Chapter 26: Bakasyon

107 3 0
                                    

Audrey POV:

Nasa gate na ako ngayon ng malaking bahay namin kung saan nandito din sila ate alex at kuya edmon. Dala ko yung malaking bag ko na may mga laman na damit. Pagkatapos kase ng klase namin, nag bonding muna kami ng mga kaibigan ko bago kami namalagi sa Condo namin at nag impake na rin nung gabing yon, tapos nag pa party din kami nung huling gabi ng pagsama sama namin.

Kinabukasan, nag kanya kanya kami ng uwe ng mga kaibigan ko. Si Cheska umuwe din kase gusto nya daw maka bonding ang mama nya. At si patricia ganun din ang ginawa umuwe din sya para makasama ang mama at ang ate nya. Naghihintay na lang ako ngayon ng magbubukas sakin, kanina pa ako nag door bell pero parang---

"Dreeeyyyyy!!!!" Sigaw ni ate Alex sabay yakap sakin ng sobrang higpit. Medyo umatras pa ako ng bahagya kase baka maipit namin si baby sa tyan nya. Napatingin ako don sabay halik at hawak sa tyan nyang malaki na.

"Tita is here! Wag kang malikot dyan ha! Malapit kana rin lalabas sa tummy ni mommy mo, kaya excited na kaming makita ka." Nakangiting sabi ko at sasagot na sana si ate alex sakin kaso biglang sumulpot si kuya edmon.

"Oh, tama na yan! Sa loob na kayo mag-usap pumasok na muna kayo!"

"Oo na po!" Inambaan ko si kuya sabay yakap ko sa likod nya. "I miss you kuyaaaaa!!!"

Sinarado ni kuya ang gate, pagkatapos hinarap nya ako ng nakataas ang kilay. Luh! Si kuya--

"Kamusta ang pag aaral?" Tanong nya sakin habang naka halukipkip sya. Nagkibit balikat naman ako at ngumiti sa kanya ng parang bata.

"Ayos lang kuya! Enjoy naman kahit papano" Tinaasan nya ulit ako ng kilay at nauna pa syang naglakad sakin. Sumunod naman ako sa kanya at dala dala ko padin yung bag kung napakabigat. Hays! Si kuya talaga napaka ungentleman kahit kilan--

"Ano ba naman yan edmon, di mo man lang tinulungan yung kapatid mo dyan sa dala nya."

"Kaya nya na yan." Umirap na lang si ate sa kanya at napasimangot na lang ako don. Napaka nitong si kuya eh no'akala mo naman kung sinong-- nakapag asawa lang ng maganda gumaganyan na sya.

"Kumain kana ba iha?" Napatingin ako sa nagtanong, umaliwalas bigla ang mukha ko ng makita ko si nanay suzy. At agad agad ko syang niyakap

"Nanaaaayyy!!! Namiss ko po kayooo.. kamusta po kayo nay?"

"Ayos lang ako anak. Teka, gusto mo bang kumain? Ipaghahan--"

"Ay hindi na po nay, mamaya na lang po ako kakain. Siguro magpapahinga muna ako."

"Oh sige ikaw bahala, kaya mo bang dalhin yung bag mo?"

"Opo nay, si kuya na ang magdadala nyan sa taas." Ngumiti ako ng malapad, sabay tingin kay kuya na mukhang tamad na tamad ngayon.

"Sya sige! At sa kusina muna ako." Tumango na lang ako kay nanay suzy at pinanood ko syang naglakad papuntang kusina. Nilingon ko si ate alex na namumula na yung mukha.

"Ate ayos ka lang?" Nilapitan ko sya at tipid na ngiti lang yung sinagot sakin. Napatingin ako kay kuya na nag aalala na rin ang mukha kahit na mukha syang badtrip ngayon. Ano bang nangyayare sa mga to?

"Iaakyat ko lang muna yung bag mo" Tumango naman ako kay kuya at hinayaan ko syang dalhin yung dala ko sa taas. Napatingin ulit ako kay ate na ngayon ay maaliwalas na ang mukha nya.

"Ate ayos lang ba kayo ni kuya?" Nag-aalalang tanong ko.

"Ayos lang naman kami. Kaya lang minsan talaga naiinis ako dyan sa kuya mo. Hays! Parang ayoko syang makita ngayon eh. Naiinis ako sa kanya kanina pa!" Natawa na lang ako sa reaction ni ate, ang cute nya tingnan, lalo na at namumula yung mukha nya sa inis. Wala akong kinakampihan sa dalawa na to pero ang cute nilang mag away na dalawa. Ano naman kaya ang dahilan? Nag advice ako ng kunte kay ate at sinabi ko rin na habaan nya ang pasensya nya lalo na at malapit na malapit na syang manganganak ngayon.

Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon