Kinabukasan, kumain naman ako sa labas kasama ang tropa ko. Nakaschedule ga ang rak namin, tsaka minsan lang naman.
Hindi ko sinasama si Venus dahil siguradong sa kanya nanaman ang aking atensyon, gusto kong magfocus muna sa mga kaibigan ko.
Umorder na kami at nakakita ng table na kasya kaming lima. Sobrang saya talaga kasama ng mga tropa ko, ang dami naming pinagkukwentuhan habang kumakain.Lumingon ako sa aking likod at natulala. Nasa likod ko pala ang long - lost crush ko. Yung babaeng hindi ko kinakausap nung highschool. Yung nagpapakaba sa akin tuwing nasa malapit sya.
Hindi ako makaimik, kahit batiin manlang sya at ngitian. Kung titingnan nyo talaga, mukha akong tanga ngayon. Inisip ko nalang na nagbago na ang gusto ko, si Venus na ang crush at mahal ko.
Naglilibot kami ngayon sa mall habang naghahanap ng pang regalo para kay Venus, si Andrei naman naghahanap din. Para naman kay Rae na hanggang ngayon ay hindi pa sya sinasagot.
Ang sad noh? Pero mukha namang ok lang sa kanya yun. Sa tingin ko nga matatagalan pa ng konti o kaya mafriendzoned lang sya, sobrang saklap talaga kung mangyayari yun.
Pumasok kami sa isang store at may nakita kaming mga stuffed toy na malaki.
Mukha naman itong magandang pangregalo kaya kumuha na din ng 2. Nararamdaman ko talagang seryoso ang kasama ko sa nililigawan nya. Kita ko sa kilos nya, sa mga ginagawa nya.Pakinig ko kapag may sinasabi sya.
Nasa school kami ngayon, naglalakad papunta sa batibot nang iniabot ng isang tropa ko ang isang gitara."Tol, ikaw na ang bahalang magsauli," sabi nya sabay labas ng gate.
Syempre kinuha ko agad, feeling ko kasi magagamit namin ito ngayon.
"Bakit mo tinanggap?" tanong ni Andrei.
"Magagamit natin ito pre," sagot ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakita namin si Rae na nakaupo sa isang mahabang upuan sa may batibot.
"Tol, haranahin mo si Rae," sabi namin kay Andrei.
Nung una, tumatanggi pa sya. Pero pumayag din sa pangungulit namin. Lumapit kami sa upuan at umupo kami, si Andrei naman ay tumayo sa gitna namin.
Nagsimulang tumugtog ng gitara yung kasama ko. Sumabay si Andrei ng kanta at kita ko naman nakangiti si Rae habang nanunuod. Natapos yung kanta at pinagkukwentuhan namin ang tungkol sa reaksyon ni Rae tungkol sa harana kanina.8 na ng gabi nung kami ay umalis sa school. Bakit nga ba yung daan namin ay papunta kina Venus? Narealise ko lang nung malapit na kami, ako parin yung may hawak ng gitara.
Ngumiti yung mga kasama ko at parang alam ko na ang ibig sabihin.
Kinuha ni Andrei ang gitara at pumunta kami sa tapat. Tumugtog siya nung intro at parang alam ko na agad."Uso pa ba, ang harana? Marahil ikaw ay, nagtataka." sabi ko sabay tingala.
Sumilip si Venus habang nakangiti. Para nanaman akong hihimatayin nito, ang ganda ng aking nakikita ngayon.
Hindi ko tuloy mapigilan na ngumiti rin sa kanya. Kumaway sya sa akin, kumaway rin ako kasabay ng aking pagkanta.
Bumaba sya pagkatapos kong kumanta. Niyakap nya ako ng mahigpit at gumanti rin ako ng yakap.
"Thank you," sabi nya sabay kiss.
Oh my gosh, hihatayim na talaga ako!________________________________
Sobrang dami kong ginagawa ngayon kaya hindi masyadong naintindi to. (Share lang). Dont forget to vote please :)
BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Roman pour AdolescentsDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.