Chapter 20

466 17 1
                                    


They were all my friends,
i declared them as true,
but someone will move,
move to be faked.

It's his first time

Last subject na namin at grabe na ang antok ko, paano ba naman, MATH? Ala-una ng hapon gan'to 'yung itinuturo ng teacher, jusko! Sa sobrang boryong, tumingin ako sa labas kung nandiyan na ba 'yung boyf-- este, si japeth.

Hindi ko pa siya boy friend! 'Yung kumag lang ang nagpumilit! (Kahit gusto ko rin) hindi ko alam, basta 'yon na 'yun!

Wala pa siya, 'mula kasing mangyare 'yung biglaang sagot moment namin, lagi na 'yang nakaabang sa may gate, dala-dala niya ang hummer niya, odiba, sosyal ang ateng mo!

Binalik ko ang atensyon ko sa nagtuturo and in my notes, tinuturo ng teacher namin ang tungkol sa Null Hypothesis, na once na gano'n daw ang sistema, is automatically, equal kayong dalawa, so NULL kami ni japeth dahil we have so many SIMILARITIES? hmm, good point

'Sinulat ko kaagad sa notebook 'yon, kailangan matandaan ko 'yon at baka kasama sa quiz.

Sumilip ako sa orasan, limang minuto na lang dismisal na! Oh god! Yeheeey! Inilipat ko ang ulo ko sa labas para tignan ulit si japeth, wala pa rin siya?

"Okay class, we have an assignment for tomorrow, i'm reminding you, and we will have a quiz also, so get ready." pahuling habilin ni Ma'am Baltazar, "Class Dismiss" dugtong niya pa,

kaya mabilisang nagsitayo ang mga kaklase ko, bitbit ang mga sari-sariling mga bag at nagsilabasan na, kaya nakigaya na ako.

Pagkalabas ay nilinga-linga ko ang ulo ko kung saan, ng may nakita akong pamilyar na ulo sa may high-way, si japeth! Teka? Bakit nando'n siya?

Mabilis akong naglakad para tignan siya at para makauwi na rin, hatid sundo niya kasi ako sa hummer niya.

I saw him wearing only a Blue T-shirt and an orange short, parang hypebeast ang araw niya ngayon ha? Maliit na hagik-hik ang nabuo ko sa nakita kong ayos niya. First time ko siyang makitang ganiyan!

"Japeth!" Pasigaw kong tawag para mapansin niya na'ko

At parang gago akong nagimagine na nag slow-motion ang paligid sa paglingon niya, sino ba namang hindi maaakit sa taglay niyang mukha? Gosh, kahit mukhang hypebeast ang outfit niya, umaangat pa rin ang kakisigan niya, oh god.

"Uy boss! Nandito ka na pala" In a split second, i noticed na hindi niya dala 'yung hummer, kung wala 'yon, we will ride jeep at kuliglig para umuwi? Hala paktay tayo diyan.

"Bakit wala 'yung hummer?" Pabulong kong tanong na may pagkakuryoso

"Hiniram ng isa kong trabahador, pati 'yung isa, hiniram rin para ata sa celebration nila, kaya hindi ko nadala." pagpapaliwanag niya, even just like that, his innocent face was soooo lovely. Shit. Why are you doing this to me? Oh, i just can't.

"So, pa'no  ka pala nakarating dito?"pagtataka kong tanong

Hindi siya sumagot bagkus ay may namuong pagtago ng ngiti ang ginawa niya. What?!

"Hoy! Paano nga?" 'pag-ulit ko pa ng tanong.

"Nilakad ko lang, hehehe" May pagkamot niyang sabi sa'kin.

"Ha? Totoo ba 'yan?" Imbis na mainis ay natawa ako sa bigla kong naisip, "Baka magka-cancer ka niyan!" may pagtawa kong sabi

"Bakit ka pa natatawa" sumimangot na siya, lalo pa akong natawa sa naisip ko

"So, paano tayo niyan, 'Boss' " 'pag-emphasize ko, "Magji-jeep tayo ngayon! Kaya mo ba?" matawa-tawa kong sabi

"Anong kaya? Marunong ako sumak--"

"Anong kaya? Utot mo!" may pagsigaw kong sabi para putulin siyang magpaliwanag

Pumunta ako sa gilid ng kalsada at idene-monstra kung paano ang 'pag-para.

