Forty - Music

11 0 0
                                    

"That was one awesome cliff jump! Right, Carrie?" sigaw ni Kyle nang makaahon siya mula sa pagtalon nila sa bangin.

Ngunit wala siyang narinig na sagot. Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang kabahan. Hindi pa umaahon si Carrie.

"Carrie?"

Sumisid uli siya upang hanapin ito. Sa tuwing umaahon siya ay tinatawag niya ang pangalan nito ngunit wala pa rin.

His heart was beating so fast that he almost can't breathe. Ayaw man niyang isipin pero natatakot siya sa kung ano na ang nangyari dito.

"No... Carrie!"

He was about to swim again when someone poked him on his back. He turned and saw Carrie. A big grin was plastered on her pretty face.

"Nakaganti rin ako! Hahaha! Kinabahan ka, 'no?"

Wala sa sarili niyang hinawakan ang dalawang pisngi nito. Nang masigurong si Carrie nga iyon at hindi siya namamalikmata lang ay agad niya itong niyakap ng mahigpit.

"It's you. It's really you. Y-you're alright. Thank God you're alright!"

He felt relieved knowing that nothing bad happened to her. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nawala ito.

Sinusubukan ni Carrie na kumalas ngunit mas hinigpitan pa niya ang pagyakap dito.

"Kyle? Anong—"

"I thought I already lost you."

"Nagbibiro lang naman—"

"Don't you do that ever again. I'll go crazy."

Naramdaman niya ang bahagyang pagbaba ng mga balikat nito. She stopped resisting the hug.

"Natakot pala talaga kita. Sorry."

"I was really worried."

"Pasensiya na. Gumaganti lang naman ako sa nangyari kanina. Hindi ko naman kasi inakala na—"

Ikinalas ni Kyle ang pagkakayakap dito at hinawakan ulit ang mga pisngi nito upang tumigil ito sa pagsasalita.

"Don't apologize. It's my fault. I shouldn't have done that earlier and I'm sorry," he said. "Now, let's go."

Hinila niya ito papunta sa dalampasigan. Hinayaan lang siya nito hanggang sa makaahon sila mula sa tubig.

"Kyle?"

Tumigil ito sa paglalakad nang makatapak sila sa buhangin. Nakahawak pa din ang kamay niya rito.

"Yes?" he answered without looking behind him.

"A-ang mga gamit natin..." sinabi nito at itinuro ang pinanggalingan nila kanina. "Nasa taas. Kukunin ko muna."

"No."

"Huh? Bakit?"

"Hindi ikaw ang kukuha ng mga 'yon. We'll get it together," saad niya at nagsimula ng maglakad papunta sa itaas. Hindi pa rin niya binibitiwan si Carrie.

Tahimik lang silang naglalakad pabalik sa bahay ng mga Mendoza. Walang nagsasalita. Tanging ang mga alon at mga hakbang nila lang ang maririnig.

Tumikhim si Carrie matapos ang ilang sandali. "Pwede ko na bang mabawi ang kamay ko?"

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito.

"No," mariin niyang sabi.

"Bakit hindi pw—"

"Baka mawala ka ulit," sambit niya at tumalikod ulit dito. "Tara na."

She was silent for a while. Hindi na siya huminto pa nang magsalita ulit ito.

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon