Chapter 29: Family History

138 4 3
                                    


Natapos ang christmas at new year namin na masayang pamilya. Nandito si Tita mel, ang mama ni ate alex, si Trixxie na ngayon ay nagdadalaga na talaga. Si Mama at Papa na malapit na ang balik sa buisness, ang alam ko one week na lang ang namamalagi nila dito at babalik na rin sila abroad. Si kuya edmon at ate alex na hawak hawak si baby zed na nakadilat ang mata.


Pasado alas otso'y na ng umaga at ito kami at naglilinis pa. Buti na lang at tinutulungan ako ni Trixxie na maglinis sa ibat ibang parte ng bahay. Kawawa naman kase ang mga kasambahay namin kung sila lang ang maglilinis ng kalat namin. Syempre tinulungan din nila kami na mag ligpit.


Malapit na naman ang pasukan namin at sa feb na ang 4rth sem namin. Uunahin muna daw sabi ng prof namin ang final exam at baka sa pasukan magiging busy na rin kami sa pag aaral. Lalo na sa mga projects.
At siguro nga kailangan kona rin pagtuonan ng pansin ang pag aaral ko. Masyado kona rin napapabayaan at baka this time, babawian ko naman. Nitong huling araw masyado akong occupied sa lahat ng natutuklasan ko. Marami akong nakikitang bagay na hindi naman nakakatulong sakin kundi mas lalo pang napapabigat ang pakiramdam ko. So ito na. Time naman siguro ng pag aaral. Kung may dapat akong iiwasan ngayon, naiwasan kona rin. Magagawa ko ulit yon kung gugustuhin ko.

Ayoko na rin pansinin yung lahat ng nakapaligid sakin kase alam kung sakit lang din yon sa puso at isipan.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Mama at Papa. Nag reready silang mag impake ng kanilang gamit papuntang abroad.


"Ma!" Tawag ko sa kanya.


"Ano yon anak?"


"Pano po kayo nagkakilala ni papa?" Tumitig ako kay mama na ngayon ay nakangiti na sya ng malapad.


"Baka dika maniniwala sa sasabihin ko nak." Sinulyapan nya muna ako bago pinagpatuloy ang ginagawa nya.


"Eh, pano nga po?" Pangungulit ko pa. She sight at umupo sya sa tabi ng kama nila.


"Your dad is a mafia boss!"
Nagulat ako sa sinabi ni mama sakin at napaayos din ako ng upo. Anong mafia boss? Yon ba yung--



"Sya ang pinaka mataas at leader ng mga gangster anak." Ano? Si papa? Naging gangster sya dati? Pano? Panong naging ganun?


"Pano po nangyare yon?"
Naguguluhan na tanong ko kay mama. Hindi parin kase nag poproseso sa utak ko yung nalaman ko kay mama. After all this years si papa gangster sya dati?


"Mahabang kwento anak. Kung ipapaliwanag ko sayo ang lahat lahat, baka bukas pa tayo matatapos ng kwento. Baka nakakalimutan mo anak na nag iisang anak ang daddy mo?" Ngumiti sakin si mama kaya napatango ako at nagpatuloy sya ng kwento. "Mayaman ang daddy mo nun nak, lahat ng kompanyang mababa ang level ay sa kanilang kompanya kumakapit kaya ang daming nang-iingit sa daddy mo sa posisyon nya bilang isang CEO ng kompanya nila."


Halaa! Bakit ngayon lang ako nagtanong about sa history nila ni papa. Eh kung ganun bakit ngayon parang ang kompanya naman nila papa ang bumaba? Anong nangyare samin after? Ang tanong ko lang naman ay pano sila nagkakilalahan ni mama, how come na sa company na napunta at ang masaklap pa isang mafia boss si papa?. Omg!!



"Maraming kumakalaban sa daddy mo nun anak. Marami ng sumubok na patayin sya. Lalo na nung naging kami ng daddy mo ay mas naging double ingat sya kase marami din ang gustong paslangin ako. But pinagsasalamat ko na sa kabila ng lahat ng yon, your dad is trying to save me from danger. Hangang sa ang magpapatigil na lang ng gulo ay maalis ang dad mo bilang CEO ng company and He did." Kung nagulat ako kanina, mas nagulat pa ako dahil sa sinabi ni mama. Ano? Nag sakrepisyo si papa dahil sa kay mama at sa kompanya? Tumabi ako kay mama kung saan sya nakaupo at gulat parin akong nakikinig sa kanya.


Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon