Nasa kanilang usual seat sina Kyle at ang mga kaibigan niya sa may bandang entrance ng cafeteria. Kasama nila sina Aki at ang mga ka-banda nito. Sina Carrie naman ay nasa mesa na nasa harap at malapit sa counter.
Sa loob ng isang buwang pagsasama nila ni Aki sa Student Council ay nadiskubre niya na hindi na ito ang dating Aki na naging kaaway niya dati. Mas responsable na ito. Akala niya ay nagpapakitang-tao lang ito ngunit ipinakita nito na sincere siya na magbago. Unti-unting naglaho ang galit niya para dito.
Noong una, nagagalit siya kapag nakikita niyang nakikipagtawanan si Carrie dito. Pakiramdam niya ay hindi magiging masaya ng ganoon si Carrie kapag siya ang kasama. Pero nang maglaon ay naalala niya na sadyang ganoon lang talaga ang ugali nito. Kaya nga sila naging magkaibigan dati ay dahil sa angkin nitong palakaibigang aura.
Magkaibigan na ulit sila ni Aki. Hindi niya akalain na sa magulong paraan pa pala sila magkakaayos.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang insidente sa likod ng male dorms...
That night, it was past 8:00 pm at kagagaling lang niya noon sa mini pool sa sixth floor ng Emerald. Pagkababa niya sa ikalimang palapag ay may nakita siyang isang kumpol ng kalalakihan sa pinakadulo ng hallway. Hindi niya inusisa kung ano ang naroon at pumasok na siya sa Room 5-4.
Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas uli siya para bumalik sa taas upang bumili ng maiinom sa vending machines.
Paakyat na sana siya ng hagdanan nang may narinig siyang mahinang bulungan sa ibaba. Sinilip niya iyon at nakita ang mga kalalakihan na nasa hallway kanina. Isa si Blake sa mga iyon. Parang may pinaplano itong hindi kanais-nais dahil nakangiti ito ng wagas.
Hindi niya maintindihan kung bakit pero natagpuan na lang niya ang sarili na sinusundan ang mga ito.
Nagtago ang mga ito sa likod ng storage room na nasa tabi ng Emerald. Doon inilalagay ng mga janitor ang mga gamit-panlinis.
Isa-isang nagsialisan ang mga kasama ni Blake. Ang isa sa mga umalis ay may hawak na panyo at may suot na medical mask. Papunta ito sa direksyon ng mini garden.
Nanatili muna siya ng isang minuto sa pinagtataguan niyang puno nang maisip niyang sundan ang lalaking naka-mask. May hinala siyang may hindi magandang mangyayari kung hindi niya ito mapipigilan.
Nang makarating siya sa mini garden ay wala namang kahit na ano doon, ngunit napalingon siya sa direksyon papunta sa likuran ng male dorm. Sa palagay niya ay may narinig siyang bumagsak.
Tumakbo siya papunta roon at tumambad sa kanya ang isang hindi inaasahang pangyayari. Nakita niya si Aki na binubugbog ng dalawang kalalakihan sa damuhan habang si Carrie ay hinihila ng lalaking naka-mask.
Tumakbo siya papunta kina Carrie at walang pag-aalinlangang sinuntok ang lalaki sa mukha. Dahil sa lakas noon ay natumba ito at nabitawan si Carrie.
Tutulungan niya sana ito dahil napansin niya itong nanghihina nang marinig niya ang pagtawa ng dalawang lalaking pinagtutulungan si Aki. Lumapit siya at sinuntok ang isa sa mga ito. Nakabawi naman si Aki at sinipa ang isa na nakahawak sa mga braso niya.
Bigla namang lumabas ang apat na nagtatago kanina sa storage room. Isa na doon si Blake.
"You know what, Kyle, palagi ka na lang panggulo, eh. Mabuti pa umalis ka na dito kung ayaw mong masaktan."
"Really? Baka hindi mo alam, sanay ako sa basag-ulo dati. 'Di ba, Akihito?"
Pinahid muna nito ang dugo mula sa gilid ng labi bago nagsalita.
"Na-miss ko rin ang makipagsuntukan. Kulang na ata ako sa practice. Sugod na, para makapag-warm up na 'ko. Ano Kyle, game?"
"At bakit nandito 'tong Hapon na 'to? Gusto mong madamay? Sige, if that's what you want," sabi ni Blake at sumugod ito kasama ang tatlo pang iba.
BINABASA MO ANG
Those Memories
RomanceCarrie Mendoza was a simple girl with big dreams. She was able to attend Goldwest Fields School, an elite high school where children of influential families from all over the country attend. This is where her pursuit of greater heights started. Fate...