Chapter 27: Vedio call

132 4 0
                                    


Audrey POV:


December 20, na ngayon at ito yung pang limang araw kona dito kung hindi ako nagkakamali. Dumating narin sila Mama at papa nung 17, lang. Then kanina kakarating lang din ng mga magulang ni ate alex. Nandito din si Trixxie yung kapatid ni ate alex. Sobrang laki na nya ngayon at nagdadalaga na rin sya. Buti na lang at may kausap ako dito kahit papano. Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko at kanina pa kami nag uusap nitong mga kaibigan ko sa messenger. Nag vi-video call kami ngayon na apat dito kaya ito na lang ang nagagawa namin.


"So ano nga? Bat mugto yang mata mo Stella?" Tanong ni patricia na nasa kabilang linya.


"Wala nga to. Ayos lang ako" sagot ni stella.


Chesca: "No, hindi ka ayos sa lagay na yan."


Patricia: "pwede mo naman sabihin samin yang problema mo eh. Malayo ka samin at malayo din kami sayo. Pwede naman tayo mag usap usap ng ganito ah!"

Tumango tango naman ako at inayos ko yung headset ko. Nakikinig lang ako sa usapan nila at nakikita ko din ang bawat ayos nila. Umupo ako ng maayos para makita ko talaga sila sa screen.


Stella: "A-ano kase eh--"

Chess/Pat: "ANO NGA!?"


Ako: "Kanina pa yung ano kase na yan eh. Ano ba kase dapat, nag away ba kayo ng asawa mo?" Di kona mapigilan na magtanong. Agad naman napahagulgul ng iyak si stella sa kabilang linya kaya nag panic kaming tatlo.


Stella: "Nag-away kami tapos we broke up."


"WHAT!!?" Sigaw naming tatlo. Panong--


Stella: "He cheat on me!"


"A-aano?" Di makapaniwala kung tanong. Panong nangyare na nag cheat si keiven sa kanya eh lage naman silang magkasama? Tsaka--


Patricia: "Girl! Pano nangyare yon eh lage naman kayong magkasama ha!?"


Chesca: "At kanino sya nakipag cheat? Dyan ba sa inyo or baka naman pina prank ka lang nun, pano kung dika sigurado."


Napailing- iling si stella at lalo pa syang umiyak ng tudo. Nagkatinginan kaming tatlo sa screen at kahit hindi ako yung nasa sitwasyon ni stella ngayon alam kung napakasakit nun at alam kung mas nasasaktan sya ngayon. Nung gabing nalaman kung In a realitionship si kwago kay amber, umiyak lang din ako nun. Ano ba naman kase ang nagagawa ng sakit na yan kundi umiyak lang diba?

Stella: "No!, sigurado ako. At isa pa umamin na rin naman sya sakin. Nahuli kona din syang nakikipag chat sa diko kilalang babae. He said na ex-gf nya yon since nung 2nd year HS daw sya. But i can't believe him. Ginawa pa rin nya akong tanga. Lalo na at nakipag inuman pala sya sa mga pinsan nya nung gabing yon. Nung flight na namin kinabukasan ng hapon. At ang pinaka worst pa. They have a sex nung babaeng yon. Damn! Punyetaaa sila."

Natahimik ako. Pati sila chesca at patricia ay mukhang hindi rin alam kung anong sasabihin nila. We're Speechless sa sinabi ni stella. Hinayaan na lang namin syang umiyak ng umiyak at kinuwento nya rin samin yung pagtatalo at pag aaway nila. Naapektuhan na rin nila ang pag aaral nilang dalawa kaya nakakasama na yon. Lalo na at mukhang stress na stress pa tong kaibigan namin. Halos hindi na ata sya natutulog sa kakaisip sa gagong keiven na yon. Naalala ko pa nung hinatid namin sila sa airport at tulala nga nun si keiven. So that mean, kaya ba sya tulala ay dahil don sa mali nya? Pero bakit naman ganun? Sinabihan ko pa man din sya na wag na wag nyang sasaktan ang kaibigan namin kundi ako ang makakalaban nya. I thought, iba sya sa barkada ni drake. He is a person kas na tahimik at kita mo sa kanya ang pagiging gentleman ng isang lalaki. At napaka caring na lalaki sa magiging babae nya. I saw how he is inlove with stella. Pero diko akalain na aabot sila ng ganitong sitwaston.

Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon