It was morning,
when i already know,
all of the things,
that i missed.Mga dahilan
Isang malakas na kidlat ang nagpabalik sa'kin sa ulirat. Umuulan sa labas, malalakas na kulog at ulan ang nagpapayanig sa buong maynila. Ilang araw na'kong tulala at walang gana, gusto ko ng bumalik sa dati, 'yung janine, na masaya, janine na masigla, janine na laging nakangiti.
Pero paano nga ba ako babalik sa dating ako, kung ang lahat ng bumubuo ng dating janine ay wala na sa tabi ko? Paano pa ako sasaya kung ang nagpapasaya sa'kin ay sinaktan ko? Paano pa ako sisigla kung ang mga kaibigan kong nagpapasigla sa'kin ay tinraydor ako? Paano pa ba ako babalik sa dati kung tuluyan na ngang nagbago ang lahat? Wala na.
Hindi na. Hindi na ako makakabalik dahil ito na nga ang kasalukuyan. Wala ng kailangan pang balikan, bagkus ay dapat pang ayusin para sa kinabukasan. Iyon ang tama. Agad-agad akong bumangon mula sa pagkakahiga para mag-ayos ng sarili, bababa na ako mamaya para kumain at makapaghanda na sa totoong reyalidad ng buhay.
Heto, magisa na lang ako. Wala ng karamay bukod sa pamilya ko.
Mga kalahating oras din ang 'tinagal ko sa pagaayos bago makababa. Naabutan ko si mama na nagluluto ng b-beef pares?
Lumipat sa lungkot ang naramdaman ko. I can still remember that time na nliligawan pa ako ni japeth, ang pagluluto niya ng beef pares araw-araw. Namimiss ko na ang luto niya. Mainit pa.
"Teka lang janine! May nag-abot ng beef pares dito, lalaki 'yun, hindi siya pamilyar, hindi rin naman siya nagpakilala, para daw sa'yo 'to" pagsabi ni Ma'am baltazar na ikinagulat ko.
"Ahm, o-okay po ma'am, salamat po sa pagtabi, una na ho kami." pagpapaalam ko habang isinusukbit ang bag pack sa likod ko, "Sige 'nak, magingat kayo ha" pagtugon ni ma'am, "Kayo rin po ma'am" sagot naman ni shane at maccy.
Bumaba na ako sa sala, habang sinalubong ako ng matamis na ngiti ni mama, umupo ako.
"Oh 'nak, kumusta ang pagtulog? Ayos ba?" sambit ni mama habang nakangiti niyang inihanda sa harapan ko ang mainit-init pang beef pares
"Ayos naman ma, masarap po ang tulog ko, pero parang mas masarap po ang beef pares na 'to" sabi ko ng pabiro, "Teka, bakit po pala kayo nagluto nito?" naisipan ko biglang itanong
"Ahh, 'yan, paborito mo 'yan e, 'diba" sabi sa'kin ni mama at humigop na rin
"P-paano niyo po nalaman?" sabi ko at ginaya siyang humigop
"Noong na-confine ka, may isang lalaki na nakaabang sa labas ng ospital, araw-araw" Umpisang sabi ni mama at suminghap
"Japeth pala ang pangalan ng binatang iyon" dugtong niya pa, "Alam mo ba, sa araw araw na ginawa nang diyos, nandodoon lang siya sa labas nang ospital, nakaabang sa'yo, habang may hawak na beef pares" sabi ni mama na siyang nagpabagabag sa'kin.
"Gusto ka raw niyang makita pero pinagbawalan namin dahil a--" putol niyang sabi dahil bigla akong nagsalita,
"Dahil akala niyo siya ang tumulak sa'kin sa bangin?" sabi ko na siyang nagpatigil kay mama na humigop
"Hindi. Dahil siya ang huli mong kasama no'ng gabi na 'yon. Ang sabi niya, iingatan ka niya, pero pinabayaan kang umuwi mag isa" may pagalit na sabi ni mama
"P-pero, bakit niyo siya inakusahan na siya ang may gawa ng krimen?" may laman kong tanong
"Umamin siya, Sinabi niya sa korte na siya ang tumulak sa iyo" binitawan na ni mama ang kutsara dahil nag iinit na ang usapin
"Hindi magandang pag usapan ngayon 'to janine, kakamatay lang ng lola mo, kung buhay pa siya h--"
"Kung buhay pa si lola, ipaglalaban niya ang tama! Dahil kung buhay pa si lola, magiging patas siya! HINDI KAGAYA NIYO!" Sabi ko ng pasigaw na ikinagulat ni mama, namuo ang luha ko at nakalikha ako ng ilang mga hikbi atsaka nagpatuloy
"Hindi si japeth ang may kasalanan ma!" sigaw ko habang tuluyan ng naiyak, ng biglang may pumasok sa loob ng bahay, si papa at si kuya, pero hindi ko sila inintindi, bagkus ay nagpatuloy ako sa gusto kong sabihin.
"Hindi ang boss ko! WALA SIYANG KASALANAN! WALA!" Sigaw ko pa "Walang ibang dapat sisihin at ikulong kung hindi si carla! Si Carla Galvez!" sigaw ko na siyang ikinamuo ng luha ni mama, napaluhod siya habang hawak-hawak ang floor mat
"Bakit? Ha? Ngayon, pinagsisisihan niyo na 'yung mga ginawa niyo? Ano? Putangina! Hindi sana naghirap si japeth kung hindi dahil sa kaniya!"sabi ko ng pasigaw at may halong galit.
"P-pero, hindi maari? Hindi p-p'wedeng si carla ang gumawa no'n?" pagtataka ni mama na siyang ikinagalit ko, lumapit sila papa at kuya sa amin
"Anong nangyayari? Bakit kayo nag aaway? Janine? Kakamatay lang ng lola mo gan'to na agad ang ugali mo? At bakit mo pinagbibintangan ang pinsan mo ha?" biglang sabi ni papa na siyang ikinagulat ko ng sobra.
Waring sumabog aong utak ko at nanlambot na lamang ang tuhod sa narinig ko. Wari'y nabato ang aking isipian at hindi makagalaw sa sobrang gulat. Isang bagong kagula-gulantang na impormasyon na naman ang natanggap ko mula mismo sa bibig ni papa, ng bigla ulot siyang magsalita
"Bakit mo ibinabaling ang kasalanan ng lintik mong nobyo sa pinsan mo? Ha? Bakit? Dahil mahal mo 'yung japeth na 'yon? PUTANGINA janine! Hindi mo ba alam na siya ang may kasalanan dahil iniwan ka lang niya ng mag isa kaya ka nadisgrasya? Siya lang ang dahilan janine, siya l--"
"TAMA NAAAAAA!!!!!" Malakas na malakas kong tili at sigaw para tigilan na nila ang pagsasalita. Hindi ko na kinakaya ang mga natatanggap kong impormasyon. Ayaw ko na.
"Tigil na, tama na, please, hindi ko na kaya, hindi ko na po kaya" may paghikbi ko pang sabi habang humalumpasay na rin sa sahig.
I feel like my body is going to break down with this more fucking info.'s. I can't take it anymore, all of thia shit, IS ENOUGH!!! I WANT TO DIE! I WANT TO END THIS NOW!! ALL OF THIS!!!!
AYAW KO NA!! AYAW NA AYAW KO NA! SUKO NA'KO! TIGIL NA! I HATE THIS LIFE! PLEASE!!
"Kung ganito lang rin ang mangyayari sa'kin, then, it'd be good if i'll end this now, wala rin naman ng k'wenta e" sabi ko ng may diin at galit
Tumayo ako at mabilis na lumabas ng bahay.
"Saan ka pupunta? Kaya mo na sarili mo?" biglang tanong ni mama sa'kin mula sa likod.
"Kahit saan, 'wag lang sa pamilyang 'to. " Sabi ko at naglakad na ng diretso palabas.
Wala akong alam na pupuntahan ngayon, bukod sa wala akong pera at walang ibang pamilya ay wala akong trabaho. Wala ako ng lahat. Wala kahit ano. But, i have my lola. Doon, doon ako pupunta sa puntod niya. Atleast may makakausap ako. Even just for a moment. Even just for a life time.
Even for once.
BINABASA MO ANG
Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)
Romance' ! | C O M P L E T E D | ! ' Ang oras at ang panahon ang madalas na humahadlang sa mga bagay na nais mong mangyari. Ang mga panahong hindi mo na maibabalik. Mga panahong gusto mong pahintuin ang oras at mamahinga na, at mga panahong gusto mong mala...