"Edmooooonnn bilisan mo namaaaann!!" Malakas na sigaw ni ate sa baba. Taranta ko syang tiningnan at di ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Nakahawak si ate sa malaki nyang tyan habang inaalalayan sya ni Mama at ni Tita melba, ang mama ni ate.
"Kuya nasaan na yung susi ng kotse! Bilisan mo naman!" Galit na sigaw ko kay kuya. Kita kung hawak hawak na nya yung susi, at muntikan pa syang madulas sa may tapat ng pinto sa sobrang pagmama-bilis. Diko alam kung matatawa ako or what, kase hindi na nya halos alam kung ano ang gagawin nya.
Binuksan agad ni kuya ang pinto sa likod ng kotse at kinuha ni kuya ang kamay ni ate para maalalayan sa loob para makaupo ng maayos. Ingat na ingat sya na wag lang masaktan si ate, pero kahit na ganun namimilit parin sya sa sakit.
"Ano ba edmon! Bilisan mo at magmaneho kana! Ang sakiiiitt na ng tyaaannn koo!!"
"Sorry! Sorry honey, ito na. Kalma ka nga pwede! Makakasama sayo ang--"
"Tumigil ka! Kung ayaw mong dito na ako manganganak."
Natahimik na lang si kuya at agad na syang pumunta sa driver seat para mag-drive. Sumakay na rin ako sa front seat dala ng mga iba pang gamit ni ate papuntang hospital. Isang box na puro pam-baby ang laman nun. Lahat na ata ng kailangan sa bata ay nandito na. Nag double check na rin ako baka kase may nakalimutan pa kami. Napatingin ako kay kuya na nag aalala ang hitsura kay ate. Natawa pa ako sa sout nya ngayon kase naka Short lang sya ng pang bahay at naka t-shirt lang ng plane white. Halatang di sya nakapag handa sa lagay na yan. Napatingin din ako sa likod. At naka-alalay parin yung dalawang matanda kay ate. She is screaming like, yon na ang pinaka masakit sa lahat ng pinagdaanan nya. Sinisipa sipa nya rin yung upuan ni kuya na dahilan kung bat nagiging malikot yung kotse.
"Alex! Will you please calm down. Makakabanga tayo dito e."
"I dont care kung mababanga tayo dito! Basta bilisan mo ang pag drive! Mamaaa inaaway pa ako oh!"
Parang batang sumbong ni ate sa dalawang matanda. Nagkatinginan lang yung dalawa at napatango kay ate. They cheer up with ate alex na kaya nya yun at pinapa relax na rin si ate. Nang makarating kami sa hospital, ay agad na bumaba si kuya at tumawag ng nurse! Inalalayan nya si ate at agad naman na may dumating na mga nurse at may dala pang whell chair. Ako naman ay kinuha kona yung iba pang gamit at binitbit ko yon papasok ng hospital. Dala ni mama ang iba at ang iba naman ay dala ni Tita mel.
Pinahiga na si ate sa roller bed at agad syang dinala ng mga nurse don sa emergency room. Agad din na humarang ang isang nurse kay kuya na 'di sya pwede sa loob' kita ko ang pagkadismaya at pag aalala nya. Yung halo halong emosyon na nakikita ko sa kanya pero nandoon parin sa kanya ang pagiging kalmado. Lumapit ako sa kanya at hinagod hagod ko ang braso nya to make him sure na magiging okay lang ang lahat. Medyo gulat pa kami ng may isang lalaking nurse ang lumabas at--
"Patient family?--"
"Ako yung asawa nya. Kamusta ang mag--"
"Sir, kailangan po kayo sa loob. Matigas ang ulo ng asawa mo kaya ayaw nyang manganak hangat wala kayo sa tabi nya."
Napamura ng malutong si kuya at agad agad syang pumasok sa loob. Di na nya inantay yung nurse na makasabay kase tumakbo na sya agad doon sa loob. Napatingin ako kay mama at kay tita na parehong nag aalala ang mukha. Ngumiti ako sa kanilang dalawa to give them assurance. Ilang minuto na rin ay kinuha ng nurse ang ilang gamit ni ate at nung batang ipapanganak nya. Excited na kinakabahan ako sa lagay ni ate. Kase finally makikita kona rin ang pamangkin ko.
BINABASA MO ANG
Im In Loved With That Gangster Too [PART 2 COMPLETE]
RomanceNaging kampati at naging masaya sya. Masayang masaya na yung tipong walang makakatumbas ng saya nyang yon simula ng mag boyfreind/girlfriend sila ni Drake. may nagbago at may naiiba sa pagsasama nilang yon. akala nya masaya na ang lahat. N...