"Ikinagagalak naming ianunsyo na ang nanalo sa liga natin ngayong taon ay walang iba kundi ang pinakamalakas na pambato ng ating barangay, palakpakan natin ang Brgy. Sta. Ines Basketball Team!" masayang saad ng kanilang kapitan sa lahat matapos makipagkamayan ang mga manlalaro sa isa't isa. "Maraming salamat sa lahat ng mga representante mula sa ating mga karatig na mga baranggay na nakilahok sa ating Inter-Barangay Basketball League! Binabati ko kayong lahat. Inaasahan namin ang pagdalo ulit ninyo sa susunod pang mga taon. Maraming salamat!"
Napuno ng hiwayan at palakpakan ang buong covered court dahil sa sinabi nito. Binuhat ng mga kasamahan nila si Kyle. Kitang-kita naman ang tuwa sa mukha nito. Sumisigaw ito habang nakataas ang dalawang kamay.
Hinila naman si Carrie nina Baninay at Ningning papalapit sa mga ito. Panunukso naman ang inabot nila ni Kyle nang bigla siya nitong yakapin.
"Bitawan mo na 'ko. Nakakahiya!" mahina niyang sabi dito.
"Just 5 more seconds," sagot nito sa kanya.
"Hoy! Ano ba?!"
"3 more seconds."
"Sobra na 'yon, ah!"
"1 more... Okay."
Kumalas na ito at ginulo ang buhok niya. Aakto sana itong yayakap pa ulit nang ilagay niya ang palad sa noo nito upang pigilan ito sa paglapit. Sumimangot ito.
"Akin na ang phone mo," sabi niya at inilahad ang kamay.
"Why?"
"Kukunan ko kayo ng picture."
"Oh, sure. Here."
Matapos nilang kumuha ng mga litrato ay nagsiuwian na sila para kumain ng tanghalian. Babalik rin naman sila doon upang tumulong sa paghahanda ng stage para sa amateur singing contest at sayawan mamayang gabi. Pagkatapos ay tutulong din sila sa pag-aayos ng simbahan para sa misa na gaganapin bukas na laan sa selebrasyon ng pista.
Habang naglalakad sila pabalik sa bahay ay parang baliw na nakangiti si Kyle habang nakatitig sa cellphone nito.
"Anyare sa 'yo? Patingin nga!" sambit niya at hahablutin na sana ang hawak nito nang bigla nitong itaas iyon sa ere.
Namaywang na lang siya. "Ano ba kasi 'yan? Patingin!"
"No, you can't."
"At bakit naman?"
"Not until I have this printed and framed. Then I'll hang this on my room's wall."
Mas lumapit pa siya dito at pinilit na abutin ang kamay nito. Umaatras naman ito habang pilyong nakangiti.
"Patingin nga kasi! Ano ba— Waaah~!"
Napasigaw siya nang may kung anong natamaan ang paa niya na sanhi upang matumba silang dalawa. Napabalikwas naman siya kaagad nang mamalayang nakahiga siya sa dibdib nito.
"Kyle? Kyle, hoy!"
Bigla siyang nag-panic. Nakahiga lang kasi ito doon na nakapikit at hindi gumagalaw.
"Kyle!" inalog niya ang balikat nito. Hindi pa rin ito gumagalaw. Ilang sandali pa ay umiiyak na siya.
Nakaupo lang siya sa buhangin habang nakatakip ang mga palad sa kanyang mukha. Hindi na niya alam ang gagawin.
Nagulat na lang siya nang marinig itong tumatawa. Bumangon ito at naupo na rin sa buhangin gaya niya. Hinihimas nito ang ulo habang tumatawa ng malakas.
Ang kaninang nararamdaman niyang lungkot ay napalitan ng inis. Pinaghahampas niya ito sa balikat at dibdib. Napapa-aray naman ito pero patuloy pa rin sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
Those Memories
Любовные романыCarrie Mendoza was a simple girl with big dreams. She was able to attend Goldwest Fields School, an elite high school where children of influential families from all over the country attend. This is where her pursuit of greater heights started. Fate...