Sixty-Six - Silence

8 0 0
                                    

He hates her. She ruined his life. She made his life miserable. She made him forget himself. Because of her, his life was never the same. His heart was supposed to be full of hatred towards her. She is to blame for everything that happened to him. He always told himself to never give in, and yet...

Here they are, in the same bed, with his arms wrapped around her. The rays of the sun slipped through the curtains and enveloped them with its warm light.

'She's still here. She didn't leave,' said a voice inside his head.

He stared at her. She's sleeping peacefully beside him.

'Hate her,' said another voice.

He slowly moved and got out of the bed. He took his jacket placed on the couch opposite the bed and wore it. After that, he looked at her again.

'Hate her,' the voice stated again.

"Shut up," he uttered before opening the door and left the room.

"Magandang umaga po, Sir Kyle," bati sa kanya ni Josie pagkababa niya sa sala. Tumango lang siya at pumanhik patungo sa kanyang opisina sa loob ng bahay.

Tahimik siyang nagta-trabaho roon ng mahigit kalahating-oras. Kasalukuyan siyang umiinom ng kape na itinimpla ni Josie para sa kanya nang marinig niya ang mabilis na pagtakbo ng kung sino man pababa ng hagdanan.

Tumayo siya at lumabas papunta sa sala. Nandoon si Carrie, magulo ang buhok, at may hawak na telepono. May kausap ito at tila natataranta.

"Saang ospital?" narinig niyang tanong nito sa kausap. "Hmm, MMC? Sige. I'll be there."

Pagkababa nito sa telepono ay saka lamang siya nito napansin. Inayos nito ang blusa at buhok.

Tumikhim ito bago nagsalita. "Raii gave birth this morning. She's at Ali's."

Hindi siya nagsalita. Sumandal siya sa gilid ng pintuan at namulsa. Nagpatuloy ito.

"Jan called. They're all there already. I-I'm going there, too."

Nanatili siyang tahimik.

"Uhmm, Eddy can drive me there. I'm not going anywhere. Don't worry," dagdag nito.

Umayos siya ng tayo at naglakad papunta sa kusina dala-dala ang baso ng kape. Tumigil siya sa harap ng pintuan.

"Mag-ayos ka na. Ako ang maghahatid sa 'yo," saad niya at iniwan ito sa sala.

Walang imikan ang dalawa sa kabuuan ng kanilang biyahe papuntang Montevallo Medical Center. Nabasag lang saglit ang katahimikan ng tumawag ang kambal na kagigising lamang upang kamustahin sila. Matapos iyon ay walang nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sila sa destinasyon.

Sinalubong sila ni Ali. Nanlaki ang mata nito nang makita siya. Ngunit hindi na ito nagtanong at inihatid sila sa kwarto kung nasaan si Raii. Naroon ang asawa nito na isa ring aktor. Nasa silid rin ang mga magulang nito at ang iba nilang mga kaibigan.

Nakatitig sa kanya ang mga kaibigan ni Carrie. Kahit si Raii na karga-karga ang kanyang bagong silang ay tila nagtataka rin at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Nagpaalam siyang lumabas mula roon dahil sa tingin niya ay nakasasagabal lamang ang kanyang presensiya sa masayang atmospera na dulot ng magandang balita.

Naghintay lang siya sa upuan na nasa labas ng silid. Nagmamasid siya sa isang matandang inaalalayan ng nurse nang lumabas si Ali. Nakalagay ang dalawang kamay nito sa bulsa ng kanyang lab coat.

"Rii said that you're living together now," ani nito. "The others are happy for her. I should be, but, she's not that enthusiastic about it. They didn't seem to notice but I did."

Tahimik lamang siya.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" tanong nito.

"What do you mean?"

"You still have the same expression in your eyes as that day. The day when you came back and became someone we didn't know."

Umiwas siya ng tingin rito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"I hope you're not doing something that you'll regret in the end, Kyle."

'Di na niya nakuhang sagutin ito dahil lumabas mula sa silid si Carrie pagkatapos magsalita ni Ali.

"I'll be doing rounds. Maiwan ko na kayo," Ali said and left.

Tinignan siya ni Carrie. "Anong nangyari?"

"Wala," tipid niyang sagot at tumayo. "I'll be waiting at the parking area. Be there in an hour."

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon