Gumising ako ng maaga, nagsaing, naligo at kumain. Pumasok ng maaga para makausap ng ayos si Venus tungkol sa nangyari kagabi.
Wala sya nung dumating ako, kaya umupo muna ako sa armchair.
Dumating sya at umupo sa tabi ko.
"Good morning baby," bati ko.
Pero hindi sya sumasagot o kumikibo manlang. Nagsusulat sya sa notebook nya.
"Baby sorry sa mga nasabi ko sayo kagabi," dagdag ko.
Wala parin syang sagot kahit manlang tumingin sakin ay hindi nya magawa. Bakit ba sya ganito? Hindi ko talaga sya maintindihan.
Maiiyak na ako sa kinatatayuan ko ngayon kaya lumabas na muna ako.
"Gusto kitang intindihin pero ayaw mong magpaintindi," sabi ko bago lumabas.
Tinungo ko ang canteen. Baka sakaling pagkain ang magpapabuti ng sama ng loob ko. Hindi pa naman ako late nung matapos ako kaya dumiretso na sa klase. Nagsusulat parin si Venus pagdating ko. Gusto ko syang lapitan at kausapin pero pinigilan ko ang aking sarili. Kahit ngayon lang, hahayaan ko muna sya, baka sakaling hanapin nya ako. Pero kita ko lang sya na isinaksak yung headset na nagpatuloy sa pagsusulat.
Lumapit si Mark at tumabi sa kanya, kinausap sya at sabay silang nagsulat. Nang-aasar ba sya?
Tumabi ako kay Rae at kinausap sya kasama si Marian. Ayaw ko muna syang pansinin. Nakipagkwentuhan lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa dumating yung prof namin.
Pinacheck namin yung first part na nagawa namin ni Rae tapos nag-discuss lang ng tungkol sa susunod naming gagawin. Habang nakikinig, tumitingin ako kay Venus. Patuloy parin sya sa pagsusulat at nakikinig sa sinasabi ni Mark.
Buti pa si Mark, pinapakinggan nya. Samantalang yung paliwanag ko, ayaw nyang pakinggan. Nananadya na talaga sya, wala syang pakiramdam!
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun kalaki ang galit nya dun sa sinabi ko. Nasa point naman ako diba? Hindi naman kailangan palagi kaming magkasama. Meron naman mga bagay na nagagawa namin ng magkahiwalay. Katulad nalang ng FS namin, lalo pa at hindi naman kami magkapartner.
Natapos na yung last period namin. Hinarang ko si Venus, tumingin sya sakin.
"Kailangan nating mag-usap," sabi nya.
"Ok," mabuti naman at makakapag-usap kami ng maayos.
Sabay kaming lumabas at pumunta sa batibot para mag-usap. Mabuti na dito at tahimik. Walang tao dito ngayon.
"Baby ano bang problema?" tanong ko nang nakaupo kami.
"Look, its not working anymore."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Hindi natin kailangan ang isat-isa," sagot nya.
Napahawak ako sa kamay nya at tumulo ang luha ko.
"Kailangan kita Venus," sabi ko.
"Hindi mo na ako kailangan," tapos tumulo din yung luha nya.
"Nagkakamali ka."
"I think we need to break up."
Bigla nalang akong nanghina sa sinabi nya. Parang gusto kong mahulog sa kinauupuan ko at himatayin. At ok na lahat sa paggising ko.
"Hindi mo kailangang gawin to," iyak ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay nya. Bumitaw naman sya.
"Mahal na mahal kita pero bakit mo ba to ginagawa?" tanong ko sa kanya.
"Im sorry," tapos umalis na sya.
Gusto ko syang habulin paero hindi ko magawa. Nanghihina ako, kahit paa ko ay hindi ko kayang ihakbang.
Iniwan nya akong mag-isa sa dilim. Ayokong umuwi, naiinis ako ng sobra sa nangyari. Pumunta ako sa computer shop at nagdota.
Pero bakit wala akong gana? Siguro dahil nasanay ako na si Venus lagi ang aking kalaro. Kahit malimit akong matalo, msaya naman ako dahil sya ang aking kasama. Kapag wala si Venus, hindi ko na alam ang aking gagawin. Mawawalan ako ng dahilan para pumasok sa mga subject ko. Gusto kong makipag-ayos sa kanya, pero paano kong ayaw nya na talaga. Naiiyak tuloy ako kapag naiisip siya.
Umuwi nalang ako. Wala na din akong magagawa kung ayaw nya sakin. Shit! Hindi ako makatulog, nabasa pa yung unan ko sa kaiiyak. Sa mga babae sa buhay ko, sya lang ang iniyakan ko ng ganito.
Hindi ko yata kayang gumising bukas at isiping break na kami ng taong mahal ko.
Ang unfair naman. Sobrang ikli ng panahong binigay sakin. Sana bumalik sya sakin, kasi kailangan ko sya.
------------------------------------------------------
Guys wag kalimutang mag-VOTE...:-)
BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Fiksi RemajaDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.