Chapter 14

34 1 0
                                    

Nalaman ni Venus na ako pala yung naglalagay ng note para sa kanya pero bakit parang hindi sya nagulat sa nalaman nya? Nakangiti pa nga sya sakin habang lumalapit. Grabe, kinakabahan ako habang palapit sya sakin. Actually halo-halo ang nararamdaman ko, kaba, inis, tuwa at gutom. Pupunta din naman kami mamaya ni Mark sa Mcdo, yayayain ko na lang sya. Sobrang saya ko nga nung pumayag sya.

Yung inorder namin ni Mark ay katulad din ng gusto ni Venus. Tuwang-tuwa talaga akong panuorin ang bestfriend ko. Habang nakikinig sa jokes nya na kahit medyo corny ay talagang masarap pakinggan. Kahit boses nya palang ay nagv-vibrate na sa tenga ko.

Nung matapos kumain, hinatid ko sya pauwi. Pinauwi nya naman ako agad pagdating sa kanila.

Tapos nakatext ko naman sya pag-uwi ko. Habang katext ko sya, iniisip ko kung bakit hindi sya nagtanong ng tungkol sa note. Imbes ay puro salamat lang yung sinasabi nya hanggang pag-kain namin sa Mcdo.

Sana hindi magbago si Venus. Hindi katulad dati na mahirap tantyahin at baka bukas ay iba nanaman ang ugali nya. Kaya ngayong gabi, susulitin ko na. Tinawagan ko sya at katext hanggang hatinggabi. Ang saya talaga ngayong araw na ito.

Pumasok ako kinabukasan at nakita si Venus na naglalakad kaya sinabayan ko sya. Nakita nya ako sa tabi at sinabi, "salamat!"

Tapos sabay kaming nagtawanan sa daan. Wala akong pakialam kung madaming makarinig sa tawa namin. Basta masaya ako ngayon na kasama ko si Venus.

Matapos ang ilang buwan at intrams na naman. Ngayong taon, gusto kong laging kasama si Venus. Gusto kong lagi kaming magkasama kapag kakain at manunuod ng mga sport.

At nangyari nga yung gusto ko. Lagi kaming magkakasama mula pagpasok ng gate hanggang sa umuwi kami.

Trip namin laging manuod ng basketball sa gym. Umakyat kaming dalawa sa bleachers. Hindi man masyadong mataas, pero yung tipong makikita namin ng mabuti. Basketball girls yung pinapanuod namin ngayon. Magaganda yung mga naglalaro. Pero syempre, di hamak na mas maganda parin talaga si Venus kung ikukumpara sa kanila. Nakatitig ako ngayon sa magandang mukha ni Venus nang may umabala sakin bigla.

Tinamaan ako ng bola sa paa. Kinuha ko ito tapos tinawag ako nung isang player inabot ko yung bola sa magandang basketball player.

Nginitian ako tapos ngumiti din ako sa kanya. Bumalik ako sa tabi ni Venus tapos tumatawa lang sya, siguro dahil nginitian ako nung player. Nakatingin ako sa babae nang lumingon at ngumiti ulit.

Napalingon ako kay Venus at nakita nya ang mabilis na pag-ikot ng ulo ko.

"Ayun, kinilig dun sa player!" sabi nya sabay tawa.

"Hindi kaya, tiningnan lamg kita," depensa ko.

"Diba sabi nila pag ang lalaki ay kinilig, lumilingo sa katabi," sabi nya.

"At pag babae ang kinilig, kawawa ang katabi," sagot ko sa kanya.

Tapos nagtawanan kami. Kung alam nya lang, sa kanya ako kikiligin kung totoo ngang kinikilig ako ngayon. Nagutom na ako pagkatapos ng game, kaya inaya ko sya.

"Kain tayo."

"Sige ba, libre mo?"

"Sige na nga," pumayag na din ako na ilibre sya at hindi rin naman ako makakatanggi.

Tapos pumunta na kami sa paborito naming kainan at umorder ng paborito naming kainin. Umorder sya ng dalawa pang mami bukod syrmpre, ako parin ang magbabayad.

Una naming kinain ang una naming inorder. Tinanong ko naman sya kung bakit pa sya umorder ng mami. Sabi nya lang, "basta ubusin mo yung sabaw at malalaman mo rin."

Kaya hinigop ko nang hinigop yung sabaw hanggang sa noodles na lang yung matira. Sabay naming naubos yung sabaw tapos tumayo sya. Kinuha yung hot sauce at ketchup tapos ibinuhos pareho sa noodles.

Tinanong ko sya, "Ano naman yang pakana mong yan?"

"Just do what I do," kaya ginaya ko yung ginawa nya.

Hinalo namin yung noodles at ketchup hanggang sa magmukhang spaghetti.

"Masarap ba 'to?" tanong ko sa kanya.

"Basta tikman mo na lang," sagot nya.

Tinikman ko yung hinalo namin. Ok naman yung lasa kaso unti-unting humahalang. Napadami pala yung lagay ko ng hot sauce. Pinapawisan na ako sa sobrang anghang ng kinakain ko kaya tinanong nya ako, "Ok ka lang?"

"Ya, maanghang kasi itong kinakain ko eh," sagot ko.

"Kaya mo bang ubusin? Pinapawisan ka na ah," sabi nya sabay tawa.

"Oo naman, kaya ko 'to."

Uminom na lang ako ng madaming tubig pagkatapos kumain. Wala na talagang next time para kumain ulit nito. Nagtaka naman ako kung bakit kinaya ni Venus yung ganong klase ng pagkain.

"Matagal ka na bang kumakain ng ganito?" tanong ko sa kanya.

"Nakita ko lang 'to na ginagawa nung lalaki kanina," sagot nya.

Natawa ako bigla. Ang lakas naman ng loob nya para subukan agad yung nakita nya lang kanina. Ang wirdo ng lasa pero parang masarap para sa kanya yung noodles ng mami na nilagyan ng ketchup. Sabi nya pa nga mukhang spaghetti daw. Mukha ngang spaghetti, pero iba talaga yung lasa.

Bumalik na kami sa loob ng gym pagkatapos nyang kumain. Final game na ngayon ng department namin tsaka engineering. Sobrang ingay ni Venus pag nagchi-cheer. Pakiramdam ko mababasag yung tenga ko sa lakas ng boses nya. Pero ok lang, diretso naman yun sa puso ko. Natapos yung laro at nanalo yung department namin. Sa awarding ceremony itinanghal na champion yunf department namin. Katabi ko si Venus nung tinawag ang overall champion. Sa sobrang tuwa nya, napayakap sya sakin.

Syempre nung time na yun, sobrang tuwa ko din. Para nag-mute lahat ng mga sigawan sa paligid ko. Naririnig ko lang yung malakas na kabog sa puso ko. Sobrang bagal ng oras, parang slow motion to the nth power ang nanyari. Niyakap ko din sya. Kung alam nya lang ayokong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.

---------------------------------------------------------

Guys VOTE lang ng VOTE!!

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon