Twenty-Three - Hug

16 0 0
                                    

"Female Swimming Competition Champion: Miss Carrie Mendoza of the Fourth Years! Congratulations, Seniors!"

Dumagundong ang palakpakan at hiyawan sa buong Silver Hall nang ianunsyo ang pagkapanalo ni Carrie. Sinugod naman siya ng mga kaklase niya at mga kaibigan kahit basang-basa pa siya at pinugpog ng yakap.

Si Ali ang unang yumakap sa kanya. "Rii~!!! You did it!"

"Congratulations Carrie!" bati naman ng mga kapwa nila Seniors.

"Thank you sa inyong lahat!" nakangiting sambit niya.

"Here's your towel," sabi ni Nae at isinampay sa kanyang balikat ang isang puting tuwalya.

"Hurry up and get changed, Rii! The Basketball Championship Game must be starting right now," Jan interrupted.

"Oo nga pala! Hintayin niyo ko. Magbibihis lang ako sandali."

Pagkasabi niyon ay dali-dali siyang tumakbo papunta sa female locker room ng sports center at nagbihis. Pagkalabas niya ay naroon ang mga naghihintay niyang mga kaibigan. Napansin niyang may pinagkakaabalahan ang mga ito sa kani-kanilang mga cellphone.

"Have you seen the forum, Rii?" tanong ni Nikki nang mapansin siyang lumabas galing sa locker room.

"Forum? Hindi. At saka hindi ako maka-access sa internet, remember? Hindi kagaya ng sa inyo ang cellphone ko. Ano ba kasi 'yan?"

"It's Kyle's dunk during the Seniors versus Sophomores knockout game. See?" sabi ni Raii at ipinakita nito ang isang litrato gamit ang cellphone. "Pinagkakaguluhan 'yan ng lahat specially girls. I know you'll like it, too."

Napangiti siya dahil doon. Sinundot-sundot naman siya ng mga kaibigan at inaasar habang naglalakad sila papunta sa kabilang side ng sports center kung saan gaganapin ang basketball championship game ng Seniors versus Juniors.

Puno na ang halos lahat ng upuan doon ng makarating sila. Mabuti na lang at nakapagpa-reserve si Ali ng upuan sa may bandang gitna para sa kanilang magkakaibigan.

"Thank you very much, Grace," pagpapasalamat ni Ali sa SC Secretary. Ito kasi ang nag-reserve ng upuan para sa kanila.

Ngumiti ito. "No problem, Pres. Ay, nga pala. Congratulations, Carrie!" baling nito sa kanya.

"Thank you, Grace," nakangiting sagot niya dito.

Napatingin ang lahat sa court ng magsimulang magsilabasan ang mga manlalaro. Tumindi ang hiyawan ng makita ng lahat si Kyle. Maraming kababaihan ang napapatili.

Parang gustong sumabog ng eardrums ni Carrie dahil doon. Nagwa-warm up pa nga lang ang mga ito pero mukhang nagsisimula na dahil sa ingay ng mga tao.

Nagulat naman siya nang may biglang lumapit sa kanya. May bakanteng upuan kasi sa tabi niya. Nang tingalain niya ito ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Raul. Natahimik naman ang lahat ng nakaupo malapit sa kanila at tinitigan ang bagong dating.

"S-sir Raul! Kayo po pala!"

"Hi, Carrie! There are no other available seats. Can I sit beside you?" tanong nito.

Napadako ang mga mata niya sa harapan at nakita ang isang taong kumakaway kay Raul. Alam ni Carrie na isa ito sa mga Administration staff ng school. May bakanteng upuan sa tabi nito. Sa tingin niya ay reserved iyon para dito.

"S-sir? Parang tinatawag po kayo doon," sabay turo sa taong nakaupo sa may bandang harapan.

"Pabayaan mo siya," at mahina itong tumawa. Itinaas nito ang kamay at sinenyasan ang tumatawag sa kanya. "I want to sit beside you. Can I not?"

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon