It was my pleasure!
to meet you,
your eyes met mine
Oh, how i wish you notice.Fence
//
Nagaagaw buhay na ang araw at gabi ng nakauwi kami nila papa sa bahay. Pagkapasok sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at nagpalit. Hanggang ngayon ay sinisermunan pa rin ako ni papa tungkol sa pag aaral ko. Nakakatamad na kase talaga dumiretso sa college, gusto kong magtrabaho agad para makatulong na rin kila mama.
Kaka-graduate ko lang ng senior high school sa strand na humss, balak ko sanang kumuha ng mass. communication major in broadcasting kaso kulang kami ng pangbayad ng matrikula, 'tsaka ang hirap maghanap ng school na papasukan, kaya huminto muna ko pansamantala, tutal si kuya naman nagaaral pa.
Magde-debut na yung bessy ko bukas kaya naghanap muna kami ng pamilya ko ng simpleng damit para sa simpleng selebrasyon. Hindi naman engrande yung debut ni clara, handaan lang 'tsaka kaunting program ayos na. Para ko na rin kasing kapatid yun at anak kung ituring nila papa, kaya pinaghandaan talaga namin.
Nakaupo ako malapit sa bintana habang nakatitig sa langit at pinagmamasdan ang lalim ng gabi at mga bituin. Nagkakape ako at iniisip na 18 na rin ako sa susunod na buwan, di ako makapaniwala. Dati kasi parang 12 lang ako tapos-
"Psst, uy! tingin ka sa baba" Isang lalaki ang umabala sa akin sa pagiisip
Napatayo ako at naitapon ko ang kape na hawak ko dahilan upang mapaso ang lalaking nasa ibaba ko.
"Aray! Anong ginawa mo!!" Galit niyang sabi habang pinapagpag ang kaniyang suot na jacket at pantalong hapit na hapit sa katawan na lalong nagpa usbong ng kaniyang kakisigan.
"E ano kasing ginagawa mo diyan! Sinisilipan moko 'no?! Umalis ka dito kung ayaw mong sumigaw ako!" Umatras ako habang awang awa na sa kaniyang hitsura na basang basa sa mainit na kape.
"Ikaw pa may ganang magalit e ikaw nga 'tong may kasalanan!" Sabi niya habang nakabusangot ang mukha.
Sino ba 'tong lalaking 'to? Ba't niya alam yung bahay namin? Akala ko nagmamadali siya dahil may pupuntahan, pero nandito siya? Rapist siguro 'to?! RAPIIIST!!
"Sino ba namang matinong tao yung gagawa no'ng gano'n ha?! 'Tsaka paano mo nalaman bahay namin? Ha? Sinundan mo kami? ha?! Rapist ka siguro ano? Rapist ka!" Galit kong sabi habang sisigaw na sana para tawagin si papa
"pssst! 'Wag ka ng sumigaw, okay, ako na 'yung mali. Ako na talaga. Gusto ko lang naman malaman kung sa'yo ba 'tong-"
"Wag ka ng magpalusot! Rapist ka lang! Rapist!!" Sabi kong muli
"Uuuy, hindi ako nagpapalusot at lalong di ako rapist! Gusto lang talaga kitang tanungin kung sa'yo ba 'tong bracelet na'to, nakita ko kase i.d. mo kanina sa mall, kaya sinundan ko kayo, kapangalan mo kasi o!" Pabulong niyang sabi habang pinapakita ang bracelet na may pangalan ko
"Hindi akin 'yan!" Lamapit ako sa fence ng terrace ng bintana "Dezcalsota 'yan, descalsota lang kami. Walang Z." Sabi ko pa hanggang sa nakakapit na ako sa may fence ng bintana. "Sino ka ba?" Sambit ko, na hindi ko inaakalang tinanggal ko nga pala yung lock ng gate ng fence kanina para mas malakas ang pasok ng hangin. Dahan dahan akong nahulog sa bakod ng second floor at gulat na napasigaw.
Nasalo ako ni kuyang rapist sa baba, ngunit napahiga rin siya ng nasalo ako. Naramdaman ko ang makisig niyang braso at hulma ng kaniyang katawan habang nakahawak ang kaniyang mga magagaspang na kamay sa aking beywang.
Ako'y napatitig sa kaniyang maamong mukha habang basa ang kaniyang buhok dahil siguro sa naitapon kong kape sa nakalipas na oras. Naka anggulo ang kaniyang mga panga, kulay brown na mga mata at mahahabang pilik mata. Paturok at nakahulma sa perpektong hugis ang kaniyang mga ilong. Pulang mga labi na nakabukas ng bahagya.
Hindi ko namalayang nakatitig na ako sa anghel na nasa aking harapan. Tumayo ako agad habang pinapagpag ang aking suot na pink na pajamas at jacket habang walang suot na pang yapak.
Bumukas ang pintuan at lumabas sila mama at kuya, alalang alala si mama sa akin. Di alintana ang naudlot niyang pagtulog upang tignan kung anong nangyari.
"Janine! Susmaryosep! Anong ginawa mo?! bakit ka nahulog sa taas? Tinanggal mo na naman yung lock ng gate? Jusko kang babae ka o!" Galit at ma-amor na sambit ni mama sa akin habang si kuya naman ay nakalapit na agad kay kuyang rapist.
"Sorry po talaga. Sorry Sorry Sorry po" Nagmamakaawang sabi nang rapist kay kuya
"Okay lang yun, di ka naman nasaktan e, patingin nga ako ng mukha mo?" Baklang To! Imbis na sa akin mag alala, doon pa sa rapist na yon! Haynako, kuya.
"O, iho, ano bang nangyari at bakit nalaglag ang anak ko dito?" Nagaalalang sambit ni mama sa rapist
"Ahh, kase po tita, -" Wow! Tita! Tita talaga ha? Makapal din pala fess nitong rapist na'to, naku, kung hindi ka lang talaga pogi. "Sinundan ko po yung taxi na sinakyan niyo, gusto ko lang po sanang tanungin yung anak niyo kung sa kaniya po ba 'tong bracelet?" Paliwanag ng rapist kay mama na parang totoo yung sinasabi niya. Rapist siya! Rapist! "Tapos po, bigla po siyang lumapit sa bakod kaya po nahulog siya bigla"
"Naku, Pagpasensiyahan mo na'tong anak ko ha, napahamak ka pa tuloy, naku, pumasok ka muna iho, teka, ano nga ba muna pangalan mo, iho?" Tanong ni mama sa rapist.
"Japeth Jan Arceo ho ma'am, Jap na lang ho, for short" Ahh, pang manyakis nga yung pangalan, nakuuuu rapist 'to!
BINABASA MO ANG
Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)
Romance' ! | C O M P L E T E D | ! ' Ang oras at ang panahon ang madalas na humahadlang sa mga bagay na nais mong mangyari. Ang mga panahong hindi mo na maibabalik. Mga panahong gusto mong pahintuin ang oras at mamahinga na, at mga panahong gusto mong mala...