A/N: guys be careful. Medyo may pagka SPG ang chap na ito. Hahaha!
Audrey POV:
A-aray.. bakit ang sakit ng ulo ko?
Ano bang ginawa ko at parang mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.Sinubukan kung bumangon pero nabalik din ako agad ng higa dahil sa masakit nga talaga.. inalala ko din ng maayos kung ano bang ginawa ko or baka nag paulan ako ng--
Oh my god!! Nagpaulan nga pala ako ng alak kagabi. Oo yung kagabi naalala kona. Kami pala ng mga kaibigan ko ang naglasing kagabi. Pero bat parang meron sa memorya ko na may nakihalo pa sa amin?
"Masakit pa ba ang ulo mo?"
Bigla akong napalingon sa kung sinong familiar na tao ang nagsalita. At laking gulat kona si drake ang ang nasa harapan ko ngayon at nakatayo sya. Walang ka-emosyon ang mukha nyang nakaharap sakin."A-anong ginagawa mo dito?"
"Wala ka bang na-alala?"
Napatigil naman ako bigla at inaalala ko ulit yung nangyare kagabi at napayuko ako.. at laking mata kona lang na wala akong damit pantaas but, naka bra pa naman ako. Nagtakip ako agad ng kumot at tiningnan ko sya ng masama. I-ibig bang sabihin? May--
"Anong ginawa mo sakin? Bakit ako nakaganito ha!?" Galit na nilingon ko sya at ngumisi lang ang gago sakin. Sa sobrang inis ko kinuha ko ang isang unan at binato ko sa kanya.
"Seryoso? Wala kaba talagang naalala?" Di ko sya sinagot at nakatingin lang ako ng masama sa kanya. Teka nga? Ano ba talagang nangyare?
Biglang nag flashback sa utak ko ang lahat ng nangyare sakin kahapon. Simula kasama ko si liam. Hangang doon sa mga na encounter namin na mga gangster at sa pag uwe ko. Sa pag uusap namin nila keiven at stella. Hangang sa dumating si Winston ng may dala dala ng alak.
Kumain kami, naglasing. Untill nagsi hubad kami ng mga damit na tatlo-- omaygosh!! Nagawa ko yon? Nagawa ko talaga sa harapan nila yon hangang sa dumating ba sila? At ang masama pa doon. May mga bagay akong nasabi na hindi ko alam kung ano ba mga yon. Pero pakiramdam ko mabibigat na mga salita yung mga nasabi ko.
Ano ba yan!! Nakakahiyaaa ako. Huhuhuhu kung pwede lang magpa lamon sa kama ko na to ginawa kona kaso hindi eh. Tumingin ako sa kanya saglit sabay iwas ko din ng tingin, Humiga ulit ako at nagtalukbong agad ng kumot. Sheyyt!! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko sa isang to kung magtatanong sya? Sabagay kagabi nga eh halos pinigilan kung umiyak sa harapan nya kase ang cold cold nya na sakin. Sya na nga tong nagluko sakin, sya pa ang gaganyan.
Dapat nga magalit ako ng sobra sa ginawa nya eh. Kaso tangina! Nakakainis na rin yung lagi na lang akong nagiging mapag bigay minsan. Pero ngayon susubukan kong ako naman ang magiging malamig sa kanya. Ipapakita kung wala akong paki-alam. Nung pinaalis kona nga sya kagabi, Umiyak ako nun ng umiyak, hangang sa makatulog ako. I thought that was last na iyak ko sa kanya. Yon pala akala ko lang pala yon. Hindi ko naman kase inakala na darating sila agad kagabi.
"Pweding lumabas ka muna?" Malumanay na sabi ko sakanya. Ayoko muna kase syang makita eh. Baka mamaya pala nyan pinagtatawanan nya ako, diba?
"Okay pero sabihin mo lang kung gutom--"
"Hindi ako gutom. Sige na maliligo pa kase ako eh." I said with a cold voice. Im just trying my best to be act like this. Baka kase sa huli ako lang din ang magiging kawawa pag naging marupok pa ako ulit sa kanya. Narinig ko syang bumuntong hininga pati ng lakad nya hangang sa bumukas ang pinto at isinara ito.
Napapikit na lang ako at mukhang maiiyak na naman ako. Dahan dahan akong bumangon at napatingin ako sa kawalan. Ito na naman ako natutulala na naman ng parang ewan. Wala eh. Wala na kase akong ibang iniisip ngayon kundi yung nangyare kagabi pati ng mga pinag sasabi ko sa kanya, oo. nakakahiya yon sobra! Parang ayoko na nga muna syang makita kase nga dahil don sa nangyare.
BINABASA MO ANG
Im In Loved With That Gangster Too [PART 2 COMPLETE]
Любовные романыNaging kampati at naging masaya sya. Masayang masaya na yung tipong walang makakatumbas ng saya nyang yon simula ng mag boyfreind/girlfriend sila ni Drake. may nagbago at may naiiba sa pagsasama nilang yon. akala nya masaya na ang lahat. N...