Thirty-Eight - Naked

9 1 0
                                    

"I already texted Pres about the e-mail we sent her," Kyle said to Carrie.

Nasa isang maliit na kubo sila sa tabi ng bahay ng mga Mendoza. May mesa at upuan doon. Ayon kay Carrie ay tambayan na iyon ng pamilya simula pa noong kabataan nila ng mga kapatid.

Katatapos lang nilang gawin ang buong script ng kanilang play. Isa-isa na nilang nililigpit ang mga gamit nilang nakakalat.

Pang-apat na araw na ng pamamalagi ni Kyle sa lugar na ito pero hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagkamangha. Maliban sa magagandang tanawin ay napakabait ng lahat ng mga taga-Sta. Ines.

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang dito na manirahan. Nang sabihin niya iyon kay Carrie ay pinagalitan siya nito. Hindi raw siya maaaring tumira dito dahil hindi niya pwedeng iwanang mag-isa ang amang si Raul sa malaking bahay nila at sigurado daw na malulungkot iyon. Natawa na lang siya sa naging pahayag nito.

Nagpaalam si Carrie na magbabanyo lang muna. Nagpatuloy naman siya sa pag-aayos ng mga gamit. Ilalagay na sana niya sa kanyang bag ang laptop nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Fuentabella!" bungad ng nasa kabilang linya.

Last name? Oh-oh, sure death. Ano na naman ba ang ginawa ko?

"Hi, Pres! G-good morning?" kinakabahan niyang bati rito. "Have you read the draft of the script I sent you?"

"Yes," pabalang nitong sagot. "But... What's good in the morning, huh?!"

Kung nakikita lang niya siguro ngayon ang kausap, sigurado siyang nakapamaywang ito at nakataas ang isang kilay base na rin sa tono ng pananalita nito. Nailayo niya ang cellphone sa tenga.

"What have I done now?"

"You and Rii. YOU are keeping something from me. Kay Ken ko pa nalaman! Arghhh! Rii didn't even call me about it. I felt so betrayed..."

"Ha? What do you mean?"

"About 'your-mothers-being-best-friends' thing. Ngayon ko lang nalaman. Ba't si Ken lang ang sinabihan mo? And why isn't Rii calling me yet?!"

"I thought Carrie already texted you about what happened. Hiniram niya 'tong phone ko last Tuesday para sabihin na nasira ang phone niya."

"What? I haven't received- Wait. Did you just say Tuesday?"

"Yes."

Sandali itong natahimik sa kabilang linya.

"Oh, I get it. My phone got reformatted thanks to Ken's annoying brother. He was using it all day last Tuesday. I immediately kicked both of them out of the house after knowing about it. Oh... Sorry for overreacting, Kyle."

"No. It's alright, Pres."

"Anywaaaaaaaaay, are you with Rii?"

"Kanina, pero nasa CR siya ngayon. You want to talk to her?"

"Nope, maybe later. Is your phone in loudspeaker mode?"

"No."

"Is anyone with you?"

"No."

"Oh, great!"

"Why?"

Bigla niyang nailayo ang cellphone nang bigla itong tumili sa kabilang linya. Pakiramdam niya ay mabibingi na siya dahil doon.

"What was that for?!" sambit niya matapos maka-recover sa pananakit ng eardrums.

"Oops. Sorry. Hindi ko lang kasi mapigilan," excited nitong saad. "It's really a small world for you and Rii. Ken already told me everything, like from the start. Oh eem geeee! I'm now feeling jelly-ish inside. I'm so happyyyyy..."

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon