Chapter 2

82 6 0
                                    

Tinanong ako ni Venus kung gusto kong sumama sa kanila na gumawa ng assignment. Um-oo naman ako kasi wala din naman ako kasamang gumawa.

Sabi nya itetext nya na lang daw ako kung anung oras mamaya at kung nasaan sila kaya nagpalitan kami ng number.

Tapos dumating na yung prof namin. Pagkatapos ng klase namin, pumunta ako sa cr para jumingle. Pababa na sana ako ng hagdan, nagtext sakin si Venus. Sabi nya pumunta daw ako sa library, dun kami gagawa ng assignment.

Pagdating ko ng library, nakita ko yung mga kasama nya. Yun ding mga kasama nya kanina kasama si Ivan. Pinaupo nya ako tapos gumawa na kami ng assignment.

Dahil nga sa bagal kong magsulat, napag-iwanan na ako. Sandali, mabagal din pala magsulat si Venus kaya kaming dalawa ang naiwan.

Dahil nga kaming dalawa na lang yung natira, nagkwentuhan na lang kami habang gumagawa ng assignment para hindi masyadong nakakaboring.

Maya-maya, tumunog na yung buzzer ng facilitator. Ibig sabihin, magsasara na yung library. Buti nalang saktong natapos din kami, kaya kami ay umuwi na.

Habang naglalakad kami pauwi, may isang bagay akong napansin. Ang ganda nya pala, tapos ang bait pa. Sya kasi ang una kong naging kaibigan dito.

Pagkauwi ko, pumunta ako sa bookstore para tumambay at magpalamig, nakakita ako ng mga libro na para sa mga sawi sa pag-ibig pero hindi ko binuklat. Saka nalang ako babasa nito kapag nabasted na ako.

Napatingin naman ako sa section ng mga magasin. Nakita ko sya na nagbabasa ng tungkol sa bandang 5 seconds of summer.

Fan din pala sya ng bandang yun. Lumapit ako para tingnan yung iba pang magasin.

"Hey, andito ka pala sa bookstore," sabi nya nung nakita nya ako.

"Oo nga eh, fan ka pala ng 5sos?" tanong ko sa kanya na alam ko naman ang sagot.

"Yeah, ang gaganda kasi ng mga kanta nila lalo na yung heartbreak girl," sabi na eh, yun ang isasagot nya.

"Favorite ko yun ah," napasarap ako sa pagkukweto.

"Pareho pala tayo ng favorite song," pagsang-ayon nya sa sinabi ko.

"Bilhin na natin, hati na lang tayo. Medyo mahal kasi," suggest ko.

"Geh, konti lang kasi ang dala kong pera," pagpayag nya sa suggestion ko.

At binili na nga namin yung magasin. Napagkasunduan namin na sa kanya muna at ibibigay nya sakin kapag tapos nya nang basahin.

Tapos, sabay na kaming umuwi. At dahil alam ko yung dorm nila, ihinatid ko na sya. Ipinaalala ko yung tungkol sa magasin tapos napatawa sya. Umuwi na ako pagkatapos nun.

Ginabi na ako sa pagtambay sa bahay nang walang ginagawa. Mga 7:30 na nung naisipan kong plantsahin yung mga damit ko. Titingnan ko sana ang oras kaya binuksan ko ang cellphone ko. Nabasa ko na may 9 missed calls ako galing kay Venus kaya tinawagan ko sya.

"Hello, bakit ka natawag?" bungad ko sa kanya.

"Ah wala, nangungumusta lang, ano ba ginagawa mo?" Sagot nya sa akin.

"Ah, namamalantsa ng mga nilabhan ko. Ikaw, anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Nagbabasa nung magasin na binili natin," sagot nya.

"Sige, may gagawin pa ako eh," pagtapos ko sa conversation namin.

"Geh," yun lang sinabi nya tapos nag-end call na.

Napatawa naman yung kasama ko sa bahay at tinanong ako.

"Girlfriend mo!?" habang nakangisi na parang nang-aasar.

"Si Venus yun, tsaka hindi ko girlfriend," sagot ko sa kanya.

"Ikaw ha, 2nd day palang may chicks ka na agad," pangungulit nya.

"Ang kulit mo naman tol, sabing hindi!" galit kong sabi sa kanya.

"Ok, sabi mo eh," tinigilan na nya ako.

Tinuloy ko na ang pamamalantsa ko. Tapos natulog na, maaga pa ang 1st period ko bukas.

Kinabukasan sa 1st period, nakita ko si Venus. Tinabihan ko sya. Bigla naman dumating yung prof kaya hindi na ako umalis sa upuan, tutal wala naman kumulbit sakin para palayasin at lumipat sa upuan ko.

Pagkatapos ng klase, vacant ko. Nagutom ako bigla kaya pupunta ako sa canteen. Tinanong ko muna si Venus, sabi nya kakain daw sya kaya sabay na kaming pumunta sa canteen.

Habang naglalakad, napansin kong may nakakasalubong kami na nakatingin samin. Tinanong ko naman si Venus kung bakit madaming nakatingin samin. Sabi nya "inggit lang sila."

Bakit naman kaya sila maiinggit? Siguro dahil kay Venus. Ewan, siguro, bahala sila.

Dun kami pumunta sa table na pang dalawa. Bumili sya ng siopao at saka juice, ako naman ay egg sandwich saka juice din.

Habang kumakain, napapansin ko lalong dumami yung mga nakatingin samin. Hindi ko nalang pinansin, inifocus ko nalang ang tingin ko kay Venus.

Siguro, karamihan ng mga lalaki dito sa school, may crush sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit nakatingin sila sakin kanina.

Pagkatapos kumain, tumambay kami sa ibang lugar dito sa school. Hindi nakakaboring kasi kasama ko sya. Hindi kasi sya nakakasawang kausap. Kumbaga sa pagkain, hindi nakakaumay.

Pumunta kami sa 3rd class at kaklase ko ulit sya. Buti na lang at alphabetical order yung arrangement namin. Yung apelyido ko ay nagsisimula sa S at sa kanya naman ay T kaya magkatabi kami ng upuan.

Hindi ko naman sya naging kaklase nung sunod kong klase. Nakakapanibago tuloy, wala na akong laging kausap. Hinahanap ko yung cute nyang boses tsaka yung pangungulit nya. Ang drama ko naman. Namiss agad, eh kakakilala palang. Tsaka kaklase ko naman sya sa last period.

Ewan ko ba kung bakit pero tuwang-tuwa ako nung last period ko. Siguro dahil nandito nanaman si Venus o dahil makakatabi ko nanaman sya. Ewan, pareho lang naman.

------------------------------------------------

Sa mga nakakabasa ng note na 'to:

Please give a Vote or leave Comment for suggestions, o kaya sabihin nyo din kung maganda o pangit. Para maimprove ko yung sunod......

;-)

Arigato Minna!!!

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon