Chapter 8

56 3 0
                                    

Ilang linggo din ang lumipas na wala akong ginagawa kundi tumunganga lang sa bahay, kumain, at matulog. Bukas na nga pala ang enrolment namin. Kaya naman naligo na ako at naghanda ng gamit para maaga akong makapag-enroll bukas. Mahirap kasi kapag tinanghali ako ng dating. Baka maubusan pa ako ng subject, mahirap na.

Umalis ako samin after lunch, at dumating sa bahay ng medyo tanghali pa. Kinabukasan, nakapag-enroll naman ako ng ayos, tapos umuwi din pagkatapos. Tinext ko sya pagdating sa bahay pero hindi sya nagrereply. Baka wala lang load, iintayin ko na lang na magtext sya ulit.

Isang linggo agad ang nakalipas at pasukan na. Hindi ko pa nakikita kahit anino manlang ni Venus. Nakakalungkot, namiss ko sya ng isang buwan tapos hindi ko lang sya makikita pagbalik ko. Hinanap ko ulit sya kinabukasan pero wala parin. Kaklase ko pala sya sa isang subject pero malayo yung upuan nya. Nasa likod ako tapos nasa unahan naman sya. Hindi ko sya nilapitan kasi baka galit sakin kaya hindi nagrereply. Pero ano naman kaya ang ikagagalit nya.

Nakakainis, kasi isang dahilan ng pagpasok ko ay para makasama ko sya lagi. Tapos yun pala, mukhang imposible nang mangyari yun ngayon na may galit sya sa akin.

Sa isa kong subject, may isa akong nakilala. Si Mark, iba dati yung course nya pero nagshift sya kaya kaklase ko sya ngayon. Sa ngayon, sya ang tinuturing kong bestfriend kasi sya naman yung lagi kong kasama. Yung bestfriend kong hinahanap ngayon ay nakita ko sa kanya.

Pero hindi parin talaga kayang palitan ang kung anong meron kami ni Venus. Kaya naman hihintayin kong bumalik ang friendship namin. Tatanggapin ko sya nang maluwag sakaling lalapitan niya ako.

Pero sa ngayon, mukhang hindi kami ok at alam kong darating din ang araw  na magiging ok din kami.

Nawalan na ako ng contact sa kanya, nabura na yung number nya sa phone ko kasi hindi naman sya nagtetext o sumasagot manlang kapag tinatawagan ko sya.

Nagising nanaman ako ng 4:00 ng madaling araw. Madami ang butuin ngayon at namukod tangi ang liwanag ng planet Venus na napakaganda.

'Siguro kung sino man ang in-charge doon, maganda ang kanyang leadership. Kasi napapanatili nyang maganda ang buong planeta. Hindi katulad ng Earth na habang tumatagal ay nasisira na.

Kung ako lang ang in-charge sa Venus, ipagbabawal ko ang alien sa planeta dahil makalat sila. Sa tingin ko isang dahilan kung bakit sila bumibista dito ay dahil. Gusto nilang sirain ang Earth dahil may lihim silang galit sa mga tao.'

Yun ang sinabi nung babaeng bigla na lang sumulpot sa likuran ko. Nagulat pa nga ako sa kanya. Tinanong ko kung anong pangalan nya pero tinawag ako nung kasama ko kaya napalingon ako, nawala na yung babae nung tumingin ulit ako sa kanya.

"Tol, baka multo," yun ang comment ni Mark nung kinuwento ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga.

"Siguro nga, kasi kung ano-ano ang pinagsasabi tapos bigla nalang nawala," feedback ko sa comment nya.

"Siguro baliw yun nung buhay pa" sabi nya tapos nagtawanan na kami.

Habang nanunuod ako ng tv, pinakita yung footage ng alien na nakita. Siguro totoo nga yung sinabi ng baliw na multong yun, na alien ang dahilan ng pagkasira ng Earth. Pero sabi naman ng iba na tao ang may kasalanan ng lahat ng ito. Madami kasi ang mga taong iresponsable sa pagpapanatili ng kalinisan dito sa Earth.

Nagtataka talaga ako kung ano ba talaga ang nangyari. Parang ayaw na sakin ni Venus, itinutulak nya ako lagi palayo. Ganun ba talaga ang ugali niya? Hindi ko naiintindihan kung sinasadya nya akong layuan at bakit. Wala naman akong alam na nagawa ko sa kanyang kasalanan.

At sa kawalan ni Venus, nabaling ang tingin ko kay Dennise. Yung tinatawag din nila na bebe Den. Naging kaibigan ko sya pero hindi naman bestfriend. Iba parin talaga si Venus. Teka, bakit ba si Venus na lang lagi, hindi naman sa kanya umiikot ang mundo ko. Hindi naman ito titigil ngayong nilayuan nya ako. Kailangan ko lang pagtuunan ng pansin ang ibang bagay sa halip na sya lang.

Inenjoy ko na lang na kasama ko si Mark, si Joven, at iba ko pang tropa. Kung saan-saan kami pumupunta pag vacant, tapos madami din kami pinagkakaabalahang kalokohan. Kaya ko din naman palang maging masaya kahit wala sya sa tabi ko. Basta huwag ko lang sya iisipin, masaya na ako sa ibang mga kaibigan ko.

Isang buwan ang lumipas na hindi sumasagi sa isip ko ang pangalang Venus. Masaya kasama yung mga tropa ko na hindi basta na lang nang-iiwan ng wala manlang paalam.

Ini-anounce ng prof na may field trip daw, ayos. Sasama ako kasi exciting, madaming pupuntahan. Kaya naman nagparegister ako at nagbayad ng dapat bayaran. Sayang nga lang kasi wala sa mga tropa ko ang sasama.

Nagtext naman sakin yung isa kong kaklase na si Lance, "Ui pare, kasama ka pala sa field trip?"

"Oo pare, mukhang masaya eh," sagot ko.

"Sama ka samin pare, kasama ko si Danica," si Danica yung girlfriend nya.

"Geh, saan ba kayo kakain?" tanong ko.

"Si Danica na lang bahalang pumili basta KKB,XD"

"Syempre, alangan na magpalibre pa ako sayo," sagot ko.

Tapos tinuloy ko na ang paglalaro. Sa isang buwan pa naman ang field trip kaya makakapaghanda pa ako ng matagal-tagal.

---------------------------------------------------------

Guys, dont forget to VOTE...

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon