Chapter 27

330 13 0
                                    

Memories,
oh, memories,
how dumb are you,
to ruin my life.

Stories

Nakaupo kaming tatlo ngayon sa kama ko, mga hindi makapagsalita, no words to spill, yet we want to. Hindi ko alam pero, nakakamiss na talaga lahat. Lahat-lahat.

Dahil hindi sila nagsasalita, ako na ang nag-umpisa.

"Uhm, shane?" paumpisa kong sabi, suminghap ako habang siya naman ay iniiwas ang tingin sa'kin, hindi siya sumagot, bagkus ay pinunasan niya ang luha niya mula sa mga mata niya na biglaang tumulo

"Guys, ano? Kayo talaga!" mahinang hampas ang ginawa ko, pagpapakita na gusto kong makipagbiruan, ngunit hindi sila pumalag, lalo pa silang lumungkot, ang mga mukha nila'y may nakaukit na sobrang lungkot na mukha.

Hinawakan ni shane ang mga kamay ko habang nanginginig pa 'to. Umiiyak siya habang hawak-hawak ito.

"J-janine--" hindi niya mabuo ang sinasabi niya dahil sa paghikbi at pag iyak. Wari ko'y hinang-hina siya, ang mga kalamnan niya ay parang nagbabanggaan.

"Uy, shane, ano ba? Akala ko ba malakas ka? Bakit pinanghihinaan ka ng loob ngayon? Huy, mis--" putol ko ring sabi dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit habang humahagulgol,

"S-sorry, j-janine, hindi namin alam 'yung mga nangyari, nabulag lang kami" sabi niya habang umiiyak at nakayakap pa rin sa'kin

I don't know what to react. Wari'y pinagsakluban ako ng langit at lupa. Hindi ko alam, pero natamaan ako, i feel her pain! Her regretion! I feel my bestfriends.

Bigla na lang rin tumahimik si maccy sa gilid habang umiiyak na rin siya,

"Janine, hindi namin alam kung pa'no mo pa kami mapapatawad" sabi niya habang nakayuko

Kami? Ang alam ko'y si shane lang ang sumunod sa utos? Bakit?

"M-maccy? May kasalanan ka rin?" malalim kong tanong habang umayos ng upo at pinunasan ang patuloy na luha

"Noong naiwan kami sa may ecosta, tinutukan kami ni carla ng baril, habang sinasabi na kapag hindi namin sinunod ang utos niya, hindi lang kami ang papatayin niya, kun'di idadamay niya ang buong pamilya namin, kaya natakot kami" pagpapaliwanag ni shane habang umiiyak pa rin

Nagulantang ako, ang akala ko si shane lang ang nang-traydor sa'kin, maging si maccy pala, at hindi ko alam 'yon.

"S-sorry din janine, dahil sana, kami dapat ang nawalan ng memorya at nahulog sa bangin, dapat pinatay na lang kami dahil 'yun ang karapat-dapat." Suminghap si maccy atsaka nagpatuloy,

"Hindi namin alam ang gagawin namin ng mga panahon na 'yon, dahil kontrolado kami ni carla" dugtong niya pa, kaya lalo akong nanggalaiti, hindi sa kanila, kun'di doon sa bruhang carla na 'yon, tangina niya.

"Kailan pa nagsimula? Bukod sa ilog ecosta?" nakatindig kong sabi habang pinipigilang umiyak, ang gusto ko'y matapang ako sa paningin nila, para ang isipin nila ay kaya kong lumaban at ipaglaban ang tama nila, ang tama namin

"Doon sa may canteen, janine" sabi nilang sabay dalawa, nagkatinginan sila at nauna ng magpaliwanag si shane, "Sinabihan kami ni carla na kuniyaring inuutusan ka ni ma'am baltazar na bumili sa canteen" habang simasabi niya ang bawat letra ng paliwanag niya ay namumuo ang luha at poot sa dibdib ko.

I can't take this anymore, hindi na kay carla ang kasalanan, bagkus ay naging desisyon na rin nila ito, dahil kung ayaw nila na may mangyari sa kaibigan nila, ipapaalam nila, pero nagpakontrol sila, at hindi ko alam 'yon.

Tinutuloy pa ni shane ang paliwanag niya pero hindi na'to nagsi-sink sa utak ko, inuulit kong i-proseso ito pero wala na talaga.

Hindi nila ko pinagkatiwalaan, bagkus ay pinagkalulo nila ang sarili nilang kaibigan.

Hinayaan ako na alipustahin ni carla, saktan, at sirain. Ang totoong kaibigan daw ay walang iwanan, ngunit sapat ba na nandito sila sa tabi ko para mapatunayang kaibigan ko sila?

Hindi. Hindi sapat. Dahil umpisa pa lang ay hindi na nila ko tinabihan, kinampihan, pero lalo lang nila kong sinira. Dahil ang totoong kaibigan, kayang magsakripisyo, kayang dumamay sa oras ng kawalan at kalungkutan.

Alam ko, binulag sila at nabulag sila, kaya nga gusto kong imulat ang mga mata nila, pero mukhang kahit imulat ko pa, mananatili akong walang makikitang dahilan para magawa nila 'yon. Walang sapat na dahilan.

Dahil kung ako na kaibigan nila ay kayang isakripisyo ang sariling kaluluwa at sariling alaala, sila, hindi nila nagawa. Wala silang ginawa. Hinayaan lang nila ang bitag na bitagin ako, tumulong pa sila na bitagin ang buhay ko, at ako naman na nagtitiwala ay walang nakikita.

Dahil ang alam ko, kaya nila akong ipaglaban, hanggang dulo, pero hindi. Hindi nila nagawa.

"S-sorry jani--" pinigilan kong magsalita si maccy o kung sino man sa kanilang dalawa, buong-buo ang luha ko nang pumatak ito mula sa kawalan

"Ano pang dapat niyong sabihin? 'Yung pinakamahalaga na, para matapos na tayo" mabilis kong sabi na ikinagulat nila.

Mabilis silang nagtinginan kaya tumayo ako, "Ano?" Pag ulit ko ng tanong

"J-janine", mahinang sabi ni shane habang namumuo na naman ang luha mula sa mata niya

Tinignan ko siya ng maigi, wari ko'y may mas malala pang bagay ang magagawa nila, ano?!

"Janine, si japeth ang napagbintangan na may kasalanan." Mabilis na sabi ni shane habang buong-buo na ang luha na pumatak sa kama.

Napaluhod ako sa sahig, at ninamnam lang ang narinig ko, inipon ko ang luha ko sa mata para sana'y pigilan 'to pero hindi ko magawa, nanghihina lang ako.

Hinang-hina.

Hinawakan ni maccy ang kamay ko pero mabilis akong bumalikwas para tanggalin ang kamay niya, "Ano pa?" isa ko pang tanong mula sa kawalan

Lalong nangiyak ang mga mata nila maccy at shane, wari ko'y wala silang masabi at hindi nila alam kung paano ipapaliwanag ang sagot sa tanong ko.

Nag-ipon ako ng malakas na hangin at kinuyom ang kamao, "ANO PAAA?" malakas kong sigaw habang tuloy-tuloy na umiiyak.

Hindi ko na malaman ang emosyon ko, naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano pa ite-take ang lahat. Hindi ko alam.

"Nakulong siya, at nasira ang Kumpaniya niya" humahagulgol na sabi ni shane habang gusto akong hawakan pero bumabalikwas ako

Lalo akong nanghina sa narinig ko. Parang isang tunog na paulit-ulit kong naririnig sa utak ko. Paulit-ulit, ayaw tumigil. Hindi ko na kinaya, lumumpasay ako sa sahig at pinagbabaklas ang lahat ng mga notes sa dingding.

Nagwala ako.

Inilabas ko ang galit ko. Kay shane, maccy, carla. Sa lahat.

At lalong lalo na sa sarili ko.

Ako ang may kasalanan.

Ako lang.

Ako nga lang.

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon