Chapter 37

315 11 0
                                    

kung paanong nagpalamon,
sa hangin; ang nagdala,
sa pusong iyak ng iyak.


Uhaw na kaluluwa.



(Japeth's POV part 4)

Lumipas ang ilang araw na hindi ako pinapalapit nila tita marina kay janine. Naka-confine pa siya dahil hindi pa rin nakaka recover ang Kalahati ng katawan niya.

Araw-araw naman akong nagdadala ng beef pares para sa kanila.

Kung paanong itaboy nila ako na parang hayop ay ang pagtrato ko naman sa kanila na parang mga hari at reyna.

Pinipilit ko na ilapit ang loob ko sa kanila pero mukhang wala na ngang pag asa.

Nakaupo ako ngayon sa labas ng ospital habang hawak-hawak ang isang basket ng prutas. Madilim ang langit at mukhang bubuhos ang malakas na ulan.

Hindi ko na rin mawari ang aking nararamdaman, dahil sa dalas kong hindi kumain, hindi na rin ako lumalabas ng bahay ay kumukulubot na ang balat ko.

Tuluyan na ring bumagsak ang F.A.C., dahil kumalas na ng tuluyan sa panig ko si rey. Nag resign siya at hinayaan na ako.

Ang akala ko ay may kakampi pa ako ngunit wala na pala. Wala na kahit isa. Hindi pa ako maaaring lumapit kay janine na kaisa-isang kinakapitan ko para mabuhay.

Wala na. Kahit isa.

Wala na.

Biglang may lumabas ng ospital at nagulat ako dahil sila tita marina ito kasama ang natutulog pa na si janine habang nakalagay sa stretcher, kasabay naman nito ang pagbagsak ng ulan.

Agad akong tumakbo para alalayan sila na payungan si janine. Pero paglapit ko ay malakas akong tinulak ni tito george,

"WAG-NA-WAG-KA-NANG-LALAPIT-SA-ANAK-KO? MALIWANAG BA?!!" Sigaw niya pa habang sinasakay na ang katawan ni janine sa kotse,

"S-saan niyo po siya daDALHIN!!?" malakas kong sigaw at agad namang isinarado ang pinto ng kotse, hindi na ako nakatayo para sana habulin sila dahil bumagsak na ang sobrang lalaking patak ng ulan.

Hinawakan ko ang buhok ko at kinuyumos ito kasabay ng mga patak ng tubig mula sa mata ko. Humikbi ako ng humikbi habang pasikip naman ng pasikip ang dibidb ko.

Hindi ko alam kung saan nila dadalhin ang boss ko. Wala akong alam. Wala na akong alam sa mga nangyayari.

The world could die, and everything may lie, still you shan't cry,

Sumigaw ako ng malakas upang mabawasan ang sakit na dinadala ko mula pa nong nakaraang linggo. Wala na akong pamilya, kahit isa.

Wala na sa akin ang lahat!

Wala na!!!

Cause time may past, but longer that it'll last, i'll be by your side,

Boss, i promised to you that i will be on your side as always, pero kita mo naman ang pagkakataon kung paano tayo paglaruan.

Mismong tadhana ang nagpapahiwalay sa ating dalawa. Mismong tadhana na ang humhadlang sa pagmamahalan natin.

Isang siklo ng buhay na kahit kailan ay hindi ko mapagtatagumpayan dahil sa umpisa pa lang ay dehado na ako. Dehadong-dehado na ako.

Na pati sa kaniya, ay talunan na ako. Na kahit ang paglapit sa kaniya ay wala na akong pagasa pa.

Isang malakas na suntok ang ginawa ko sa lupa kasabay ng pagbugso ng malakas na ulan, kumalat ang dugo sa kamao ko dahil sa lakas na ginawa kong pagsuntok.

Kung paanong tabunan ng kalungkutan ko ang sakit na dulot sa pisikal. Ano pa nga bang mas lalalang sakit sa mga nangyayari sa buhay ko? Wala na. Kahit patayin ko pa ang sarili ko ay hindi na mapapantayan ang sakit na dulot ng mga pangyayari sa kasalukuyan.

Ano pa nga ba'ng aasahan ko sa buhay na ito kun'di pagpapahirap at parusa lamang? Ano pa nga bang sakit ang ibabato sa akin ng tadhana?

Kung paanong ang luha ay tabunan ang kahapon sa mga nagdaang umaga ay siya namang pagpatak ng dugo ng pagdadalamhati sa kinagabihan.

Ayoko ng ipagpatuloy ang walang kwentang buhay na ito kung wala naman akong kaagapay. Wala akong pamilya. Wala akong kaibigan. Wala ako ng lahat.

Iminulat ko ang mata ko habang nakabulagta na sa kalsada habang inaagusan ng rumaragasang ulan na nakikisabay sa pagdadalamhati ko.

Na kung paanong hawakan ko ang sarili kong kamay upang labanan ang sarili kong buhay. Sariling buhay.

"Japeth Jan Arceo, ano ba! Wag ka ng makulit! Nandiyan na si tita mo, napakakulit mo talagang bata ka!"

Rinig na rinig ko pa ang mga boses ni papa.

Kung saan pinapagalitan niya pa ako dahil iyak ako ng iyak dahil hindi niya ako binilihan ng truck na laruan. Kung saan nahahagkan at nayayakap ko pa siya.

Kung saan ako pa ang uniko iho niya at itinuturing niyang prinsepe.

Kung saan...

Kung saan humihinga pa siya at dala-dala pa ang kaniyang buhay, habang mapayapang namamalagi dito sa mundong ibabaw.

Kung paanong hagkan ako ng aking ama, at kung paanong mawala rin ang kaisa-isa kong katuwang sa oras ng kawalan.

Wala na akong kakampi, dahil ang mismo kong lakas at poste upang maging matibay ay inilayo na sa akin. Wala na nga. Tapos na.

Tapos na rin ang ganitong buhay, patay na rin ang kaluluwa ko, dahil uhaw na uhaw na ito sa kalinga at pagmamahal, ngunit patuloy itong pinapabayaan ng tadhana hanggang matuyo ito at hindi na makahinga.

Wala ng pagasang mabuhay ang japeth na kilala niyo, sa kadahilanang pinatay na ang kalukuwa nito, ng

tadhana.

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon