Nagluluto ng tanghalian si Carrie kasama si Josie nang tumunog ang doorbell. Pinagbuksan iyon ng guard. Lumabas siya upang harapin ang mga bisita.
Nakangiting mukha ng kanyang mga magulang ang una niyang nakita.
"Ring, anak," saad ng kanyang ina.
Lumapit siya at nagmano sa dalawa.
"Medyo natagalan kami. Traffic sa dinaanan namin kanina," sabi ng kanyang ama.
Lumuwas agad ang dalawa matapos niyang tawagan ang mga ito upang sabihin na nakatira na sila ngayon ng mga anak niya sa bahay ni Kyle. Noong una ay pinagalitan siya ng mga ito - alam nila ang lahat ng nangyari labin-siyam na taon na ang nakalilipas - dahil ayaw nilang magkaroon pa siya ng ugnayan sa mga Fuentabella. Iyon ang dahilan kaya matagal niyang nasabi sa mga magulang ang totoo, alam niyang magagalit ang mga ito sa kanya. Matagal silang nagtalo. Huminahon naman ang mga ito matapos niyang sabihin na masaya ang mga anak niya rito kasama ang ama nila. Sinabi rin niya na sinusubukan nilang buuin ang pamilya para sa mga bata. Wala ng nagawa ang mga magulang niya at sinabing bibisitahin silang mag-iina upang masigurado ang maayos nilang kalagayan.
Nang sabihin niya ang tungkol rito kay Kyle noong nakaraang araw ay tahimik lang ito. Excited naman ang kambal nang malaman nila na bibisita ang lolo't lola nila.
"Sabi ko na nga ba. Dapat 'di na kayo nag-bus. May sasakyan naman na pwedeng magsundo sa inyo," sagot niya.
"Alam mo naman itong Papa mo, ayaw niya sa kotse. Hindi daw siya makahinga kapag mahaba ang biyahe."
Pinaupo niya ang mga ito sa sala. Narinig nila ang pagtakbo ng kambal mula sa second floor. Nag-unahan ang dalawa sa pagbaba sa hagdanan.
"Lola! Lolo!" masayang bati ni Lucy at nagmano sa dalawa. Sumunod naman si Leo rito.
Hinayaan ni Carrie na magkwentuhan muna ang apat. Bumalik siya sa kusina.
Pagkatapos niyang magluto ay lumabas siyang muli sa sala. Nagtatawanan ang mga ito. Ilang sandali pa ay lumabas si Kyle. Nakaayos ito.
Nagmano ito sa mga magulang niya. Nakangiti si Erika habang walang expresyon sa mukha nito si Gary.
"Akala ko bukas pa po ang dating niyo," sambit ni Kyle.
"Nagpaalam kami kay Ring na ngayon na kami pupunta. May gagawin kami sa simbahan bukas," wika ni Erika.
"Hindi ko pala nasabi," sabi ni Carrie at lumakad papalapit kay Kyle. "Aalis ka?"
"Yes, I have a meeting today."
"On a Saturday?"
"It's urgent," sagot niya at lumingon ulit sa kanyang mga magulang. "Pasensiya na po, ngayon lang po tayo ulit nagkita pero hindi ko man lang kayo makausap ng matagal. Babawi po ako sa susunod."
Umiling si Erika. "Ayos lang Kyle. Maaari naman kaming bumisita ulit."
"I'll pack you lunch," sabi ni Carrie.
Mabilis siyang kumilos at nagbalot ng pagkain sa kusina. Iniabot niya iyon kay Kyle.
Niyakap ito ng dalawang anak. Hinalikan naman siya nito sa noo bago umalis.
She's used to acting now that it has became her second nature. She felt bad doing it in front of her unknowing parents, but she has to do it.
Ngunit tila hindi kumbinsido ang ama niya. Napansin niyang kumulubot ang noo nito.
Nang makaalis si Kyle ay inimbita ni Carrie ang lahat na kumain ng tanghalian. Masayang kwentuhan ang bumalot sa hapag-kainan. Nagniningning ang mga mata ni Lucy at Leo habang nagku-kwento sa kanilang lolo at lola.
BINABASA MO ANG
Those Memories
RomanceCarrie Mendoza was a simple girl with big dreams. She was able to attend Goldwest Fields School, an elite high school where children of influential families from all over the country attend. This is where her pursuit of greater heights started. Fate...