Ilang linggo na rin ang nakalilipas nang magsimula ang school year. Nasa mini forest si Carrie at nakaupo sa paborito niyang kiosk sa ilalim ng pinakamalaking puno ng mahogany na nasa bandang likod ng Diamond Hall.
Dito siya madalas tumambay tuwing may free time siya at kung hindi nagyayayang lumabas ang mga kaibigan niya. Wala kasing masyadong pumupunta dito kaya naman nagkakaroon siya ng peace of mind kapag nandito siya.
Recess nila ngayon kaya naisipan niyang manatili muna dito at basahin ang bago niyang libro. Katatapos lang niyang basahin ang unang chapter. Ngayon lang siya nagkaroon ng panahon na magbasa ulit dahil naging busy siya nang maging isa siya sa Student Council Volunteer Aides o SCVA.
Volunteer Aides ang tawag sa mga estudyanteng hindi officers ng Student Council pero tumutulong sa pagpapatupad ng mga adhikain nito. Noong summer ay inaya siya ni Ali na maging volunteer kasi gumraduate na noong Marso ng taong 'yon ang halos lahat ng miyembro nila. Dahil nakikita niyang masyado nang nagiging busy ang kaibigan niya sa pagiging SC President nito, pumayag siya.
Wala din naman kasi siyang ginagawa noong summer. Hindi kasi siya nakauwi sa kanila dahil wala namang tao sa bahay nila ng mga panahong 'yon. Ang mga magulang niya kasi kasama ang kanyang bunsong kapatid na si Lester ay pumunta sa lamay ng namayapang kamag-anak ng kanyang ina sa Mindanao.
May klase pa kasi silang dalawa ng ate niya nang matanggap nila ang balita kaya hindi sila nakasama. Hindi umuwi buong summer ang tatlo dahil minabuti muna nilang manatili roon upang makasama ng kanilang ina ang pamilya niya.
Simula ng maging Volunteer Aide siya ay wala na siyang panahong pumunta sa library at magbasa. Wala kasi siyang sinasalihang kahit na anong school organizations dati kaya kapag may free time siya ay sa library o sa mini forest ang punta niya. May kanya-kanyang club na sinasalihan ang mga kaibigan niya kaya madalas ay siya lang ang naiiwang mag-isa sa kanilang dorm room.
Masaya naman siya sa pagiging VA. Naging bagong mga kaibigan niya ang mga kasamahan sa SCVA at ang mga officers ng Student Council. She felt like she has finally opened her heart to the world.
Hindi naman pala nakakatakot makipaghalubilo sa mga school mates niya. Mababait naman pala ang karamihan sa mga ito. Masyado lang siguro siyang naging conscious at paranoid dahil sa naranasan niyang pambu-bully noong first year pa siya dahil nga sa estado niya sa buhay. Pero natigil naman ang mga pambu-bully sa kanya when she proved to everyone that she is worthy of being here.
She was about to resume reading nang may marinig siyang umiiyak. Noong una, natakot siya kasi siya lang naman ang naroroon. Itinuon niya ang atensyon sa paligid. Then she noticed two people standing at the back of the Jewel Hall, a girl and a boy.
Hindi niya makita ang mga mukha nito dahil natatabunan ng mga halaman sa tabi nila. Binuksan niya ulit ang libro pero walang pumapasok sa isip niya. Itiniklop niya ulit ang libro at tinitigang maigi ang dalawang taong nakita niya. Ayaw man niyang maki-usyoso pero talagang nako-curious siya.
'Di na siya nakatiis. Tumayo siya mula sa kinauupuan at dahan-dahang naglakad papunta sa direksyon ng dalawa. Maingat siyang tumatapak sa mga tuyong dahon upang hindi nila marinig ang mga hakbang niya. Nang nasa saktong distansiya na siya na sapat lamang upang marinig niya ang mga ito ay nagtago siya sa ilalim ng isa pang puno ng mahogany.
Mukha lang ng babae ang nakikita niya. Alam niyang sophomore ito dahil sa suot nitong ID sling. Bawat year level kasi ay iba-iba ang kulay ng ID sling: Green for the first years, Blue for the second years, Yellow for the third years, and Red for the fourth years.
Dahil nakatalikod sa kanya ang lalaki, ang pulang sling lang na nakasabit sa leeg nito ang nakikita niya. Mukhang pamilyar sa kanya ang lalaki.
Baka classmate ko? naisip niya.
BINABASA MO ANG
Those Memories
RomanceCarrie Mendoza was a simple girl with big dreams. She was able to attend Goldwest Fields School, an elite high school where children of influential families from all over the country attend. This is where her pursuit of greater heights started. Fate...