She's wearing,
black widow.
Whole blackened,
eyes and eyebrows.Death Threats
Mag aalasais na ng gabi ng makarating ako sa bungad ng esperanza, hawak-hawak ko ang beef pares para kay grammy emil, nakaka excite! Darating na siya ngayon, nakakamiss si lola!
Mediyo madilim na rito sa daanan, iniisip ko pa rin talaga si japeth, sana hindi naman masira 'yung coconut plantation, sana maging maayos ang F.A.C. Hays, grabe 'tong araw na'to.
May papadaan na jeep noon ng biglang may bumato sa'kin, tinignan ko ang bato at tinignan ko kung saan 'to galing. Grabe ha? Gabing-gabi na may nagbabatuhan pa.
Nilingka ko ang tingin ko sa bato, and i was surprised! Batong may nakabalot na papel na naman, isa na namang death note siguro para sa akin, sino ba 'to?
kinuha ko ang bato then i removed the paper, inayos ko ang papel at tumapat ako sa isang street light para makita ko.
Hey Friend! Kumusta ang paglandi? Masaya ba? MASAYA KA NA BA? HA? Tangina. Nakuha mo pang lumandi, ngayon? Anong akala mo, hindi pa ako tapos sa'yong bruha ka? NO! IT'S BIG-BIG NO JANINE! Hindi kita mapapatawad! Hinding hindi! Now, i order you to look behind your back, you can see who i am. I will make sure na magugulat ka.
Binaba ko ang papel, isang kabog ng dibdib ang nadama ko, carla! Bakit ba? Ano bang nagawa ko sa'yong mali? Bakit mo 'ko ginaganito?
I'm sure na si Carla ang gustong pumatay sa'kin, even though hindi ko pa siya kilala. Baguhan palang siya dito, alam ko, pero bakit? Ano ba'ng dahilan?
Malalakas na tibok ang ginawa ng puso ko bago tumalikod, dahan-dahan, unti-unti,
Then i saw something in the dark, nakabelo na itim, pangbabae ang hubog na katawan, sabi na nga ba ikaw 'yan carla!
"A-ano bang nagawa kong masama sa'yo Carla! Bakit mo ba ako ginaganito! Sabihin mo sa'kin! Sabihin mo!" malakas kong sigaw habang unti-unti ng tumatagas ang luha sa mata ko
Kanina ko pa itinatago kay japeth lahat ng takot at pangamba dahil sa mga death threats na nakukuha ko, at ngayon nasa harapan ko na 'yung nagbibigay, i am so sure na si carla 'to, sigurado ako, ngunit hindi ko pa rin alam ang dahilan.
"Carla, kung may problema ka sa'kin pagusapan na lang nate--"
"Anong pagusapan?" biglang nagsalita 'yung babae, mediyo pamilyar nga ang boses, si carla nga siya, pinunasan ko ang luha ko, at tinitigan pa si carla sa dilim,
"Tama ka nga, ako nga si carla janine" dugtong niya pang sabi na siyang ikinagulo ng utak ko, si carla nga 'to, ngunit bakit nagdadalawang isip ako?
"At wala na tayong dapat pang pag-usapan, wala na! TAPOS NA! MALINAW NA! Masiyado kang pabida!" sigaw niya mula sa dilim na siyang nagpakilabot sa'kin, hindi ko alam, hindi ko maipalawanag, may mga diin ang pagsabi sa'kin ni carla
Dahan-dahan siyang umurong papalabas ng dilim at kitang-kita ko na ang kabuuan ng babae, nakasuot siya ng itim na itim na dress, itim na flat shoes, at itim na bello, takip na takip ang mukha niya, ng bigla siyang maglabas ng kutsilyo,
"Umurong ka, doon! Sa dilim! DALIAN MO!" Punong-puno siya ng galit, poot, at pang gagalaiti.
Sinunod ko ang gusto niyang mangyari, umatras ako ng dalawang hakbang patalikod, papunta sa dilim
"Masunurin ka talaga" mangarag-ngarag niyang sabi, ng bigla niyang nabitawan ang kutsilyo paibaba, bigla akong kinutuban,
Bumilis ang tibok ng puso ko, tuluyan na ngang bumagsak ang luha ko, ng bigla siyang magsalita muli,
BINABASA MO ANG
Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)
Romance' ! | C O M P L E T E D | ! ' Ang oras at ang panahon ang madalas na humahadlang sa mga bagay na nais mong mangyari. Ang mga panahong hindi mo na maibabalik. Mga panahong gusto mong pahintuin ang oras at mamahinga na, at mga panahong gusto mong mala...