"Oh ayan, kaya mo 'to? ha?" sabi ko habang nakatingin pa sa kaniya, lumapit siya sa akin at ginaya ang posisyon ng kamay at katawan ko,

"Odiba, ang dali lang kaya!" 'pagmamayabang niya ng bigla siyang natalisod dahil sa sobrang lapit niya sa dulo nito, "HAHAHAHA anong kaya? Sabi na e, halika na! 'Wag ka ng magmayabang diyan!" hinatak ko na siya palapit sa paparating na jeep.

Pagkapasok ay nauntog pa siya sa sabitan ng jeep, sa sobrang laki niya ay hindi na siya nagkasya sa loob. Grabe naman kasi 'tong dambuhala na'to. Napatawa ang lahat ng pasahero sa mga kilos niya, pati ako ay nakidamay na,

"Bakit kasi ang sikip dito?" May pagkairita niyang angal habang hinihilot hilot pa ang kaniyang ulo. Jusko ka!

"Ano ka ba, akala ko ba nakasakay ka na dito? Gan'to talaga, masikip" sabi ko ng may halong tawa, "Oh ano na, magbayad ka na!" dugtong ko sa kaniya, paniguradong hindi niya alam kung paano magbayad

Nang bigla niyang kunin ang wallet niya at naglabas ng Isang Libong Malutong-lutong pa, kaya nagulat ako, "Huy! Anong ginagawa mo? Nuwebe lang ang ibabayad natin! Wala silang panukli diyan!" Pagsaway ko sa kaniya ng pabulong.

Inabot niya na ang isang libo sa konduktor at saka nagsalita, "Kuya, lahat na po ng nakasay ngayon, binabayaran ko na, keep the change na po" sabi niya sa kundoktor na nakasabit,

Gulat na gulat ako sa ginawa niya, habang ang mga pasahero naman ay hindi na malaman ang tuwa at galak, pati ang drayber at kundoktor ay halos magsitalon na,

may mga narinig pa'kong mga pasalamat na galing sa mga pasahero, ngunit ngiti lang ang sagot niya.

Sino ba namang karaniwang tao ang gagawa ng gano'ng bagay? Para sa akin, kung hindi ko siya kilala, walang sawang pasasalamat ang gagawim ko, e pa'no 'yan, bawal. Natawa na lang ako sa iniisip ko.

"Para po" pagsigaw ko sa drayber para tumigil na sa may kanto ng malapit sa bahay.

Mabilis kaming bumaba ni japeth, ng makita ko na kinakawayan pa rin siya ng mga pasahero sa jeep. Hays, ewan ko kung hindi lang talaga siya marunong magbayad o mabait lang talaga e. Jusko ka.

"Oh, boss, ang sweet ng ginawa ko, wala bang yakap diyan?" sabi niya habang kuniyaring naka lapad na ang mga braso, senyas na nagpapayakap nga siya.

Hindi ko siya niyakap, bagkus ay ngumiti ako at nagwika, "You know what japeth? I super appreciate what you did." itinikom niya ang mga braso niya at tuluyang nakinig sa'kin, "You just prove that you're not just chasing every beat of my heart, but you have a good heart too, that deserved to be chase." suminghap ako habang siya naman ay nakatitig lang sa'kin na paramg inosenteng bata

"That's why, lalo akong sinipag na mahalin ka, kahit na binigla mo ako." sabi ko ng may pagtawa at simangot, "I promise you that i will hold onto you, very tight, as we were chasing every beat's heart, remember that boss." saad ko, atsaka iginapang na ang mga kamay ko sa mga braso niya para yakapin

"Japeth, promise me that you'll stay, no matter what" i nodded as i hugged him so tight as he answered me, "Even though promises is sometimes are meant to be broken, i will promise to you that i will chase every beat of your heart, and i promise that I-WILL-STAY. Yes, boss, i will remember that. I love you" banggit niya habang yakap-yakap pa rin namin ang isa't isa,

"Me too. I love you" as i've said that, i feels that i am floating in the air, full of love. Oh how i wish it won't stop.

Please, don't stop.

Please.

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon