Girlfriend? Bakit mo sinabi 'yon, Kyle! Ano ka ba!
Napansin niya ang pamumula ni Carrie nang sabihin niya iyon.
To reduce the awkwardness, he started talking. "Ah, Ma! Nanalo nga pala kami sa Intramurals."
Ganito siya kapag dumadalaw dito. Ikinukwento niya dito ang lahat ng pangyayari sa buhay niya. Pakiramdam niya kasi ay nakikinig ang ina niya mula sa kung saan man ito ngayon.
Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. Nakisali na rin si Carrie at makikita ang excitement sa mukha nito habang ikinukwento ang tungkol sa fireworks sa School Festival. Natutuwa siya sa nakikitang sigla rito habang kinakausap ang ina niya.
Sinabi rin nila dito ang tungkol sa naging birthday celebration nila kagabi. Mahaba-haba rin ang napag-usapan nila dahil sa dami na rin ng nangyari sa nakalipas na mga buwan.
"It's already past two o'clock but I want to show you a certain place before we leave," he told Carrie.
"Saan?"
"Basta. Maganda do'n. You'll love it."
"Okay."
"Ma," sabi niya at hinawakan ang litrato ng ina na nasa ibabaw ng puntod. "We have to go. I'll visit you again soon."
I miss you, Ma, sabi niya sa isip at ibinalik ang litrato sa kinalalagyan nito.
"Bye, Ma'am Althaia. Nice meeting you, po," pagpapaalam ni Carrie dito.
Humakbang na sila paalis. Naabutan nilang kumakain si Efren sa labas. Sinabihan niya ito na hintayin na lang muna sila doon dahil may pupuntahan lang muna silang dalawa ni Carrie. Tumango lang ito.
Naglakad sila ni Carrie hanggang sa marating nila ang isang maliit na burol. Puro kulay berde ang makikita mula sa ibaba dahil sa mga damo na tumutubo roon. Umakyat sila patungo sa tuktok. Isang napakagandang tanawin ang nasa likod niyon.
"Ang ganda naman dito!" namamanghang wika ni Carrie habang nakatingin sa ibaba.
Isang makulay na kapatagan ang naroroon. Puno iyon ng ligaw na mga bulakalak na mas lalong nagpaganda sa tanawin.
"See? I know you'll love it," he said while looking at her. Nakatingin pa rin ito sa mga bulaklak kaya napagmasdan pa niya ito ng matagal. Inililipad ang buhok nito ng hangin na nagpaalala sa kanya ng una nilang pagkikita sa tabing-dagat ng Sta. Ines.
Nagulat siya nang bigla itong tumakbo pababa. Nagpaikot-ikot ito sa paligid ng makukulay na mga bulaklak. Nanatili lang siyang nakatayo sa ibabaw ng burol at pinagmamasdan ito.
"Kyyyyle! Halika dito! Dali!" tawag ni Carrie sa kanya mula sa ibaba matapos ang ilang sandali.
Bumaba naman siya at nilapitan ito.
"Tingnan mo," sabi nito nang makalapit siya. Itinuturo nito ang isang maliit na pugad na may tatlong maliliit na itlog na nasa damuhan. Lumilipad sa ibabaw nila ang isang ibon. Iyon siguro ang ina ng mga iyon.
"Sa tingin ko nahulog ang pugad niya nang maputol ang sanga nitong puno," she said and pointed at the tree beside them. "Tulungan natin siya."
"Paano?"
"Aakyat ako sa puno tapos dito ka sa baba. Bantayan mo 'ko kung sakaling mahulog ako."
"What?! No way. Ako na ang aakyat."
Kumunot ang noo nito. "Marunong ka ba?"
"Oo naman! I was a member of the Boy Scouts before if you didn't know," pagyayabang niya.
BINABASA MO ANG
Those Memories
RomanceCarrie Mendoza was a simple girl with big dreams. She was able to attend Goldwest Fields School, an elite high school where children of influential families from all over the country attend. This is where her pursuit of greater heights started. Fate...