Five - Dense

30 2 0
                                    

"Ito ang gagawin natin guys," sabi ni Carrie habang mini-meeting ang mga kasama, "since tutulong tayo sa mga Year Representatives, let's divide ourselves into four groups. Dahil mas marami ang population ng freshmen and sophomores, Erick and Mike, tulungan niyo si Sheenna. 'Wag na 'wag niyo siyang aasarin kundi malalagot kayo sa 'kin."

"Yes, Your Highness," sagot ng mga ito.

"Okay lang sa 'yo, Sheen?"

"Oo, Ate Carrie. Mababait naman sina Kuya Erick, eh," sagot ni Sheenna sa kanya.

"Owws. Mabait daw tayo guys," sabi ni Erick sa mga kasama.

"Chris and Jack, samahan niyo si Drew para sa second years. Drew, is that okay?"

"Opo, Ate Carrie," Drew replied.

"Roger that, Your Highness," sagot nina Chris at Jack.

"Li'l bro," tawag ni Chris kay Drew. Ito ang tawag ng lima dito. "Tapos  tuturuan ka naming manligaw. Ayos ba?"

Namula si Drew.

"Stop it, Chris," saway ni Carrie dito. "Kierra and King, okay lang sa inyo kung kayo lang for the third years?"

"No problem, Ate Car," sagot ni Kierra.

"Kaya namin 'yan," dagdag ni King.

"Kami naman ni Ken sa fourth years. Each group must report to the respective Year Reps para mas madali nating matapos ang report. Is that clear?"

"Yes, Leader!" sabay-sabay na sagot ng lahat.

"So, that's it. Bye, everyone."

Nang magpaalam na sina Sheenna, Drew, Kierra at King ay nilapitan nina Carrie sina Kyle at Ali na nag-uusap sa dulo ng long table.

"Tapos na kayo?" tanong sa kanila ni Ali.

"Yup. Tara na. Bukas niyo na ipagpatuloy 'yan. Malapit nang mag-6 pm," pagyayaya ni Mike.

"Let's just continue this tomorrow, Kyle," said Ali. "So for this..."

Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang inililigpit ang mga papel sa mesa. Tumulong na din sina Carrie. After cleaning the place, they all went out of the Crystal Hall together.

"Hoy. Sabi na ngang bukas na 'yan eh," panggugulo ni Ken sa usapan nina Ali, Kyle at Carrie habang pauwi sa kani-kanilang dorm rooms. Panay pa din kasi ang usapan nila tungkol sa festival.

Inakbayan nito si Kyle at hinila papunta sa side ng mga boys. "Pag-usapan naman natin ang plano sa Saturday. Ano, tuloy ba 'yon?" tanong niya sa mga kabarkada habang nakaakbay pa din kay Kyle.

Napakibit-balikat na lang sina Ali at Carrie habang nakatingin sa isa't isa.

"Basketball muna tayo?" biglang saad ni Erick nang mapadaan sila sa Sports Corner.

"I'm tired. Kayo na lang muna," sagot ni Kyle pagkatapos nitong humikab. Parang natunaw ang puso ni Carrie nang masaksihan ito.

"Alam niyo ang KJ nitong si Kyle. Magtatampo na talaga kami," sabi ni Chris na nakanguso pa. Binatukan ito ni Jack.

"Ano ba kayo? Baka napagod lang ang kaibigan natin sa kagagamit ng genius mind niya. Palibhasa kasi wala kayong mga utak kaya 'di niyo kami maintindihang mga matatalino."

Binatukan din siya ni Ken. "Anong matalino? Ikaw? Eh, utak ipis ka rin, ah! May matalino bang nakakalat lang ang maduduming medyas sa kung saan-saan, ha?"

"Hoy. Kaninong underwear naman 'yong nakapatong sa takip ng rice cooker kahapon, ha? Kaya pala hindi ko makita-kita. Inabot ako ng isang oras sa kahahanap," sagot ni Jack.

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon