Thirty-Four - Master

11 1 0
                                    

Araw ng Linggo. Pababa na si Carrie mula sa ikatlong palapag ng Sapphire Hall nang mabunggo siya ng isang grupo ng kababaihang mukhang nagmamadali. Panay ang sorry nito sa kanya na dali-dali rin namang nagsibabaan. Napansin rin niya na nagkakagulo at nagsilabasan ang mga nasa iba pang palapag ng dorm. Kahit midyear break ay may mga kagaya rin siyang hindi nagsiuwian sa kani-kanilang mga tahanan.

Tatanungin niya sana ang nakasalubong niyang babae kung anong nangyayari pero nagtititili lang ito nang makita siya. Nagulat siya at umiwas na lang dito.

Nasa second floor na siya nang mapansin na medyo maingay sa ibabang palapag. Nang tuluyan na siyang nakababa ay tumambad sa kanya ang kumpol ng mga kababaihan sa lobby. Parang may pinagkakaguluhan ang mga ito. Nangungunsimisyon na ang lady guard na naka-duty sa dorm nila ngayong umaga sa pag-aawat sa nagkakagulong mga estudyante. Nakakunot na ang noo nito at namaywang na lang sa tabi.

"Ate guard, ano po bang nangyayari?" tanong niya rito.

"Hay, salamat naman Ma'am nandito ka na!" biglang nagliwanag ang mukha nito.

"Ha? Bakit po?"

Hinila nito ang kamay niya. "Halika po at nang makalanghap naman ng sariwang hangin dito sa lobby."

Dumaan sila sa gitna ng mga babaeng estudyante na nagsitabihan naman nang makita silang paparating.

"Makikidaan lang po mga Ma'am. Salamat po," sabi ng guard sa mga ito.

Nang malagpasan nila ang mga ito ay bumungad sa kanya ang isang lalaki na tila isang maharlika na nakaupo sa couch doon. May nakalagay na headset sa mga tenga nito habang nagbabasa ng libro na hindi alintana ang presensiya ng maraming tao sa paligid.

Lumapit naman kaagad ang babaeng guard dito. Tinanggal naman nito ang nasa tenga at tumingala.

"Sir Kyle, andiyan na po ang hinihintay ninyo," sabay turo sa direksyon ni Carrie.

"Thank you po," sabi nito at tumayo. Iniabot nito ang libro sa lady guard. "Pwede po bang iwan ko 'to dito? Balikan ko na lang mamaya."

Walang pag-aalinlangang tinanggap iyon ng guwardiya. "Oo naman po, Sir. Walang problema."

Lumapit ito sa kanya. "Let's go?"

So, sasabay nga talaga siya... Act normally, Carrie.

Agad niya itong tinalukuran at naglakad palabas ng building. Sumunod naman ito.

Asan ang normal do'n? Hay, nakakainis!

They walked side by side without a word. Nang marating nila ang entrance ng Gold Hall ay humarang si Kyle sa dadaanan niya.

He took a deep breath. "Look, I'm sorry about yesterday. I got too full of myself and... I... I got too happy."

"A-ayos l-lang 'yon. Nagbibiro ka lang naman, 'di ba? S-siguro nagulat lang talaga ako, p-pero, okay na 'ko." she then smiled to assure him.

Yumuko ito. Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Bigla siyang nag-panic.

Nangingiming hinawakan niya ito sa braso at inalog-alog.

"Uy. May nasabi ba 'kong mali?"

He slowly shook his head. Tinanggal nito ang kamay niya na nasa braso nito at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Tara na. Mahuhuli na tayo sa misa."

Nang makarating sila sa chapel ay saka lang nito binitawan ang kamay niya. Matapos ang misa ay nagyaya itong mamasyal sa parke sa tabi ng simbahan.

"Sorbetes!" nasasabik niyang tugon at itinuro ang nagtitinda sa gilid ng parke. "Tara, bili tayo."

Patakbo niyang nilapitan ang sorbetero at nauna na kay Kyle. "Anong flavor meron kayo diyan, Kuya?"

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon