Chapter 17

502 14 0
                                    

We're dancing under the moon,
and the stars are the audience,
while we're making our dance moves.

Friday Night

"Nakakahiya talaga." nakakapanlumo kong banggit kila shane at maccy. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay japeth kasi sumakit 'yung tiyan ko at kailangan maglabas ng sama ng loob sa kalikasan. Jusko po.

"Ayos lang 'yan, ba't ka naman mahihiya e 'yon 'yung totoo. Alangan namang pigilan mo 'yun." Tugon niya at saka inilagay muli ang tingin sa daan, papunta kami ngayon ng canteen para bumili ng snacks ni Ma'am Baltazar.

Tapos na namin ang exam at nakatama naman ako sa halos lahat, ang sarap kaya magsagot kapag nakapag review ka, dire-diretso ka lang sa pagbilog.

Pagkauwi ko galing sa pagkain namin ni japeth ng beef pares ay kumalam ang sikmura ko kung kaya't naiwan ko siya sa labas ng walang paalam. Pagkalabas ko naman ng C.R., ang sabi ni mama ay umuwi na si japeth, so wala na akong choice kun'di magsorry sa susunod naming kita. Haynako.

"Isa nga pong Burger with cheese atsaka isang mineral wate--" Putol kong sabi ng may bumangga sa balikat ko na babae,

"Oh, my bad, nakaharang ka kasi." banggit ni carla na nakatambad sa akin ang pagmumukha ngayon habang suot-suot ang Uniform ng Esperanza de Agusan. Tsk.

"My bad too, nauna kasi ako sa pila, kaya, please? Excuse me." sabi ko at dahan-dahang hinawi ang kaniyang payatin na katawan sa daanan. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya sa ginawa ko. Akala mo gano'n gano'n lang ako? No! Janine kaya 'to.

"Wow. Just. Wow!" Bigla niyang sabi ng bigla niyang hinablot ang k'welyo ko at inilapit sa bibig niya at saka bumulong, "Pumapalag ka na?" dugtong niya.

"Janine!" sigaw ni shane at maccy sa likuran ko, "Bitawan mo siya!" malakas na sigaw ni shane at tatangkain sana nitong tanggalin ang pagkakahawak ni carla sa k'welyo ko, ng bigla siyang itinulak ni carla palayo.

"Aray!" isang malakas na daing ang narinig ko kay shane na siyang dahilan ng pagsiklab ng galit ko, tangina, noong nakaraan pinagbigyan ko 'yang ugali niya ha, hindi ko na papalagpasin 'to ngayon. Hayop kang babae ka.

Gamit ang kanan kong kamay ay inabot ko ang kamay niya at malakas na ibinalibag ang katawan niya pababa sa tiles ng canteen. Sa pagkagulat ng mga tindera ay napalayo sila sa ginawa ko. Wala aking pangangambahin dahil hindi naman recess ngayon at walang ibang estudiyante, ang problema ko lang ay ang mga tindera na nakabantay ngayon.

Nakabalandra na ang buong lantang katawan ni carla sa ibaba, yumuko ako habang hinahablot ang k'welyo niya sa harapan at lumapit sa tainga niya, "Oo, pumapalag ako, at ayokong hinahawakan ang k'welyo ko, kaya 'wag ka ng uulit pa, tandaan mo 'yan." sabi ko.

Hinampas niya ang kamay ko, ngumisi na lang ako saka tumalikod, "Maccy, shane, halika na, ayokong humarap sa mga taong kulang sa pansin." tumakbo si maccy para abutin yung binili kong snacks para kay ma'am baltazar, ng may nakalimutan akong banggitin kay carla,

nakaupo na siya ngayon habang pinapagpag ang buhok niya, "Oo nga pala, ayaw na ayaw ko rin ang sinasaktan ang kaibigan ko, ako ang makakaharap mo." dugtong ko, "Tara na." atsaka naglakad papalabas ng canteen. Siguro naman natuto na yung hayop na yon.

Ayaw kong nasa ibaba ako pagdating sa ganiyan. Mahirap na nga ako, magpapaapi pa 'ko? NO WAY!

Pagkapasok sa room ay inabot ko na ang snacks ni Ma'am baltazar, "Salamat 'nak" banggit niya, suminghap ako, "Sige po ma'am, uwi na ho kami." tugon ko,

"Teka lang janine! May nag-abot ng beef pares dito, lalaki 'yun, hindi siya pamilyar, hindi rin naman siya nagpakilala, para daw sa'yo 'to" pagsabi ni Ma'am baltazar na ikinagulat ko.

"Ahm, o-okay po ma'am, salamat po sa pagtabi, una na ho kami." pagpapaalam ko habang isinusukbit ang bag pack sa likod ko, "Sige 'nak, magingat kayo ha" pagtugon ni ma'am, "Kayo rin po ma'am" sagot naman ni shane at maccy.

Lumabas na kami, ng magtanong si maccy, "Hindi kaya tayo iga-guidance ni carla? Bakit ba ang init ng ulo niyo sa isa't isa?" pagtataka ni maccy, "Hindi 'yon! Kung magaguidance 'man tayo, handa naman akong humarap. Mas malakas ang laban ko, kaibigan ko 'yung mga tindera sa canteen." pagtugon ko sa kanila.

Naghiwalay na kaming tatlo, iba kasi sila ng daan at ruta ng sasakyan kaya gano'n. Habang nasa tricycle, napansin kong may papel na nakadikit sa lalagyan ng beef pares, ano 'to?

Kinuha ko at tinignan, isang note,

Huy! Boss! Mukhang hindi mo na-enjoy 'yung pares kahapon kaya pinadalhan kita sa school mo, sana masarapan ka! Mwah!

From your boss.

Galing pala 'to kay japeth? Ahh oo nga pala, dadalhan niya na daw ako palagi ng gan'to. Ano ba 'to? Bakit may pagan'to siya? Nanliligaw ba siya? Hays, never mind.

"Kuya sa may kanto lang po" banggit ko kay manong para hindi na lumagpas.

Pagkababa ay dumiretso na ako ng bahay at nagpalit ng mapansin ko doon sa note na may nakasulat pa sa likod. Ha?

Kinuha ko 'yon atsaka binasa pang muli.

Invite pala kita sa Friday ng gabi, may kaunting salu-salo na magaganap, ipapagdiriwang 'yung isang taon kong pagiging C.E.O. ng kumpaniya. Sana maka-attend ka. Mwaps.

Oh gosh, totoo ba 'to? Anong gagawin ko? Ano'ng Isusuot ko? Pa'nong ayos 'yung gagawin ko? Oh my gooood!

"Janiiiine!" biglang tawag sa'kin ni mama mula sa baba.

"Oo wait lang! Pababa na!" Tugon ko atsaka ibinaba na ang letter. Isinama ko na ang beef pares para ipainit iyon, 'yon na lang uulamin ko ngayong gabi.

"May pinapaabot sayong box si japeth oh, ka-kailanganin mo daw 'yan sa biyernes." Sabi ni mama habang inaayos ang mga pinamili niyang mga kamatis at sibuyas.

"Ano 'to?" pagtataka ko, ang laki kasi no'ng box. Hindi naman ako nanghiram ng kung ano sa kaniya ah?

"Aba'y ewan ko, pinadala lang naman sa'kin 'yan e. Buksan mo na kasi ng malaman natin." Sagot ni mama habang lumalapit na sa akin at naki isyoso sa pagbubukas ko ng box.

Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang isang kumikinang ng Blue Balloon Gown na may mga beeds sa laylayan nito. Hinawi ko pa iyon ng makita ko ang isang box ng MAKE UP! what the--

Ano 'to?! Bakit may ganito? Wala naman akong sinabi ah? Atsaka never naman talaga akong magsasabi! E bakit may pinadala siyang ganito? Parang mgq branded pa 'to ah?

"Grabe anak! Ano bang pupuntahan mo at engrande ang pinadala ni japeth?" kuryosong tanong ni mama

"Ini-invite niya ako ma, para daw sa Celebration ng 1st year niyang pagiging-----" Muntik na akong madulas, wala pa palang masiyadong nakaka alam na Presidente si japeth ng F.A.C.

"Ng alin?" pagakabitin ni mama sa huli kobg sinabi

"Ng, ano, ng ano ma. Uhmmm First year niya sa College! at debut din ata ng kapatid niya kaya sinabay na lang lahat" pagliko ko ng usapan. Tsismosa pa naman 'tong si mama, baka maipagkalat niya sa buong esperanza 'yung tungkol do'n sa loob ng sampung minuto.

"ahh, okay okay, mabuti naman may binigay ng susuotin mo. O siya, dalhin mo na 'yan sa k'warto mo." sabi ni mama sa'kin na siya namang sinunod ko.

Binuhat ko ang box at dumiretso na sa hagdanan paitaas. Inilapag ko na ang box at saka inilabas na ang gown na nasa loob.

Napaka enggrande naman ng magaganap na selebrasyon, kailangan naka gown?

Napatawa na lang ako bigla sa naisip ko. E paano 'tong make-up? hindi naman ako marunong? Manonood ako mamaya sa computer shop kung paano gamitin 'to. Siguro naman madali lang.

Hmm, mediyo excited na'ko ah? Ano kayang meron?

Hihintayin kita,

Friday Night.

Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon