Chapter 33: Short Hair

72 3 0
                                    

Audrey POV:

Minsan pala hindi mo pwedeng pagkatiwalaan agad ang taong kakilala mo pa lang. Hindi mo alam kung masama ba sayo or mabuti sayo ang isang tao.

Marami na akong nakasalamuhang tao pero iilan don yung napagkatiwalaan ko ng lubos. Hindi ako iniwan hangang dulo at kahit papano nag stay sa tabi ko ang mga kaibigan ko. And Im thankfull with that. Hindi ko lang alam kung bakit may iilan parin ang nagsisinungaling, siguro kase nasanayan na yan ng tao.

But i guess, para naman siguro sa kaligtasan ko yun. Hindi ko lang talaga maiwasan isipin ang nangyaring pag kikidnap sakin last week. February na ngayon at malapit na ang birthday namin ni synch at wala akong balak na i-celebrate ang birthday ko na yon. Its very annoying kung magpaparty ako tapos may naranasan akong hindi maganda sakin nitong nakaraang araw. No! Ayoko na nun. Baka hindi rin ako magiging masaya kung icecelebrate ang birthday ko.

Sinabi kona rin kila kuya at mama na ayokong icelebrate ang darating na kaarawan ko. Ayaw na rin nilang gawin ang gusto ko kaso in the end wala rin silang nagawa dahil sa katigasan ng ulo ko. Okay lang naman sakin eh. Magiging ordinary parin ang araw ko pagdating nun. Hindi naman ako malulungkot.

"Oh, ang lalim na naman ng iniisip mo ah," napalingon ako malapit sa pintuan kung saan don nakatayo si chesca. Nginitian ko sya ng pilit at hinayaan ko syang makapasok sa kwarto ko.

"Nag-text pala sakin si kuya edmon drey, pinapatanong parin sakin kung gusto mo bang--"

"Hindi na chess, dito lang ako sa unit natin. Kaya ko naman eh! As long as okay ako, dito lang ako. Salamat at pakisabi na lang kay kuya" ngumiti ako sa kanya ng pilit at binalik ko ang tanawin ko sa malayong lugar dito sa syudad na to.

"G-gusto mo bang mag meryenda? Nasa baba lang ang mga pagkain."

I nodded.

"Baba lang ako kapag gusto ko chess, salamat sa concern." Malamig na tinig ang pinukol ko sa kanya at diko na tinapunan ng tingin ang kaibigan ko. Alam kung pati sila nahihirapan na rin sa sitwasyon ko ngayon.

"Gusto mo parin ba mapag isa?"

Tumango ako.


"S-sige kung kailangan mo ng kausap nandon lang kami sa kusina, at kung hindi mo kami makikita don nasa kwarto lang kami. Ha!"

Tango lang ang sagot ko at dina ako nagsalita pa. Tulala parin akong nakatingin sa kawalan hangang sa naramdaman kong sinarado na ang pinto. Napatingin ako don at napabuntong hininga ako. I feel so sorry sa mga kaibigan ko at pati sila nadadamay sa nagiging sitwasyon ko. Masyado akong pala-isipan simula nung nangyare yung trahedya. Umalis ako sa kinatatayuan ko para umupo sana sa kama ko ng bigla akong napa-angat ang mukha ko at nakita ko ang sarili ko sa malaking salamin.

Lumapit ako don ng dahan dahan at don ko tinitigan ng isa-isa ang bawat sulok ng mukha ko. Halata sa mukha ko ang stress, nagkaroon na ako ng itim sa ilalim ng mga mata ko at masyado akong pale kung titingnan. Hinawakan ko ang sugat sa labi ko at buti na lang pawala-wala na yun. Nakita ko rin ang kunting galos sa kamay ko at hinaplos ko yon. Diko mapigilan na maalala ang trahedya sakin at-- isang patak ng luha ang pumatak sa kamay ko. Hangang sa sunod sunod na ang luha ko at napaluhod na ako sa sahig. I cry hard. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak pa ng malakas at baka marinig ako ng mga kaibigan ko.

Ang hirap tangapin yung mga bagay na pilit mo na lang kinakalimutan. Pilit mong alisin yung takot at galit na yon para lang wala ka ng maramdaman. Gusto kong maging manhid na tong puso ko para ng sa ganun wala na akong maramdaman. Napatakip ako sa mukha ko, untill naisipan kong tumayo at pinunasan ko ang mga luha ko. Galit akong humarap sa malaking salamin sa harapan ko at pinunasan ko agad ang luhang gusto pa atang makaligtas. Matapang kung tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon