It's my pleasure to meet you,
this was once a thought,
and it is enough,
let us live together.Beef Pares/ Unlimited
Pagkatapos ng nangyari, nagbalik sa normal ang lahat, pasok sa school, uuwi ng bahay, gagawa ng assignments at,
Kada-uwi ko ay may pa-beef pares si mayor! Pinupurga ba'ko ni japeth dito? What the heck.
For almost Two months na lumipas, i've already collected 50 love letters and 50 packs of beef pares! O 'diba? Sipag bumili ng kumag!
"Janine? Janiiine?" isang boses ang nagpatigil sa pagiisip ko, nandito sila maccy at shane. Hmm
Mabilis akong bumaba para pagbuksan sila ng pinto.
Oh, hindi lang pala sila? Kasama 'yung kumag na nanliligaw sa'kin. Nauna nang pumasok si shane at maccy sa loob, habang 'yung gunggong, nakatayo pa rin sa labas habang nakangiti.
"Ano? Pumasok ka na? Bibigyan pa ba kita ng wheel chair? Paralisado ka na ba? Ano?" Sabi ko habang nakahawak sa pintuan.
Nanatili siyang nakangiti sa labas, parang ewan! Oo na nga japeth! Given na nga na ang g'wapo g'wapo mo, hindi ko na kailangan sabihin!
"Tara na nga kasi!" binigyan ko siya ng espasyo papasok ng pinto pero hindi talaga siya gumalaw, bagkus ay nakatitig siyang nagsalita sa'kin,
"Alam mo? Sa Araw-araw na nakikita kita? Palala ng palala 'yung tama ko sa'yo." He smiled more, oh the heck! His smile was more than enough para sagutin ko siya pero NO WAY! kailangan niyang maghirap ng maigi.
"Bahala ka, kung ayaw mong pumasok" Iniwan ko siya at tumalikod, nakita ko ang dalawa kong kaibigan na naghahalungkat na sa kusina ng mga pagkain.
Pagkatalikod ay 'di ko maiwasang ngumiti. Ang sarap pala 'no? Ang sarap sarap sa feeling na day by day, sasalubong siya sa'yo including gis special offer na beef pares. Ang sarap pala na, you are so sure na nandiyan lang siya sa tabi mo, ang saya-saya pala na mahal ka niya even though hindi kayo commited sa isa't isa. I like it. I used to know who he really is. Dito ko masusukat kung mahaba ba ang pasensiya niya at dito ko masusukat kung kaya niya ba talaga kong panindigan bilang nobya niya.
For those years that i was living, for almost 17 years? I haven't fell in love! I haven't experience falling inlove, except for my family siyempre.
At ngayon na nararanasan ko na siya, i was just thankful! Salamat. Maraming maraming salamat.
"Oh, bakit hindi mo papasukin 'yung manliligaw mo?" tanong sa'kin ni shane habang lumalamon pancit canton na tira ko kaninang umaga bago pumasok
"Ano kaba, pinilit ko siyang pumasok, e parang timang na nakangiti lang do'n kaya 'di ko na pinilit" tugon ko habang kinukuha ang remote para buksan ang T.V.
Nilingon ko ulit si japeth, nakatayo pa rin siya do'n, ano ba'ng problema nitong lalaki na'to ngayon? Kahapon naman pumasok siya agad-agad ah? May pasabog na naman siguro 'to. Naku, hindi na'ko magugulat, araw-araw ba naman iba-ibang pakana ang ginagawa niya e.
"Kailan mo ba sasagutin 'yang kumag na 'yan?" tanong sa'kin ni shane na sige ang lamon ng pancit canton
"Ewan ko." mabilis kong tugon.
Hindi ko naman kasi talaga alam. Ang bata-bata ko pa para diyan, yes, gusto ko rin naman si japeth, but— i want to focus on my studies lalo na't patapos na ang Junior High School Journey ko, papatong na ako ng Grade 11 kaya dapat iyon talaga ang unahin.
"Hindi ba unfair sa kaniya 'yon?" Sabay turo ni maccy gamit ang nguso niya kay japeth na nakatayo pa rin sa labas
"Hindi 'yon unfair 'no! Tinanong ko naman siya if 'pag napatagal ako sa pagsagot ko, makakapaghi---" putol kong paliwanag,
"No, no, i mean, hindi ba unfair na nasa labas 'yung manliligaw mo, tapos kami nandito?" 'pagtuloy niya sa gusto niyang sabihin
Ah, akala ko naman kung ano na!
"Gusto niya 'yan e, maghirap siya" tinignan ko siya sa labas, nakangiti pa rin ang gung-gong, haynako. Parang ewan?
"Hindi mo 'yan matitiis" may pagtawang sabi ni shane sa'kin, suminghap ako saglit at 'saka tumayo,
"Haynako! Badtrip naman. Hays" lumapit na ako sa pinto para harapin na si japeth.
He was smiling at me like hell, ano ba? There's something wrong about japeth right now. I need to ask him.
"Are you okay?" Sinipat ko ang ulo niya kung mainit ba, baka kasi may sakit na, jusko
"Yes, i'm super okay." banggit niya habang abot langit ang ngiti sa labi,
"E bakit ganiyan ka kung makangiti? Para kang ewan" inirapan ko siya, paano ba naman kasi, i can't handle his smile! It's so attractive. I admit it, i super love his smile and i'm addicted to it, pero okay lang naman na makipagusap siya ng hindi nakangiti, hays.
"I'm happy! Any objection your honor?" sabi niya at ngumiti pa lalo, oh god! HIS SMILE! It's twinkling like the star on the sky! I wanna stare at it all the time, how i wish.
"Yes, your honor, you have to explain why you're happy." sabi ko at tinarayan siya na pumupustura na parang isang lawyer,
"I'm happy because of you, Ms. Descalsota" sabi niya at kinindatan ako. Oh myyyy kailangan hindi ako ngumiti! Bawal ako matalo!
"How will you prove your claim, Mr. Arceo." diniinan ko na lang ang pagsabi ko para malabanan ko ang kilig na kanina pa gustong kumawala sa dibdib ko
"Because when i always see your face, i just wanted to stare at it, all the time. Your sweet voice, i want to hear it all day! Your very lovely smile is my favorite view in my entire life. You've change me, Ms. Descalsota, and i am sooooo happy that you have been living here on earth to make me happy. Now, is that enough?" lumapit siya ng kaunti sa akin atsaka tumuloy, "Enough to prove my claim Ms. Descalsota?" He added.
Namula ang pisngi ko, bigla akong napaatras sa ginawa niyang pag-abante, what the hell! Speechless ak-- i mean, kinikilig ako!!! And i can't handle this any longer, parang gusto ko siyang yakapin sa ginagawa niya! Oh god, help me!
"Uh--" utal kong sabi, wala talaga kong ma prosesong salita ngayon, oh god!
"You lose the argument Ms. Descalsota, you have to be punish by the Article III Volume 8 Subsection B, that you have to decide right now what's your decision, do you also love me?" he said while his eyes are sooooo mesmerizing! They are talking while i think, i want to say yes!
"Of course!" bigla kong sabi, w-wait w-what? Did i just spit it out? OH MY GOD!
"Really?! YOU LOVE ME?! WHOOOOOH!" Tumalon-talon siya sa labas ng bahay,
"Uh- I-mea!-" Hindi ako makapagsalita at makapagpaliwanag, what i mean is that, i do not lose the argument! I'M NOT FINISH YET!
"Oh my god, janine, sinagot mo na agaaad?" pagisyoso nila maccy at shane sa'kin, binigyan ko sila ng BALIW-HINDI-KO-PA-SIYA-SINASAGOT pose. Juskooo!
"I promise janine, i promise to you, i will love you and i, i will be worth it! I love you so much!!" Sigaw niya ng nakangiti at tuwang-tuwa, atsaka binuhat ako. W-wait- w-what???
Hindi ako nakagalaw, ano baaa! Panaginip ba 'toooo? Jusko looord!
Then something pops up on my mind, mas magandang biglaan, kaysa pagisipan ko pa, let's just think about it. It will be my lost if my decision was wrong. It's just that, let us see what will happen, if some decision is alright, kapag magiging maayos anh kalalabasan ne'to, edi okay! Panalo ako.
I won japeth, and he won my heart.
Let's chase every heart, gals.
Okay, cooL.
BINABASA MO ANG
Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)
Romance' ! | C O M P L E T E D | ! ' Ang oras at ang panahon ang madalas na humahadlang sa mga bagay na nais mong mangyari. Ang mga panahong hindi mo na maibabalik. Mga panahong gusto mong pahintuin ang oras at mamahinga na, at mga panahong gusto mong mala...