(Tip/ Note: Much better if you play the song above which is Demons by imagine dragons, or you can just play any song while reading this chapter, sorry for interruption)
Your promise,
you grant it,
you never let go,
you stayed.Alone
//
Agad-agad akong tumayo, at tinitigan pa si shane at maccy. Ayoko nang makita ang mga mukha nila. Hindi ko alam, namimiss ko sila pero hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Wala akong malamang dahilan para kausapin pa sila.
Mabilis akong lumabas ng k'warto at bumaba. Nakita ko si lola na nagluluto. Lalo akong nalungkot ng makita ko si lola, hindi ko man lang pala siya na-welcome no'ng bumalik siya rito. Hindi ko pa naibigay 'yung beef pares niya.
Na ginawa namin ni boss.
Miss na miss ko na silang lahat, pero gusto ko munang mapag-isa at mag isip. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa lahat ng bagay. Sa lahat lahat.
Hindi na ko nagpaalam kay lola, lumabas na lang ako bigla at hinayaan na sila kung hahanapin nila ako o hindi. Bahala na.
Pagkakita sa kalsada ay agad akong pumara sa isang kuliglig na naroon. Pupunta ako sa San Agustin Hills. Doon ako magmumuni-muni, para maging sariwang muli ang utak ko.
Nakasandal ang ulo ko sa gilid ng kuliglig habang pinagmamasdan ang palayan, ang sariwang hangin ng esperanza. Hindi nga ito nagbago, gano'n na gano'n pa rin ang aroma nito. Masarap langhapin, amuyin. Pero alam niyo kung ano talaga ang nami-miss ko?
Namimiss ko na siya. Miss na miss ko na siya. Hindi ko ba alam pero miss na miss ko na si japeth. Japeth Arceo.
Ang mga yakap niya.
Paghawak niya sa kamay ko.
Pagbukas niya ng pinto sa t'wing bababa ako ng hummer niya.
Mga jokes niya.
Ngiti niya.
Mata niya.
Ang lahat sa kaniya.
Miss na miss ko na.
Sana'y mahagkan ko pa ang mga ito.
Sana'y nandito rin siya para linawin ang lahat. Sana nandito ang boss ko. Ang boss ng buhay ko. Sana nga.
Pinunasan ko ang luha ko at nagbayad na. Kakaisip ko kay japeth ay hindi ko na namalayang nandito na pala ako sa san agustin. Bumaba na ako.
Pagkatapak pa lang ng mga paa ko sa mabatong daanan ng bundok ay kay raming ala ala ang bumalik sa utak ko. Noong mga panahon na kasama ko pa siya dito na mamasiyal. Miss na miss ko na siya.
Napaluhod ako dahil sa pagiyak. Sumisikip na naman ang dibdib ko. Sobrang sikip. Nanlalabo ang mga mata ko habang tinititigan ang kahabaan ng daanan. Nakita ko. Kitang kita ko. Ang mga panahon na nandito kaming dalawa
"What are you doing?" Tanong ko.
Biglang nawala ang ngiti niya sa mukha ng makitang seryoso na ang mukha ko.
"W-wala" Sagot niya at umabante na ng kaunti.
"Bilisan mo na nga at mag aalas-sinco na. " Sabi ko ng pagalit, at nagpatuloy maglakad.
BINABASA MO ANG
Chasing Every Beat 1 (Esperanza Series #1)
Romance' ! | C O M P L E T E D | ! ' Ang oras at ang panahon ang madalas na humahadlang sa mga bagay na nais mong mangyari. Ang mga panahong hindi mo na maibabalik. Mga panahong gusto mong pahintuin ang oras at mamahinga na, at mga panahong gusto mong mala...