Fifty-Six - Runaway

29 0 0
                                    

Nang marating nila ang penthouse ay dahan-dahan nilang ibinaba si Kyle sa couch. Para naman itong lantang gulay na bumagsak doon.

"Kung may kailangan po kayo, tawag lang po kayo sa lobby," sambit ng staff kay Carrie. Nagpaalam na ito at pumasok muli sa elevator.

Inusisa niya ang buong silid. Sakop niyon ang buong 50th floor. Sa kanang bahagi ng palapag ay mayroong swimming pool at maliit na hardin na may luntiang mga halaman. Nang malibot niya ang lahat ng sulok ay bumalik siya sa sala. Naituon niyang muli ang atensyon kay Kyle. Muntik na itong mahulog sa couch. Buong lakas niyang inayos muli ito sa pagkakahiga.

Matapos ang malalim na buntong-hininga ay humakbang siya patungo sa kusina. Nabuksan na niya ang halos lahat ng cabinets roon bago nakita ang hinahanap.

"Here, the pot," mahina niya sambit. Nilagyan niya iyon ng tubig at ipinatong sa ibabaw ng stove. Habang hinihintay na kumulo ang tubig ay kumuha siya ng isang pakete ng instant noodles mula sa isang cabinet at inilapag iyon sa counter.

Nang lapitan niya ulit si Kyle ay nakita niyang basang-basa na ng pawis ang pang-itaas nitong suot.

"Hey," tawag niya dito. Inalog niya ito sa balikat ngunit hindi ito kumibo.

Ilang minuto ding nagtatalo ang isip niya bago siya tuluyang humakbang papasok sa kwarto nito. Pagbalik niya ay may dala na siyang pamunas at pamalit na damit. Nakaupo na si Kyle sa couch habang nakayuko.

"Are you okay?" tanong niya rito. Lumapit siya at pinunasan ang noo nito. "You should change. Here."

Tinanggap naman nito ang damit na iniabot niya ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. Bumalik siya sa kusina.

"It's almost ready," sabi niya na ang tinutukoy ay ang pinapakuluan niya. "You should—"

Naputol ang nais niyang sabihin nang hubarin nito ang suot na polo shirt. Tumalikod siya at napatitig sa kisame.

Isang minuto din siyang hindi mapakali. Bahagya niya itong nilingon. Nakapagpalit na ito ng suot na pang-itaas. Mas lalo lang siyang kinabahan nang mapagtantong hapit na hapit sa katawan nito ang suot na itim na t-shirt. Hindi niya naman alam na ganoon ang mangyayari. Dinampot lang niya mula sa drawer nito ang damit na una niyang nakita. Napailing siya at itinuon ang atensyon sa niluluto.

"I cooked noodles for you," saad niya habang naglalakad papalapit sa sala dala ang isang mangkok. Inilapag niya iyon sa maliit na mesa na nasa tapat ni Kyle. "Have it while it's hot."

Hindi nito pinansin ang nasa mesa. Sa halip ay tumingala ito at tumitig sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkailang.

"Why are you doing this?" he asked.

She cleared her throat. "Uhmm... I think I'm slightly responsible that you're in that state. I brought you to my brother's birthday party. You seem to be better now. I'm glad."

Iniiwas niya ang tingin dito at kinuha ang sling bag niya na nasa gilid ng couch.

"I think I have to go," sabi niya rito. "See you around."

Ilang hakbang na lang siya mula sa elevator nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso. Mahigpit iyon.

Bago pa man niya ito malingon ay hinila na siya nito at itinulak sa dingding. Napaigtad siya at napigil ang paghinga nang magtagpo ang kanilang mga mata.

Kahit na anong pagpupumilit niya ay hindi siya makawala sa pagkakasandal niya sa pader. Mahigpit itong nakahawak sa dalawang braso niya. Sadyang napakalakas nito.

"What are you doing?" tanong niya habang nagpupumiglas. Ngunit hindi ito natinag at patuloy lang ang pagtitig sa kanya.

"Ano ba?!" napalakas na ang boses niya. Ngunit hindi pa rin siya nito pinapakawalan.

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon