Chapter 24

361 12 0
                                    

Friends, iloveyou,
'till we die,
'till death,
do us part.

Panganib

Isang malakas na tawa ang nagpayanig sa buong kapuluan ng esperanza.

Ang mga tawang nagpakilabot sa akin, mga tawa ni carla na animo'y may mga nagtatagong poot at galit dito. Mga galit na matagal niya ng kinikimkim, at hindi niya lamang mailabas. Nakakatakot, nakakakaba.

Nakabusal ang mga bibig ni maccy habang hawak-hawak ni carla ang mga buhok nito.

I can see the struggle on my friend's face, oh god. Bakit niyo ba 'to ginagawa sa'kin? sa'min? bakit?

"MACCY!" malakas kong sigaw na hindi ko inaakalang magagawa sa tanang buhay ko, kaming tatlo, ang mga biktima dito, wala kaming kasalanan ngunit bakit kami pinaparusahan?

"Mga MANGMANG! UTO-UTO!" Sigaw pa ni carla at lalo pang hinigpitan ang pagsabunot kay maccy

"Ano janine? 'Diba masakit? MASAKIT 'DIBA?!!" dugtong niyang sigaw habang halatang nanggigil na hawak si maccy

"Masakit ba janine? Ang traydurin ka ng SARILI mong KAIBIGAN? masakit ba?" pagdiin niya pa na lalong nagpapasakit ng puso ko

Oo sobrang sakit, sobra. Ang akala ko, mapagkakatiwalaan ko si shane pero tinraydor niya ako, for almost 5 years naming pagkakaibigan nagawa niya 'to. Nabulag siya. Nabulag si shane.

Binulag siya ni carla, kaya nandito ako para imulat siya, at para maliwanagan siya na mali ang ginawa niya.

"At ngayon, masakit din ba? Ha? Masakit din ba na makita mo ang kaibigan mong nahihirapan? HA? SUMAGOT KAAA!!" malakas niyang sigaw habang dinidiin pa ang baril sa ulo ni maccy, lalo akong nangiyak, hindi ako makapagbitaw ng kahit anong salita, wala akong magawa kundi titigan lang na naghihirap si maccy.

"Oh 'diba masakit? Ngayon, tanungin mo ang sarili mo kung bakit ko 'to nagagawa sa'yo" ngumisi siya at binitawan na si maccy, habang siya naman ay hinihimas-himas pa ang baril at naglakad-lakad

"Hindi mo alam! Kahit tanungin mo ang sarili mo, hindi mo pa rin masasagot kung anong pagpapahirap ang ginawa mo sa'kin, at hindi mo malalaman 'yon! Dahil wala kang puso!" malakas niyang sigaw mula sa kawalan

Hindi ko alam ang sinasabi niya, wala akong mahanap na dahilan kung bakit niya 'to ginagawa. Atsaka, anong paghihirap? Ilang buwan pa lang siyang namamalagi dito, at wala akong ginawa sa kaniya at kung sino 'man sa pamilya niya. Bakit? Bakit carla?

Tumulo lalo ang luho ko, hindi ko na masalansan ang mga nagaganap. Wala na akong magawa kundi humagulgol at umiyak. Wala na akong magagawa pa kung hindi tanggapin ang lahat, tinraydor na ako ng kaibigan ko, naghihirap ang kaibigan ko at pinaparusahan din sila ng dahil sa'kin.

Ako. Ako nga ang may kasalanan, at ako lang may kasalanan. Kaya dapat ako lang ang parusahan! Hindi sila!

"Okay, Ms. Janine Descalasota. Bobita ka nga. Wala kang alam sa mga bagay-bagay, You don't know your surroundings that's why you're suffering right now. Wala kang alam? 'Diba? BOBITA!" naglalakad-lakad siya habang ako naman ay hinang-hina pa rin at hindi makasagot

"I will tell you the story" suminghap siya,

"Alam mo? Kaya lang naman ako lumipat dito, dahil lang sa isang rason. Dahil sasagutin ko na sana siya. Sasagutin ko na sana ang kababata ko." pagumpisa niya

Sinong kababata? Naguguluhan pa rin ako

"Magiging masaya na sana kami kung hindi ka lang haliparot! Malandi! Makati!" Pagdiin niya na siyang pinagtaka ko, "Napaka-kati mo, alam mo ba 'yon? Hindi sana siya naghihirap sa kulungan ngayon kung hindi mo siya inakusahan na ginahasa ka niya!" sigaw niya na siyang ikinagulat ko.

Si Vince? Si Vince ang dahilan?

"Oo! Tama ka nga janine, Si Mr. Vincent Montenegro, Mula sa Montenegro Family. Isa sa mga pinakamayayamang pamilya rito sa esperanza." Suminghap siya

"You ruined it all! Did you know that? Isa na sanang malaking kumpaniya ang partnership ng mga magulang namin kung hindi lang namroblema 'yung papa niya sa kaniya! At dahil sa inyo 'yon! Nilabanan nila ang kaso, pero malakas ang puwersa ng jowa mo! Siya ang lumaban! Si japeth!" Gigil na gigil na sabi ni carla.

Ako naman, hindi na malaman ang reaksyon, it was, m-mind blown! Si japeth pala ang umasikaso sa lahat, sa pagpapahanap kay vince, pagpapakulong dito at maging ang mga bayarin, what now? ANO PA ANG IBABATO NIYO SA'KIN! SABIHIN NIYO!

"Yes, you got it right janine, Now, it's payback time."

Ngumisi siya at hinablot muli ang ulo ni maccy, hawak-hawak niya ang buhok nito na  parang wala ng wakas. Pumapalag si maccy pero dahil nga nakabusal ang bibig niya at nakatali ang kamay niya sa likuran, wala rin siyang lakas na manlaban.

Itinutok naman ni carla ang baril kay shane na ngayon ay umiiyak pa rin, i can't stare them in this condition for a long time. Hindi ko na kayang tiisin! Hindi ko na kaya!

Tinitigan ko silang dalawa, atsaka nagsalita muli si carla,

"Ngayon, Janine, answer me, with your wisest decision, sino ang pipiliin mo sa dalawa mong walang k'wentang kaibigan? Mamimili ka lang ng isa, madali lang, matatapos na ang kalbaryo mo" pagpapaliwanag niya na siyang lalong nagpaiyak sa'kin.

Hindi ko alam! HINDI KO ALAM! LORD! PLESE HELP ME! Bakit kailangan mangyari 'to sa'kin?

My friends don't deserve this! THEY DESERVE MY LOVE!

Tinitigan ko si shane at maccy habang nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang patuloy na tumutulo.

Then something pops up on my mind. When we were all young. When we're all having fun.

All the moments, i can still remember noong first time kong magkatagos, nandiyan sila, they help me and teach me to handle myself!

Kapag malungkot ako nandiyan sila sa tabi ko, handang umalalay, handa akong gabayan. Handa nila 'kong pagsakripisyuhan. Nandiyan silang dalawa. Ang mga bessy ko. My whole life were spent with very deserving persons.

Noong time na na-guidance ako, kahit wala silang kasalanan, sinamahan nila ako, para lang magkaroon ako ng karamay.

Noong time na nagkasakit ako, umabsent din sila ng isang linggo para lang mabantayan ako, para lang maasikaso nila ako. Para lang mabigyan nila ako ng gamot.

Inalagaan nila ako, nahubog ako bilang isang tao dahil sa kanila, nahubog ang buo kong pagkatao dahil sa kanila, 'yung mga panahon na magyayayaan kaming tatlo sa Ilog Ecosta para maligo at magtampisaw. Maghaharutan, magkukulitan.

Mga panahon na palagi kaming pupunta sa San Agustin Hills para lang pagkuwentuhan ang mga hinahangaan namin. I miss all that.

Sana panaginip na lang 'to, sana wala na lang ganito. Sana hindi 'to tooo.

Pero totoo nga 'to. Pinapapili niya ako at kailangan kong pumili,

"ANO?! TUTUNGANGA KA NA LANG DIYAN? PUMILI KA NA!" sigaw ni carla habang tuloy-tuloy pa ring umaagos ang mga tubig sa mukha ko.

Inilagay ko ang kamay ko sa lupa at kumuha ng bato, pinirat ko ito at binuhos lahat ng galit ko dito. Ng biglang may pumasok sa isip ko.

Hindi ko kayang mamili, wala akong pipiliin. Dahil mahal ko silang dalawa at hindi ko kayang mawala sila,

"Ako, ako na lang." Sabi ko,

at umatras ng kaunti, papalapit sa

bangin.

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon