Chapter 25: Just A Friend's

188 4 0
                                    

Audrey POV:

December 14, araw ng lunes.


At ito na rin ang huling klase namin na taga BM (Business Management) pare-parehas lang naman kami ng kurso nila chesca at patricia kaya excited kaming magbakasyon ngayon sunod na week end. Balak namin kasing magbakasyon sa bahay namin kung saan nandoon si Ate alex at kuya edmon. Ngayon ko lang din naalala na nextweek na rin ang labor ni ate alex kaya excited na kami para sa panganganak nya.

Exited akong makita ang first pamangkin ko eh. Hehe ang saya siguro maging tita. Lalo na kapag isang makulit din na bata ang kukulit sayo araw araw. Napag-alaman din namin na lalaki ang magiging baby nila ni kuya. Sobrang saya ni kuya edmon nung tumawag sya sakin nung isang araw para lang ibalita sakin yon. Matagal na dapat yung ultrasound ni ate kaso napag isipan daw nilang mag asawa na wag na munang sabihin. Nakakatampo tuloy, hindi kase ako nakapag handa sa ibibigay kung regalo para sa pamangkin ko. ngayon pa kase sinabi ni kuya eh. Nakakainis tuloy!

Pero okay lang naman daw yon para mas exciting, kahit nga daw sila excited na silang makita ang munting anghel nila kahit alam na nila ang kasarian nito. Sobrang saya ko sa kanilang dalawa. Sila Dad and Mom ay uuwe din sila ngayon december then babalik din daw sila after noon para daw makita din nila ang panganganak ni ate at ng magiging first apo nila. Dito na rin daw sila mag babagong taon. Tuwang-tuwa sila both side na mag balae ang mga magulang ni ate alex. Sinabi na rin ni ate alex na sa bahay na rin daw mag babakasyon ang mga magulang nya pati si Trixxie yung bunsong kapatid ni ate alex na makulit. Ang tagal din ng panahon na hindi ko nakita ang batang yon. Kamusta na kaya sya? Im sure dalaga na rin ang batang yon. Di bali pagtapos ng klase namin na to mag iimpake na talaga ako agad tapos pupunta na rin ako sa bahay namin. Sobrang miss na miss kona din kase sila eh.

Isang subject na lang at magtatanghalian na. Nandito kase ako ngayon sa loob ng room namin kung saan nag didiscuss yung prof namin pero parang wala akong naririnig. Sa harapan din naman ako nakatingin kaya lang hindi sumagi sa isipan ko na may teacher pala sa harapan ko. Hehe! Kase naman--

"Your staring at the whole class, hindi ka ata nakikinig" Huh!?
Napalingon ako sa katabi ko na hindi naman din sya nakatingin sakin. Si william lang pala. Naalala ko lang nung last month. Ang dami nyang pasa sa mukha. Pati labi nya ata napuruan yon ng suntok. Pero ngayon? Wala na. Kahit gasgas wala na rin patak sa mukha nya. Ano kaya ang pinangamot nya don at pati peklat nawala agad?

"Nakatingin kana naman sakin" nakangisi nyang sabi sakin. Kaya agad akong napatingin sa harapan ko. Amp! Kahit gwapo pa ang isang to papatulan ko talaga.


"Ang galing mo na rin pala magtagalog ngayon nu? Ano may tutor kaba para madali kang matutu magsalita ng tagalog?" Mahinang sabi ko habang hindi ako nakatingin sa kanya. Mahirap na at baka makakahalata tong prof naming mataba eh, palalayasin kami sa oras ng klase nya.


"If i tell you the truth, na may nagtuturo nga sakin are you happy?" Pfft.. bigla akong natawa sa sinabi nyang yon. Bat naman ako magiging masaya kapag natutu na syang magtagalog. Kaya lang yung tagalog nya may pa slang parin, kaya halata mo talaga sa kanya na meron syang lahi.

"Siguro magiging masaya ako sayo kase marunong kanang magtagalog kahit pabalang pfft--"

"Miss, Sandoval and Mr, Scott Kung nag uusap kayo pwede na kayong maunang lumabas sa klase ko."

Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon