Chapter 3

1.2K 48 10
                                    

Unexpected time,
you came,
to ruined my dress,
still complete my day.

Halik

"Saan ba kasi kayo pupunta?" Tanong ni japeth sa'kin habang nasa kotse niya ako at bibili kami ng bago kong dress na maisusuot.

10 minutes na lang at mag-uumpisa na ang party, wala pa ako doon, ako pa naman 'yung host no'n. Lagot na naman ako kay carla.

"Debut nga ng kaibigan ko, teka? Nasaan ba sila mama? Nakita mo ba?" Nagtataka kong
tanong na may halong iritasyon dahil sa nangyari

"Nauna na sila, sumakay sila ng taxi, natagalan daw sa'yo"

"E ikaw? Bakit ka nga pala nasa bahay? Ha?" sabi ko habang nakabusangot ang mukha

"Wala lang, gusto ko lang dumaan, ka-kamustahin ka sana, kaso may lakad pala kayo" May pagkamalungkot niyang sambit habang nakatingin sa kalsada at seryoso ng nagmaneho.

"Eto napala ko sa pagpunta mo! imbis na hindi ako malelate sa party, wala tuloy, kainis!" iritasyon kong pagsabi na parang hindi ko hiniling na pumunta siya at ihatid ako papunta. Jusko, Janine. Descalsota.

"Sorry n--"

"Psssht, 'wag ka na lang magsalita" Pagpigil ko sa kaniya, baka kung saan pa kasi mapunta ang usapan na'to, lalo akong ma-late.

What the hell!! Bakit ba kasi nandito na naman 'tong lalaking 'to! Feeling ko lagi akong mapapahamak kapag nandiyan siya! Kainis! F*ck! nangako ako kay carla na hindi ako male-late sa event, this day is so gross! Naiinis na ko!

"Nandito na tayo janine, bumaba ka na, bumili ka na ng susuotin mo" pabulong niyang sabi na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit gan'to yung araw ko ngayon!

Bumaba ako ng kotse at bumili agad ng dress na katulad ng binili ko at nagbihis agad.

Pagbalik ko sa parking lot, nakasandal yung kumag na 'yon sa may pintuan ng kotse at hinihintay ako.

Hindi ko alam! Dapat mainis ako sa kaniya kasi nadumihan 'yung dress ko dahil sa kaniya, e tang*na naman, bakit kasi mukha kang anghel japeth! Nawawala 'yung inis ko!

Hindi ko na siya pinansin, dumiretso ako sa loob ng kotse at sumakay na. Kinatok ko ng malakas 'yung bintana para malaman niyang nando'n na'ko.

"Oh! Nakapagpa--"

"Mag drive ka na lang. Late na'ko. Bilis!" Kun'yareng irita kong pagsabi

Nagmaneho na siya papuntang venue. Wala kaming imikang dalawa buong biyahe, pero sa gilid ng mga mata ko, pabalik balik ang mga tingin at pagtitig niya pero hindi ko na lang pinapansin.

Tumigil ang kotse sa harapan ng bahay nila carla, at 20 minutes na akong late! Fck! Nakakainis!

Tumakbo agad ako at pagpasok ko, iba na yung nagho-host, nakita ako nila mama at kinakawayan nila ko mula sa isang pabilog na table. Lumapit ako sa kanila na parang gahol na aso sa sobrang bilis tumakbo.

"Oh, nak! nag umpisa na yung program, hinihintay ka na ni carla doon oh! dalian mo!" Sabi ni mama

Fck, nakakahiya talaga, gusto ko ng magpalamon sa lupa sa mga nangyayari.

"Carla! Hala sis sorry talaga, may nangyari lang talagang emergency kaya na-late ako, sorry talaga sis" Mabilis kong sabi na parang batang umiiyak sa paghingi ng tawad.

"Okay lang sis! yung boyfriend ko na lang yung nag-host, mas gusto niya daw, buti nga daw na-late ka e, balak niya daw iregalo sa'kin 'yung pagho-host niya sa event." Sabi ni carla na nakatitig sa jowa niya at naka-ngiti
Ang ganda talaga ni carla, nakaballoon na pink gown si carla at may mga kumikinang na kristal sa laylayan nito. Simpleng make-up at nakapusod ng bilog na bilog ang buhok. Para siyang prinsesa, kaya siya niligawan nitong si vince e.

Si vince naman, crush ko siya dati, hindi ako umamin kasi feeling ko hindi niya ako magugustuhan, pero may mga actions siya dati na ipinaparating sa akin na may gusto din siya. Pero hindi ko na lang pinansin no'ng time na umamin si carla sa akin na gusto niya daw si vince. Pinabigyan ko silang dalawa. Bessy ko 'yon e! HAHA. kahit minsan masakit pinaubaya ko 'yung first crush ko sa bestfriend ko, ayaw kong mawarak yung pagkakaibigan namin dahil lang do'n.

"Sige carla, ako na lang magtutuloy kapag hindi na kaya ng boyfie mo ah?" Para akong inihagis sa ika-labing isang palapag ng dagat sa hiya. Bakit ko pa ba sinabi 'yon! Janiiine!

"Sige sis! Entertain ko lang 'yung relatives ni vince ah? Bye sis!" Sabi ni carla at umiwas na sa akin upang puntahan yung kamag anak ng jowa niya

Nakakapang-lumo. Feeling ko wala akong kwentang kaibigan. Fck! kung hindi dahil doon sa japeth na 'yon hindi sana ako malelate! namumuro na talaga siya sa'kin! Kainis!

Natapos ang party na nakatitig lang ako sa lupa. Lantang gulay. Walang gana. Tinatanong ako nila mama kung may sakit ako, sabi ko wala. Wala naman talaga, wala lang ako sa mood..

No'ng mag-uuwian na, pumunta muna ako sa cr, nagpalit ako ng jeans at t-shirt. Wala namang kwenta yung dress!

Lumabas nako sa cr at pumunta kay carla at nagpaalam. Humingi na rin ako ng tawad sa nagawa ko, pero halatadong irita talaga siya sa'kin.

Pagkalabas ng party, hinanap ko sila mama. Nawawala na naman! Ano baaaa!

"Maaa!? Paaa? Kuya paolooo!??" Nawalan na ata ako ng litid kakasigaw pero walang sumasagot. Ta*gina. Ano ba 'tong araw na'to! puro malas! Simula kaninang umaga hanggang ngayon!

"Nakakainis ka life! Ginagago mo ba ako ha? Magsuntukan na lang tayo! Ano! hinahamon mo ba ako" Sigaw ko sa hangin na akala mo naman talaga may kausap.

"Walang sasagot sa'yo d'yan, hangin lang 'yan" Isang pamilyar na yapak at boses ang gumunaw lalo sa mundo ko. Nandito na naman yung kumag na'to? Life! tama naaa!

Hindi ako lumingon, baka sakaling guni guni ko lang kaya sumigaw ulit ako, "Lifee! tama na! Kanina puro kamalasan ngayon naman nadadamage na utak ko? WTF!"

"Ano ka ba totoo ako!" Kinalabit niya ako upang patunay na nandiyan nga siya. Tangina totoo nga siya. Nandito na naman.

Hindi na naman ako lumingon, lalo akong lumayo, sisigaw na sana muli ako, ngunit may kumapit sa aking mga kamay at hinatak ako.

Naka harap na'ko sa kaniya, pumikit ako. Ayaw ko siyang makita. Boses niya pa lang naiirita nako e, pano pa kaya yung mukha? Buwisit talaga!

Janine! Arrange yourself!

Nagmulat ako ng mata at tinignan kung sino yung humatak sakin.

Sa sobrang gulat ko, napabitaw ako sa hawak niya. Hindi si japeth yung nakakapit! Si Vince yung humatak sa'kin!

"V-vince?" Utal kong sabi

Nakita ko si japeth sa likuran ni vince, nagtataka ang mukha niya. Binalik ko ang tingin ko kay vince at nakatitig siya sakin ng maigi. Hindi ko alam ang nangyayari. Nasaan si carla? Wala ba siya dito? Bakit hindi niya kasama si vince? bakit nandito si vince?

Inalis ko ang tingin ko kay vince ngunit hinawakan niya ang mukha ko. Tinaas niya ito at pilit na pinatitig ako sa mukha niya. Aatras sana ako pero ang kanang kamay ni vince ay hinawakan ako sa beywang at lalo akong inilapit sa kaniya.

Nakakakaba. Nanginginig ang kalamnan ko. Para akong hinagis sa dagat na may labing isang palapag. Unti unting nilapit ni vince ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makapalag sa lakas ng pwersa niya. Dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.

wala pang isang segundo ay may humatak kay vince sa likudan, si japeth! Inilayo niya ito sa akin at tinadtad ng malalakas na suntok. Hindi ko na ma-absorb ang mga pangyayari. umiikot ang paningin ko, nagbalik lahat ng nangyari mula kaninang umaga, naputikan ang dress ko, nakita ko si japeth, na-late ako sa party, nagtampo sa akin si carla, nawala sila mama, hinalikan ako ni vince at ngayon binubogbog na siya.

Sa sobrang pag iisip, bumagsak ang katawan ko sa lupa at nawalan ng malay. Wala na akong matandaan, basta gusto ko na lang mamatay. NGAYON NA! LIFE KUNIN MO NA AKO!

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon