Chapter 14

587 15 0
                                    


I didn't know you, at all,
but for once, i want to embrace your wide bricks
and brown hair with a curl on top,
though i wasn't a good sport to take you back


New Friend

I was in the library with shane and maccy while taking a snap. Ginagawa namin 'tong k'warto t'wing may exam. Quarterly exam na, at kailangan ko talagang bumawi, kaya tinutulungan nila akong dalawa by giving their notes to me. Isang linggo rin kasi akong umabsent sa school because of what happened.

Dalawang linggo na rin ang lumipas, mula no'ng mangyari ang mga kahindik-hindik na mga kaganapan.

Nahuli na si vince, but for now, because of his minority, he's stable in DSWD. dahil 17 pa lang siya, p'wede pa daw siyang mapalaya if he can change his attitude in rehabilitating process. Maaagapan naman siguro ang ginawa niya sa'kin, mababago niya naman siguro.

Mula no'ng nakauwi kami ni japeth galing San Agustin Hills, nagbalik sa normal ang buhay ko, naipaliwanag na nila mama't papa ang side nila.

Nagkaroon daw ng problema sa factory na pinagtatrabahuhan ni papa kaya nagipit din talaga sila, walang pantawag o kahit anong komunikasiyon. Kritikal din daw ang pag aaral ni kuya paolo no'ng mga panahong 'yon dahil nga graduating na, kailangan pagtuunan ng pansin.

Nagbalik sa normal ang lahat, pumapasok na naman ako, at t'wing umaga, si mama na ang tagaluto ko, dahil si lola naman ang dinala sa maynila upang makaranas ng bagong lugar at hangin. Masiyado kasing natakot sa mga nangyari this past few weeks kaya nagkagano'n, pero ang alam ko, uuwi na din siya next week at ihahatid ni papa, habang si kuya naman, nagaaral at magfo-focus sa school.

"Tara! Sa ilog ecosta tayo ulet!" Sigaw na sabi ni shane sa'kin.

"Bawal na siya do'n baliw." sagot ni maccy.

Yes, magmula no'ng nangyari 'yung sa ilog ecosta, banned na'ko do'n . Pero gusto ko, gusto ko pa ring bumalik. Kasi tambayan namin 'yon e. Ilang linggo na rin naman ang lumipas, ayos naman na siguro pumunta.

"Tara na! Nami-miss ko na rin 'yung ecosta, let us be free! Tambayan natin 'yon, bakit natin iiwasan?" Sabi ko habang masayang tumayo at pilit hinahatak ang dalawa,

"Baka pagalitan ka janine?" malambing na boses ni maccy

Oo naman, papagalitan naman talaga ako, alam na alam ko 'yon, pero walang makakapigil sa'kin na mag-refresh!

"Sasama kayo o hindi? Kasi kung hindi ako na lang mag-isa." Pagkokonsensiya ko sa dalawa.

Agaran silang tumayo at nagligpit na ng mga gamit nila, akala niyo ha. No choice kayo, dahil 'pag hindi kayo sumama, kayo ang malalagot.

"Sige na nga, doon na lang natin ituloy 'yung pagre-review." Sambit ni maccy habang ipinapasok na ang mga libro niya sa bag.

Makakapag isip na rin ako ng tama, sa wakas.

How about japeth and me? Ayos pa rin naman, hinatid niya na'ko ng bahay pagkatapos namin sa San Agustin. Then nagpaalam na siya kila mama.

Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita, siguro'y nakafocus na siya sa pagpapatakbo ng F.A.C., at hindi rin talaga pinagtatagpo yung landas namin dahil sobrang busy. Ayos na 'yon, atleast magkaibigan na kami.

Isang subject na lang at makakaraos na kami sa exam, kaya pa chill chill na lang kami ng mga kaibigan ko, madali naman na 'yung last subject, kaya sa Ecosta na namin itutuloy 'yung pagrereview.

Alas tres ng hapon ng makauwi ako ng bahay para makakapagpalit, at mailapag ang gamit ko. Wala si mama, nasa kapitbahay nakikipag kuwentuhan, balita ko kasi may bagong lipat kaming kapitbahay, kinausap siguro nila.

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon