Chapter 36

326 11 0
                                    

Kung paanong hindi ka nakita'y,
Binulag nang alaala't,
nagpakain sa kahapon.

Tanda pa ba?

(Japeth's POV part 3)

Hawak-hawak ko ang titulo ng coconut plantation, kitang-kita ko ang pirma rito ni rey, ang pinaka pinagkakatiwalaan kong katuwang sa kumpaniya ay napain lamang ng mga nakakabulag na salita ni vince.

Pinangakuan daw siya ng mga montenegro ng mas higit na suweldo at ituturing daw siya ng tama, ngunit hindi ako naniwala rito, hindi mabubulag si rey ng ganoong mga salita, hindi siya aabot ng isang taon sa akin ng ganiyan, maaring may iba pang dahilan.

Inilapag ko ang kontrata at tinignan si rey na ngayon ay nakatungo at natatakot sa maaari kong gawin.

"Rey, kilala kita, hinding-hindi ka mabubulag sa mga ganoong salita!, alam kong may iba pang dahilan, sabihin mo na sa'kin, dali na" pagmamakaawa ko kay rey upang lumuwang man lang ng kaunti ang dibdib ko, hindi ko makakayang maging siya ay maging ganto ang kondisyon.

"S-sir, patawarin niyo ho ako at binigo ko kayo, maaari niyo na po akong tangga--"

"REY!! ANO BA! SABIHIN MO LANG ANG DAHILAN PARA MAKAMPANTE NA AKO!" bigla akong napatayo sa galit at pagkalumo,

"S-sir, p-papatayin daw po nila ako at ang pamilya ko kapag hindi ko pinirmahan ang k-kontrata." may pagkautal niyang sabi habang payuko ng payuko ang ulo dahil sa hiya,

Kinalampag ko ang lamesa dahil sa narinig ko, sabi na nga ba't hindi siya mabubulag ng mabababaw lang na salita, pinagbantaan lang siya at wala siyang kasalanan dito, natakot lang ang katuwang ko kaya hindi dapat ako magalit sa kaniya, bagkus kay vince dapat, at sa buong angkan ng montenegro.

Hindi ko papalagpasin ang ginawa nila sa ahente ko, magbabayad sila.

"Rey, wala ka naman palang kasalanan, wag ka ng matakot, walang tatanggalin at walang magagalit,  biktima ka lang dito kaya wag kang matakot" sabi ko ng mahinahon at dinampot muli ang nalaglag na kontrata at titolo,

"Ngayon, balik tayo sa trabaho, nabanggit mo kanina sa ospital na malaking oportunidad ito para sa montenegro farm? Bakit?" pag iiba ko ng usapan,

"Uhm, sir, lumakas po ang sales nila matapos bumagsak ang coconut plantation, kaya umaariba po ang montenegro farm dahil kulang na ang kita ng F.A.C." pagpapaliwanag naman ni rey na siyang lalo kong ikinabahala.

What the fuck is happening to my life right now? How am i going to manage this life if it's already fucked up?

Ano na ang uunahin ko sa mga problemang ito? Maaayos ko pa ba ito o tuluyan na akong lalamunin ng lupa dahil sa kahihiyan ko kay papa? Paano? Paano pa!?

"Okay, rey, magtatanggal tayo ng tauhan sa pineapple whole soil at mango river flow, pagtutuunan natin ngayon ng pansin ang esperanza central market at once na kumita na 'to, balikan natin ang dalawa. Yon muna ang plano ko sa ngayon and for the second time, i will put my TRUST on you, rey, alam kong hindi mo na ulit ako  bibiguin ngayon" suminghap ako atsaka tumayo,

"May aasikasuhin lang ako, just be alert if i will call, answer it immediately, alright?" nakatitig kong sabi sa kaniya,

"Y-yes Sir. Japeth, pangako po, di ko kayo bibiguin" nakatindig niya namang pagtugon kaya nginitian ko siya ng maikli at mabilis na lumabas para pumunta sa ospital.

Maaaring pinapaalis ako ng mga magulang ni janine sa ngayon, pero hindi ako aalis sa tabi niya. Ipaglalaban ko kung ano ang karapatan ko bilang legal niyang nobyo.

Ipaglalaban ko ang pangako ko sa kaniya na hanggang sa dulo ng katapusan, i will chase every beat of her heart. Pinunasan ko ang luha ko habang bumabiyahe na papuntang Ospital Los Esperanza.

Bibili ako ng Beef Pares para ibigay sa kaniya, at sa pamilya niya, baka gutom na yon kakahintay at kakaiyak.

Bumaba ako saglit ng hummer at pumunta sa dati naming kinainan ni janine ng beef pares. I can still remember that time when she's been attacked in her bad stomach. Tawang-tawa ako noon dahil sabi niya, sanay daw siyang kumain nito pero siya ang unang sumakit ang tiyan.

I miss her so much. What the hell.

Sana gumaling ka na janine, at ituloy na natin ang naudlot nating pagmamahalan.

Pinaandar ko ng muli ang hummer at inilapag na ang limang balot ng special beef pares. Alam kong kulang na kulang pa ito para mapatawad nila ako pero gusto ko lang na makabawi kahit sa sobrang simpleng paraan.

Pagkapunta sa ospital ay agad-agad akong umakyat. Kitang-kita ko pa ang mga maga nilang mata kaya lumapit ako ng dahan-dahan.

I think this is not the right time to talk with them. Baka lalo lang silang magalit sa akin. Kaya inilapag ko na lang ang mga beef pares sa isang upuan katabi nila at hindi na lang nagsalita.

Tinignan lang nila ang inilapag ko at hindi ito inintindi. Sabi na nga ba't hindi talaga nila ako mapapatawad sa ganiyang bagay lamang.

Hinawakan ko ang isa kong kamay at yumuko habang pinipigilang tumulo ang luha. Kung narito si janine, Hindi niya magugustuhang umiiyak ako, kaya hinding-hindi ako iiyak. Dahil ako ang lakas niya. Ako ang lakas ni janine sa mga ganitong bagay. Ako lang ang tanging lakas niya kaya dapat na maging matatag ako.

Ilang linggo pa ang lumipas na ganoon lang ang araw-araw kong ginagawa, pumupunta lamang ako sa ospital para dalhan sila ng makakaing beef pares at maging tanghalian at hapunan.

Dinadalhan ko sila ng kumot, damit, unan, at ng iba pang kakailanganin nila sa pagbabantay kay janine.

Habang ako naman ay walang ni isang salitang lumalabas sa bibig bilang pagrespeto. Mabuti pa nga't pinapayagan na nila akong mag araw araw na pumunta dito, nagpapasalamat na ako roon.

Nakatunganga pa kami nila tita marina at naghihintay lang na magising si janine. Ilang linggo na kaming puyat at walang tulog dahil sa walang humpay na kakaiyak.

Hindi na namin alam kung kailan magigising si janine, wari ko nga'y hindi na siya magigising.

Ngunit kapit na kapit kaming lahat sa pag-asang lalaban siya. Lalaban si janine, lalaban ang boss ko!

Isang pagbukas ng pinto ang bumasag sa katahimikan. May lumabas na doctor mula sa kwarto ni janine. Kaya agad-agad kaming nagsitayo nila tito, tita at kuya paolo.

Tumutok kami sa doctor habang naghihintay ng sasabihin nito.

"Uhm, Mr. and Ms Descalsota, this is our result based on our observations, maya-maya lamang ay magigising na ang inyong anak dahil napag alaman naming tumaas na ang circulation ng blood nito matapos ang surgery, tanggal na rin ang mga naumumuo niyang dugo sa ulo so, we can assure you that your daughter are already safe, thank you po" madetalyeng pagpapaliwanag ng doktor na siya namang nagpaliwanag sa buhay namin, buhay ko.

Makakasama na namin ulit si janine? Totoo ba ito? ngunit....

Ngayon ko na lang ulit narinig na kausapin ako ni tito george at tita marina,

"Japeth, can you do us a favor?." mahinanong sabi ni tito George habang nakayuko lang si kuya paolo,

"A-ano po y-yon?" may pagkautal ko namang sabi dahil sa kinakabahan ako ng todo,

"Yes, you can now get near to janine" sabi niya na siyang nag ukit ng ngiti sa labi ko, sabi na nga ba't gagaan din ang loob nila sa ak~~

"But, this is the consequence, Can you act like you don't know our daughter? As in, you don't know her. At all." dugtong niya naman na siyang nagpamuo ng luha sa mata ko at nagpawala ng ngiti sa aking mukha.

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon