Chapter 22

393 16 3
                                    

Death threats,
I am receiving that,
for several times
Read upwards.

Fire Coconut

We're now riding the hummer of japeth, as it goes long and long, takbo naman ng takbo sa isip ko 'yung death threat sa'kin. Bigla akong napaisip, hindi kaya si carla 'yon? Siya lang naman kasi ang katangi-tanging tao na p'wedeng umalipusta sa'kin.

From the first place, in canteen, grabe na 'yung pakikitungo niya sa'kin, and i feel so uncomfortable with her, that's why she's so suspicious.

"Ano na namang iniisip mo?" paunang tanong sa'kin ni japeth habang nagmamaneho.

"W-wala, nami-miss ko lang talaga talaga si grammy emil" mabilis kong sagot

Bigla niyang ibinaling ang tingin niya sa'kin, at saka ibinaba ang tingin sa mga kamay ko,

"Oo nga pala, 'yung bracelet mong 'yan, si lola emil gumawa niyan 'diba?" tiningnan ko rin kung saan siya nakatingin, nakita ko ang bracelet ko

"Ahh, oo, ito 'yung time na nakita din kita sa may tulay" bigla niya ring ini-angat ang ulo niya patungo sa mukha ko, and his eyes are now full of questions and anything,

"Hmm, ahh oo nga" at ibinalik na ulit ang mga tingin niya sa kalsada ng bigla akong may naisip na itanong, "Bakit ka nga pala nandodoon ng mga time na 'yon? Gabing gabi na no'n ah" mabilis kong sabi

"Uhmm, isang araw ako no'n nawala sa kumpaniya, ibinuhos ko lahat ng sama ng loob sa sementeryo kung nasaan si papa" suminghap siya atsaka nagpatuloy muli, "Ilang oras ako sa sementeryo hawak-hawak pa ang mga picture namin nila mama, that time, gusto ko ng isuko ang F.A.C. at sundan na lang siya sa langit, but then i realize, para ko na rin siyang binigo, parang napakairesponsable ko namang tagapagmana kung gano'n, kaya ayun, gabing-gabi na ako nakauwi"

Bigla niyang inilipat ang tingin sa'kin at ngumiti, "At doon, doon ko narinig ang isang maliit na babaeng umiiyak, sumisigaw at sobrang lungkot, i feel your pain boss, kaya agad-agad kitang in-approach at binigyan ng panyo" he said as his smiling face are now turning into serious

"Gusto mo pa nga no'ng magpakamatay, dahil ang sabi mo, wala ng saysay ang buhay mo kung wala na ang lola mo, pero iniligtas kita, dahil kung totoo 'man na nawala na si lola emil, magagalit siya sa'kin, at hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko, napakadamot ko naman kung ako nga, nagawa kong iligtas sarili ko, bakit hindi ibang tao? 'diba?"

At that time, biglang tumugtog ang isang kanta mula sa FM Radio niya,

I'll never go how far away from you,
even the skies will tell you,
that i need you so,
and this is all i know,
i'll never go, far away from you

As the music plays into the waves of air through our minds, i imagine how good japeth was that time, as he continues talking,

"Katulad nga ng sa kanta, i will never go, far away from you janine, 'coz i need you in my life, magkadugtong na ang mga puso natin and even the skies will tell you that i will chase every beat of your heart" then after that, he holds my hands as my tears are begging to get out of my eyes,

"Salamat b-boss" Mangarag-ngarag kong sagot sa kaniya, "Maraming salamat" dugtong ko pa

"Tara na?" mga limang minuto na rin ang ginawa naming biyahe,  hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay niya sa may Mango River Flow.

Bubuksan ko pa sana ang pinto ng bigla siyang bumaba at nagmadaling umikot para pagbuksan ako ng pinto, he opened the door and he offer his hands to mine, so i put my hands to his, after that, naglakad na kami papasok ng bahay niya.

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon