Chapter 20: Worried

261 10 0
                                    

Audrey POV:

"Ate!?"

Tawag sakin ni mixine. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti ako ng pilit. Halata naman kaseng di ako naging okay kani-kanina pa.

"Are you really okay?" I nodded. Kita ko sa kanya na mukhang kanina pa sya nag wo-worry sakin.

"Alam mo mabuti pa pumasok kana sa next class mo."

"Pero--"

"I'm okay. Ayos lang ako, ano kaba? wag kang mag aalala sakin."

"S-sige ate, basta text moko or tawagan mo lang po ako pag in case na gusto mo ng kausap." Malungkot na sabi nya bago sya tumayo. Humalik muna sya sakin bago sya lumabas ng pinasukan namin kanina.

Sinundan ko pa sya ng tingin hangang sa makapasok sya sa gate ng University nila. Ilang sandali pa ako nag isip isip bago ako umalis sa lugar na ito. Hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko sa nakikita ko kanina. Halata naman eh, halata naman na sila na nung amber na yon. Halata naman na di lang sila nag papangap as a couple. Naghalikan nga sila eh. Kitang kita ko yon kanina. At yung mga ngitian nila sa isat isa, alam kung hindi naman fake yon.

At ang hindi ko maintindihan, kung bakit nandito pa ako at naka-upo. Iniisip ko kase yung nakita ko kanina. Siguro kung ako ang tatanungin di naman ako tutol sa pagmamahalan nila kung meron man. Bagay silang pareho diba? So why im bothering them. Ano yon eextra extra na lang ako sa love story nilang pareho ganun? Alam ko naman siguro sa sarili ko yon na hindi ko gagawin. Napabuntong hininga na lang ako ng malakas at diko maiwasan na di mag flashback sa utak ko yung kanina.

Kanina kase after nung bangaan namin thingy ni Amber na alam kung sinadya ko din naman ay dina maiwasan don yung pinakilala nya yung sarili nya kahit di naman ako nagtanong. Sabi nga nya diba girlfriend sya ni drake. Tss.. bakit ba kailangan pa nyang sabihin yon? Di naman ako nagtanong sa kanya kung sya ba ang girlfriend or hindi. Kulang na nga lang don sasabihin kung Ex ako nyang boyfriend mo. At ang nakakainis pa don kilala nya ako. How come na kilala nya ako agad?


Wow? Just wow? Ang galing manghula ng babaeng yon. Tas kanina mukhang di nagustuhan ni drake yung mga sinabi ko kaya ang sama sama ng tingin nya sakin. Pakiramdam ko mas pinagtatangol pa nya yung Amber the ugly na yon kesa sa akin. Sinabihan ko kase sya ng marupok kaya iba pagkakaintindi nya. Akala nya yung marupok na sinasabi ko ay Pokpok ayon nagalit. Pagsabihan daw ako ni drake na wag syang tawagin na marupok kase mukha daw syang pokpok. Di namin napigilan ni Mimixine at nung mga nakakarinig don ay nagtawanan sila as in tumawa talaga ng malakas.

Mukha naman syang napahiya don kaya ayon si drake na ang nagalit sa amin. Hindi daw nakakatuwa yung ginawa namin kaya tumingin sya ng sobrang sama sakin na akala mo ang laki laki ng kasalanan ko sa kanilang dalawa. Nag walk out ang dalawa bago nila kunin yung halo halo na pinabalot nila. Halos natameme ang lahat ng tao don pati na rin ako. Sino ba namang di matatahimik eh, parang monster na kung magalit ang isang yon. Kasalanan ko bang mali ang magkakaintindi nya ng marupok is fragile? Akala ko englisera yon?

Bakit parang hayys.. nakaka istress mag-isip. Minabuti kung wag ng pagpatagal dito at baka hinahanap na ako nila chesca. Tatlong oras din akong nawala kaya im sure, kanina pa ako hinahanap nun. Vibrate nga ng vibrate ang selpone ko kanina kaya ayon nga hindi kona lang muna pinansin yung tawag at text nila at hinayaan kona lang. Kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo na ako para lumabas.

Pero laking gulat ko nung pagbukas na pagbukas ko nang pintu tumambad sakin ang mukha ni drake at mukhang pati sya nagulat din nung nakita ako. Pero ilang saglit lang yung titigan namin at nilampasan ko sya. Ayoko syang pansinin kahit na ang lakas lakas ng tibok ng puso ko ngayon.


Im In Loved With That Gangster Too  [PART 2 COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon