Kahit ilang buwan na si Carrie na tumutulong sa Student Council ay hindi pa rin siya sanay kapag kinakausap siya ni Kyle. Bigla na lang siyang natutulala kapag nagsasalita ito. Mabuti na lang at nandiyan palagi si Ali para pukawin siya mula sa paglipad ng isip niya sa kalawakan.
Tulad ngayon, speechless pa rin siya kahit na kinakausap siya nito.
Totoo ba 'to? Pinagtanggol niya 'ko? Totoo ba? Hindi ba ako nananaginip? paulit-ulit na tanong niya sa isip.
Nakabalik siya sa tamang katinuan nang may maramdaman siyang masakit sa braso niya. Pinisil siya ni Ali.
"Carrie?" tanong ulit ni Kyle sa kanya.
"H-ha?"
"I said, are you okay?"
Tumango siya. Pagkatapos ay kinuha ang libro mula sa kamay nito.
"Thank you dito, Kyle," pagpapasalamat niya.
Sandali itong natigilan. "No worries. We're friends, right? And friends help each other," sabi nito sa kanya at ngumiti.
Friends? OMG. Totoo ba? Magkaibigan na kami?!
Gusto niyang tumalon sa tuwa dahil sa narinig. Pero nabato ulit siya nang ma-realize na nginitian pala siya nito.
"Pres," baling nito kay Ali. "May naisip na pala ako tungkol sa pinag-usapan natin kanina for the School Festival."
"Okay. Let's talk about it with the others later after class," Ali replied.
"Sige. I'll go ahead. Hinihintay pa 'ko ng mga kaibigan ko. See you later. And you too, Carrie," pagkatapos ay tinapik siya nito sa balikat bago umalis.
Maghapon na nakalutang ang isip ni Carrie. Hindi na kasi siya makapag-isip ng maayos mula nang mangyari ang insidente kanina sa cafeteria.
Kanina nga nang magsimula ang first subject nila sa hapon ay nagmumukhang tanga si Ali sa kakakausap sa kanya pero hindi niya ito naririnig. Namulat siya nang maramdaman ang pagyuyugyog nito sa balikat niya.
"Rii! Ms. Rodriguez is asking you a question."
Nasa huling subject na sila ng araw na 'yon, Physics.
"H-ha?" agad siyang napatayo. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng mga kaklase. "Yes, Ma'am."
"Is there a problem, Ms. Mendoza? You seem to be spacing out," tanong sa kanya ng guro.
"No, Ma'am."
"All right. I was asking you to define 'coulomb'." pagkatapos ay itinuro nito ang salita na nakasulat sa blackboard.
"Ma'am, Coulomb is the practical meter-kilogram-second unit of electric charge equal to the quantity of electricity transferred by a current of one ampere in one second, or simply saying, it is the quantity of electricity equal to the charge on 6.25 x 10^18 electrons."
"Very good, Ms. Mendoza," sabi ng guro at pinaupo na siya.
Narinig naman niya ang mahinang bulungan ng mga tao sa likod nila ni Ali.
"Sana ganyan din ako katalino kahit na nagse-space out."
"As expected from a Top 3 student."
"Those three must be eating their books. How come they can give those definitions like that straight."
"They not humans."
Nagkatinginan lang sila ni Ali at nginitian ang isa't isa.
"Thank you," she thanked her.
"Stop spacing out, okay?"
BINABASA MO ANG
Those Memories
RomanceCarrie Mendoza was a simple girl with big dreams. She was able to attend Goldwest Fields School, an elite high school where children of influential families from all over the country attend. This is where her pursuit of greater heights started. Fate...