Nasa mini garden sila ngayon ni Carrie at hinihintay ang pagbaba ng kanilang mga kaibigan sa dorms. Tinawagan kasi agad ni Carrie ang mga ito upang sabihin na magkasama na silang dalawa ni Kyle. Sinabi rin nito ang plano na magkaroon ng kaunting salo-salo sa school cafeteria. Hindi kasi ito pumayag na hindi siya magse-celebrate ngayong taon.
"Ang tagal naman nila," nagpanggap siyang naiinip kahit na ang saya niya na sila lang dalawa ang magkatabi ngayon.
Nakaupo sila sa garden habang hinihimas ni Carrie ang likod ng isang gray-and-black na lalaking pusa, si Apollo. Natawa siya nang malaman na mga pangalan ng mga Greek gods ang ibinigay niya sa apat na pusa. Sumimangot naman ito kasi pareho daw sila ng reaksyon ni Aki na natawa din ng malaman ang pangalan ng mga ito.
"Sorry nga pala kasi umalis kaagad ako kanina sa field," Carrie said.
"No, it's okay. So, what did you two talk about?" tanong niya habang nakatingala sa langit na puno ng mga bituin. Nilakasan na niya ang loob kahit na alam niyang masasaktan siya.
She lifted the cat and put it on her lap.
"Uhmm..." mahihinuha sa boses nito ang pagdadalawang-isip.
"If you don't want to talk about it, it's fine."
"Actually, he confessed that he likes me," mahina nitong sabi.
"And?" nakatingala pa din siya.
"Sabi ko na maging magkaibigan na lang kami. Tanggap naman daw niya."
"What?!" bigla niyang naibulalas. Hindi niya inaasahan na iyon ang magiging sagot nito.
Carrie looked at him pero hindi ito nagsalita.
"I m-mean, a-alam ko k-kasi na may gusto siya sa 'yo. A-akala ko..." napakamot siya sa ulo.
"Na may gusto din ako sa kanya?" pagpapatuloy nito sa sanay sasabihin niya. He awkwardly nodded.
"Masaya naman siyang kasama, kaya lang..." Hindi nito itinuloy ang sinabi at nagpatuloy sa paghihimas sa likod ng pusang si Apollo.
"Kaya lang, ano?"
"Hmmm... Basta! Ba't ko ba kasi pinagsasasabi sa 'yo ang ganitong mga bagay. Nakakahiya!"
Hindi niya pinansin ang pamumula nito. "Let me guess. You already have a guy you like?"
Napalakas ang pagpisil nito sa pusang hawak na dahilan upang tumalon ito at tumakbo palayo sa kanila.
Aki was right.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.
"Anong ginagawa mo kapag may nagko-confess sa 'yo? Maliban sa paiyakin sila?" Carrie asked out of the blue. Nakayuko ito at nilalaro ang mga daliri.
Nabigla siya dahil doon pero nagsalita na rin siya. "Bakit mo naitanong?"
"W-wala lang. Curious lang ako. Hmmm... Pa'no kung... Like, for example, a friend confesses to you, what will you do?"
He found himself telling her about it. "Most of my friends are guys except you, your friends and the other girls in the SC circle, so I really don't know. If a girl confesses, I usually tell her that I can't give her what she wants in return. I don't want to give her false hopes. Hindi naman maiiwasan na umiyak sila kasi tao lang din naman sila at nasasaktan. I just try my best to speak to them kindly." Tinignan niya ang maganda nitong buhok na tila kumikinang habang nasisinagan ng liwanag ng buwan. "And I tell them that I already have a girl I like."
Who likes someone else...
Itinaas nito bigla ang ulo at humarap sa kanya. That moment was breathtakingly beautiful. She was and will always be breathtakingly beautiful. Her hazel-colored eyes stared directly at him. They're shining just like that silver clam-shaped necklace hanging on her beautiful neck. A few strands of hair covered her face. He fought the urge to put it aside himself and kiss her slightly parted lips.
BINABASA MO ANG
Those Memories
RomanceCarrie Mendoza was a simple girl with big dreams. She was able to attend Goldwest Fields School, an elite high school where children of influential families from all over the country attend. This is where her pursuit of greater heights started. Fate...