- i miss kuya Mathew. Can you text him to join us. Ang tagal na nyang hindi pumupunta sa bahay. Nag away ba kayo nun? Diko lang ma ask sayo kase, Am shy ate eh. Please call him, i want to talk too him." Napabuntong hininga ako ng malakas. Mukhang mahihirapan ata ako sa request ng kapatid ko. Bakit sa dinami dami ng gusto nya bakit si Mathieu pa?

"S-sige i try to call him okay. Wag ka ng sad, ate gives you what you want." Napalakpak naman sa tuwa ang kapatid ko. Hays! Hindi ako pwedeng humindi sa request nya kase gusto nya yon.

Si sally ang kapatid kung pinanganak na premature. 7 months pa lang ay pinanganak na sya ni mama kaya pinagpapasalamat ng mga parents ko yun na nabuhay pa sya. Si sally ay mahina ang kanyang puso. Bawal syang mapagod, bawal syang tumakbo sa kung saan, bawal syang makipag kaibigan ng marami. Maraming bawal sa kapatid ko kaya madalas naawa ako sa kanya kase nagtatanong sya lage na bakit daw sya iba? Bakit may nakikita syang mga batang nag lalaro samantalang sya hindi pwede? Bata pa lang sya pero ang dami dami na nyang tanong sa buhay nya. Binibigay ni mama at papa ang lahat ng gusto ng kapatid ko. Kahit naman ako ibibigay ko ang lahat ng gusto nya. Wag lang syang mawala samin ng maaga kase sya lang ang nag iisang kapatid ko. We love her very much.

Si Matheiu alam nya ang tungkol sa karanasan ng kapatid ko kaya tudo bigay ang oras nun. Kaya, ayan na, masyado nyang na spoil si sally, diko naman masisisi eh. Kahit pinagbabawalan ko yun na wag nya masyadong ganyanin ang kapatid ko ayaw naman nya. Sabi nya hayaan kona daw, kase kaya naman daw nya i handle.

One time, inatake ng asthma ang kapatid ko. Isinugod namin nun sya sa hospital agad! Tinawagan pa ng mga parents ko si math kase tinatawag ng kapatid ko. Gusto daw nyang makita. Sa awa ni god, pumunta naman sya agad that time, Am very thankful sa kanya kase nagawa nyang pagalingin ang kapatid ko. Not like he is. Pero nagawa nyang pakalmahin ang kapatid ko that time. Halos umiyak na nga kami nun lahat eh, kase kahit ako na ate nya ay diko na alam ang gagawin ko, kung tatayo lang ba ako or tumingin. Kase as in wala akong alam na isipin! Napaka duwag ko pagdating sa sakit ng kapatid ko.

Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon