Chapter 42

341 9 2
                                    

When your dreams all fail,
you have to get up,
let it shine again.

So wrong

What are you goin' to do if someone's life is ruined because of you?

Well... me, i just stayed inside a room while listening to them.

Kailangan ko talagang pumasok sa loob ng k'warto dahil bukod sa personal na problema ang pag uusapan nila, natatakot ako sa tita kathrina ni japeth, para siyang leon kung makatingin at makapagsalita ay parang mangangain.

Nakaupo lang ako sa kama habang tulalang nakatitig sa sahig ng makarinig ako ng isang malakas na sampal sa labas ng kwarto.

Mabilis akong pumunta sa pinto at idinikit ko ang tainga ko dito upang malaman kung ano na bang nangyayari,

"Are you serious japeth? Nang dahil sa basurang babae na 'yon sisirain mo na talaga ang pinaghirapan ni kuya? Come on Japeth! You're an adult now at ikaw lang naman ang humahawak sa F.A.C.! Remember?!" matitining na sabi ni tita kathrina kay japeth,

"Tita~ i know my father's situation but---"

"But what?! Dahil sa wala mong kwentang jowa-jowaan? Aba'y mag isip-isip ka naman japeth! Kita mo! Wala na sa'yo ang lahat! I'll repeat it, YOU HAVE NOTHING!! paano mo bubuhayin ang basura na 'yan kung walang-wala ka na rin? Ha? Can you explain that? Ni wala ka ngang maayos na damit na maisuot ngayon at ngayon sinasabi mo sa akin na kaya mong buhayin ang basura na y---"


"FUCK! TITA! STOP SAYING THAT! SHE'S NOT A TRAS--" putol na sabi ni japeth

"YES SHE WAS! SHE IS A FUCKING TRASH! AND I WOULD LIKE TO TELL YOU THAT EVEN SHE'S A TRASH, YOU CAN'T FEED HER BECAUSE YOU DON'T HAVE ANYTHING! AND THAT IS THE FUCKING TRUTH!" malalakas na sigaw pa ni tita katrina,

Napalunok ako ng laway sa mga narinig ko, may nabubuong tubig sa mata ko pero 'di 'to tumutulo. Nagpatuloy pa ako sa pakikinig because i want to know Everything. E-V-E-R-Y-T-H-I-N-G.

"Tita, i know what i'm doing, please, i can handl--"

"No you're not!!" pagputol ni tita sa gustong sabihin ni japeth,

"Definitely you can't! F.A.C. is already a bullshit! You don't have your own house! Own clothes! You even sell your two hummers just for you to eat! Walang-wala ka na japeth kaya wag mong ipagpilitan sa akin na kaya mo ang sarili mo!" malalakas na sabi ni tita katrina na siyang nagpabalik sa nangyari noong pagkagising ko kanina,


Tinignan ko ang lamp stand ni japeth, at malapit dito, may nakapatong na mumurahing cellphone, at pakiwari ko kay nokia pa ito.

Nilinga ko pa ang mata ko sa paligid at tinignan ang cabinet niya na lalagyan ng mga damit ni japeth.

Iilan na lang ang mga maayos niyang damit at pansin na pansin kong puro t-shirt ang laman nito. Dalawa lang ang pantalon at kitang-kita ko naman ang mga maalikabok niyang mga sapatos.

I can't recognize what is going on. Really? Ganito ba kasimple ang buhay ni japeth ngayon? Ano bang nangyari?

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon