Forty-Seven - Notes

24 0 1
                                    

"How about the torches? Those should be attached to the temple! Nasaan na?" Ali said impatiently with both hands on her sides.

"We're almost done painting it, Pres!" sigaw ni Mia mula sa likurang bahagi ng Theater Hall. Pagkatapos ay kinausap ang mga kasamang lalaki sa paggawa ng torches. "Bilisan niyo! Malapit nang mag-curfew! Galit na si Pres!"

"Oo na! Isa na lang, oh!" sagot naman ng isa nilang kaklase.

"Akin na 'yong iba na tapos na," saad ni Carrie. "Ako na magkakabit."

"Here," sabi ni Kyle sabay abot sa kanya ng ilang piraso ng torches. "The others still have wet paint on it. 'Yan na lang muna. Bukas na ang iba."

Minamadali nilang tapusin ang lahat ng props para sa play nila kinabukasan. Hindi na mapakali si Ali.

Dapat sana ay okay na ang lahat. Pero sa 'di inaasahang pangyayari ay nabagsakan ang ginawa nilang prototype ng temple at nasira. Nagkataon kasing pinalitan ang ilaw ng stage habang isini-setup nila ang kanilang props roon. Natumba ang hagdan na ginamit ng isang maintenance personnel at bumagsak sa temple.

Sila kasi ang huling section na magpe-perform ayon sa number na nabunot ng kanilang leader during the draw lots. Nang matapos ang Romeo and Juliet performance ng Class 4-3 ay nag-setup na sila kaagad.

"Rii, can you please fill-up the extension permit?" tawag sa kanya ni Ali nang makaakyat siya sa stage. Itinuro nito ang isang pirasong papel na nasa podium. "I can't 'cause my hands are full of glue."

Inilapag niya sa sahig ang dala at kinuha ang papel. "Ito ba?"

"Yup. Then give it to the guard. Kailangan nating mag-extend," dagdag nito at tinawag si Kyle.

"Kyle, can you sign the form for me, please?"

"Sure!" sagot nito mula sa likod.

Matapos niyang mag fill-up ay lumapit siya rito at iniabot ang form. Katabi nito si Sky na umuubo. Kanina pa napapansin ni Carrie na tila masama ang pakiramdam nito habang nagpa-practice sila kanina.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Sky nodded. "Yup. That's the third time today that you asked me the same question."

"Parang hindi ka kasi talaga okay. Bumalik ka na muna kaya sa dorm. Kami na bahala dito."

"No, I'm fine," sagot nito sa kanya. Matapos ay itinuon nito ang atensyon kay Kyle. "I thought you were right-handed."

Napatingin naman si Carrie rito. May mga bakas ng pintura ito sa kanang kamay. Sinusulatan nito ang "Purpose of Extension" box ng form gamit ang kaliwang kamay.

"I can use both hands," he replied.

Nang ma fill-up nito ang "Signature over Printed Name" portion ay iniabot nito ang form kay Carrie.

"Mas maganda ang sulat-kamay mo sa kaliwa," komento niya.

Kyle smiled. "Really?"

Tumango siya. "Ibibigay ko na muna 'to kay Kuya Guard."

Habang pababa siya mula sa ikalawang palapag ng Ruby Hall ay tinitigan niya ang hawak na papel. Naalala niya ang nakasulat sa mga libro ni Kyle na hiniram niya dati, ang sulat-kamay na tila pamilyar sa kanya.

"Parang... Sa'n nga ba?... Hmm..." mahina niyang bulong sa sarili.

"Ma'am?" tawag sa kanya ng guwardiya. Napaigtad siya dahil sa gulat.

"Kuya naman! Akala ko kung ano na! Ginugulat mo naman ako, eh."

Medyo madilim kasi sa may bandang paanan ng hagdanan kaya hindi niya ito nakita kaagad.

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon