Fifty-Eight - Doom

23 0 0
                                    

Abala si Carrie habang nakaharap sa kanyang laptop nang marinig niya ang pagkatok sa pintuan ng kanyang opisina. Pagkabukas niyon ay pumasok naman si Mae na may hawak na mga papeles.

"Ms. Carrie?" saad nito. "Nasa Board Room na po si Chairman Vergara."

Tinignan niya ang wall clock sa pader. Sampung minuto na lamang bago mag-alas-dos ng hapon.

"He's early," sagot niya. "Okay, I'll be right there in a minute."

Iniayos muna niya ang iilang mga papel na nasa kanyang mesa. Matapos iyon ay lumabas na siya mula sa silid.

"He requested to meet you here instead of his office," sabi sa kanya ni Mae habang papalapit sila sa Board Room. "He has a visitor and he's staying there right now."

"Really? Who?"

Natigilan si Mae at namutla. "Uhmm... Ano po... Ahhh... Si Mr. F-"

Hindi na naituloy ni Mae ang sanay sasabihin nang bumukas ang pintuan ng Board Room. Tumambad roon ang isang lalaking matangkad lang ng kaunti sa kanya. Nakangiti ito ng malapad.

"Good afternoon, Ms. Mendoza. I'm Nathan, Mr. Vergara's new assistant," pagpapakilala nito. "This way, please."

Pagpasok niya ay nakita niya ang nakatayong pigura sa dulo ng silid. May kausap ito sa telepono. Nang makita siya nito ay ngumiti ito sa kanya.

"I'll call you back," saad nito sa kausap. "I have a meeting."

Pagkababa nito sa telepono ay umupo ito kaagad. Naupo na rin siya. Lumabas naman sina Mae at Nathan at iniwan silang dalawa sa loob.

"Carrie, how are you?" tanong nito sa kanya.

"Parang ang tagal naman nating hindi nagkita, Tito Luis."

Madalang lang itong pumasok sa opisina. Nagagawi lang ito roon kung may Board meeting at iba pang mahahalagang pagtitipon at okasyon. Nasa bahay lang ito madalas dahil sa kalusugan nito dala na rin ng edad.

"Para sa 'kin, matagal na ang dalawang linggo. You don't realize how boring it was inside my home. I'm still strong at 62, you know? Praning lang talaga ang mga anak ko," sabi nito at tumawa.

Ngumiti lang siya ng bahagya.

"Anyway, what do you want to talk about, Carrie?"

"I think you already have an idea," she replied.

Luis looked at her. The expression on his face became serious and he nodded lightly.

He cleared his throat. "So, you heard about it. About the sale of my shares. I haven't told anyone about it yet except-"

"I have my ways, and I'm bound to know about it eventually," putol niya rito. "I'm here to tell you to cancel it."

Umayos ng upo ang kausap at inilagay ang dalawang braso sa mesa.

"Look, Carrie. I know that you trusted me so much. I thank you for it. But, you know my story, right? And the story of this company," he said. "Raul is my friend and I owe him a lot. I achieved the status that I have now because of his help. Kung hindi dahil sa kanya ay lubog pa din sana ako sa utang ngayon. We established this business together and it became a subsidiary of the FGC. When the Group went down, I have no choice but to ask for Masahiro's help to save it."

Magkaklase sa isang malaking unibersidad sa Tokyo si Luis at ang namayapa niyang asawang si Masahiro. Nang bumagsak ang Fuentabella Group ay binili nito ang 30% ng outstanding shares ng Trickle Beverages.

"I appreciate your continued support for me being the Chairman of the Board. Despite everything that happened, you still trusted my capabilities. But I'm not that young anymore."

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon