Chapter 2

411 7 2
                                    

Ilang araw na mula nung strange dream ko na yun sa isang lalaki,at hanggang ngayon naguguluhan ako kung bakit Hindi ko sya makalimutan,Hindi ko makalimutan lahat at malinaw parin ang lahat mula umpisa hanggang dulo,

"Roya nakikinig ka ba? Uy bakit ka umiiyak?" Pangbubulabog ni Sica sa pag iisip ko,hinaplos ko ang pisngi ko at may luha nga..seriously ganito na lang palagi napapraning na ata ko,every time na binabalikan ko ang panaginip na yun I was ended up crying.

Lumapit si Sica sakin at hinaplos ang buhok ko,sinara ko ang librong binabasa ko at pinunasan ang mga luhang patuloy na bumabagsak,

"Tell me what's wrong palagi ka na lang ganyan,pinag aalala mo ko" Kita ko ang pag aalala sa kanya kaya ngumiti na lang ako at niligpit ang mga libro,

"Hahaha kahit ako di ko alam ang problema Sica siguro nakakaiyak talaga tong mga reviewers natin" she gave me a sigh at nagligpit na rin, I'm in my last year on collage at todo review kami ni Sica sa paparating na finals,She is my best friend and also my cousin, every time na may problema palaging sya ang karamay ko she's like a sister to me,but I never told her about my dreams and that weird guy.I trust Sica more than anyone else pero hindi ko masabi sa kanya ang totoong nangyari kasi kahit ako Hindi ko maexplain kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko.

Tumayo na kami sa bench na inuupuan namin at dumiretso na kanya kanya naming department. Business management ang course nya at Computer Engineering naman ang akin.

"Tulad ng mabilis na pag agos ng tubig,mabilis mo rin akong makakalimutan"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko sa isip ang Boses na yun.

Kung sino man sya,malaking pagkakamali ang sinabi nya dahil hinding Hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na kasama sya,ang sobrang saya at ang sakit.

Buong maghapon lutang ang isip ko at di ako masyado nakapag pokus sa lecture ng mga prof. Namin.

Nang uwian ay dumiretso na ko sa apartment na tinutuluyan ko,nasa tagaytay kasi ang bahay namin at masyadong malayo rito sa Manila,Si Sica naman ay nasa bahay ng Ate nya sa Makati,kaya mag isa lang ako sa madilim na kwarto na to.

Pagtapos kumain at maligo naghanda na ko sa pagtulog,

"Hindi ko nga pala alam ang pangalan nya" bigla Kong naalala na di ko nalaman yun,sayang.

Nagdasal ako na sana mawala na ang strange feeling na to,at ipinikit ang aking mga mata.

Nasa isang bangin ako at napakaraming bituin,dagat ang paligid ng bangin na to pati ang hangin napakasarap sa pakiramdam.

Nasa loob na naman ako ng mahiwagang panaginip,may malaking puno sa dulo ng banging at may mga bunga ito na kulay purple na hugis mansanas,
Lalapitan ko sana ang kumikislap na puno nang biglang may mga itim na nilalang ang biglang humawak sakin

Nakakatakot sila wala silang mga mukha at Hindi sila hugis tao,para silang si Casper the friendly ghost pero puro itim,

Binabangungot ako! Ang creepy ng mga tawa nila at hinihila ako papunta sa malaking puno, Hindi ko alam pano lumaban dahil di ako makagalaw sa pwersa nila.

"Kainin mo to at sumama samin,Wag ka ng bumalik!"

Masama talaga to!Kumuha ang isa sa kanila ng prutas at hawak ng iba ang magkabila Kong braso at pilit pinapakain sakin ang prutas ng puno,wala akong ibang magawa kundi ang umiyak sa takot,masama ang bangugot baka tuluyan akong di magising.

Naipikit ko ang aking mata dahil sa sarili Kong nararamdaman,
Nang maramdaman Kong may pwersang humila sakin palayo sa puno at maramdaman ang kakaibang tibok ng puso ko,

Mabilis Kong naimulat ang aking mata,

Siya na nga to! Hindi ko malilimutan ang presensya nya!

Nawala ang mga itim na nilalang na gusto akong kunin kanina,at ang tanging ang puno,ang milyong milyong bituin,ang payapang dagat,at ang lalaki sa harap ko.

Hindi ko na kayang itago ang emosyon,kusang dumaloy ang mga luha sa saya na nandito sya.
Hinaplos nya ang buhok ko at ang ngiti nya na walang laman kundi ang tuwa.

"Hindi ka dapat pumupunta sa ganitong lugar,hanggang ngayon ganun ka pa din" sabi nya na syang nagpahinto sa mga luha,
Ang boses ganun parin tulad sa naunang panaginip,

"H-hindi kita malimutan" napakarami Kong gustong sabihin sa kanya pero natatakot ako na bigla akong magising,at mawala sya.Ayoko pa

Lumapit sya sakin at ngumiti,napakalapit ng mukha nya sa akin,napaka ganda ng mga mata nya, kulay asul yun na tulad ng dagat at kumikislap sa akin.

"Wag kang mag alala,Hindi kita iiwan,..oras na para umuwi ka"

Matapos nyang sabihin yun isang halik sa aking noo ang binigay nya,kasabay nun at ang unti unti Kong paglalaho sa harap nya.

Gusto Kong sabihin sa kanya bago ako magising sa magandang bangungot na ito na..

Ayokong mawala ka ....

Gusto pa kitang makita ..

(Nightcore "faded" for this chapter,thank you for reading)

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon