Chapter 23: Game Partners!

275 5 0
                                    

Drake POV:

We're all here now at sala kung saan naglalaro lang kami ng chessboard.
Kaming apat lang naman yung nandito si Darryl, Dwayne, Matheiu and me. Buti na lang at sabado ngayon at walang klase bukas. Yon nga lang pupuntahan ko si Amber sa bahay nila to finish the project. Partner kase kami ng articles kaya ayon, sya na rin nag suggest na kami na magpartner. Pumayag na lang ako since kilala kona rin sya.

"Anong balak natin?"

"Edi matulog ulit."

Dinig kung paano batukan ni darryl si math dahil sa sagot nyang yon.

"Wala ka talagang sense kausap ano!? Kakatulog mo lang kanina matutulog kana naman!"

"Eh! Sino bang may kasalanan ha! Binuhusan nyo ako ng malamig na tubig eh. Ano kasalanan kopa?"

"Prank lang yon ugok!"

"Kahit na prank yon, nakaka inis parin." Inis na sabi ni math, sabay nilapag nya ang queen nya kaya agad yon nakuha ni darryl na tuwang tuwa pa at napasigaw. -.-

"Ayan kase di nag iingat! Iinisin pa kita dyan lalo eh! HAHAHA huy matheiu yung pustahan natin ha. Kapag nanalo ako dito ilebre mo ako ng load."

"As if, eloload kita! Ulok di ako magpapatalo sayo! Masasayang pa ang 100 pesos ko sayo."

"Oh sige ba! Sabi mo eh. May be the best man win bro!"

"Ulok, di tayo talo!!"

Napailing- iling na lang ako sa dalawa at hinayaan kona lang din silang magtalo don. Buti na lang tahimik itong kasama kung si Dwayne. Napatingin ako sa kanya at mukhang malalim ata ang iniisip nito. Ano na naman kaya ang problema nya?

"Huy! Ayos ka lang?" Gulat syang napatingin sakin at tumango sya ng mabilis. "Bakit parang may problema ka?" I ask again.

"W-wala, Wala akong problema. Ikaw nga ata dyan yung malalim ang iniisip eh" If i know. Hindi sya yung taong marunong magsinungaling. Alam kung meron syang tinatagong lihim ayaw lang nyang sabihin samin.

"Tungkol pala don sa mga nakalaban natin nung last week kamusta ng mga yon?" Tanong ni dwayne, kaya napahinto ako sa paglalaro. Kahit sila darryl napahinto na rin. Mukha atang ini-iba ni dwayne ang usapan namin..

"Edi ba nga napuruan natin ang iba don? Kaya Im sure naman na mga tigok ang mga yon eh." Si darryl.

"Baka nga tulog pa ang mga yon. Tch!! Alam ko naman na di nila tayo matatalo ng ganun ganun lang." Si math.

Napaisip tuloy ako don sa mga nakalaban namin nung isang araw lang. Napuruan din naman kami pero hindi yung grabe na. Hindi kami yung hospital ang bagsak pag naghahanap kami ng sapakan. Sa grupo you need to be strong, excitement at tiwala sa isat isa na dapat may matatalo kayo. At kung paano kayo magiging malakas.

Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon