Chapter 4

209 7 0
                                    

There goes my heart beating
Cause you are the reason,
I'm losing my sleep,please comeback now..

And there goes my mind racing
And you are the reason,
That I'm still breathing,
I'm hopeless now

I'll climb every mountain,
And swim every oceans just to be with you .

Nandito kami sa isang restaurant kasama ng pamilya ni Ate Dasha ang ate ni Sica,at kasalukuyang nakikinig kami sa banda na tumutugtog sa stage habang naghihintay ng order.Hindi ako close kay Ate Dasha simula nang maging ulila ako hindi ko alam ang dahilan basta di lang kami close pero di rin naman kami nagkakaaway,dahil di ko siya pinapatulan.

"Here's your order ma'am and sir" masayang bati samin ng waiter at nilagay na ang mga pagkain,bihira lang nila akong imbitahan magdinner kasama sila,at kinakabahan ako tuwing ginagawa nila ito.Dahil alam kong may kailangan na naman sila Tita sa probinsya sakin,at ramdam kong hindi lagi maganda yun.

"Kumain na tayo" seryosong sabi ni Kuya Terence ang asawa ni ate Dasha,sumulyap sakin si Sica at binigyan ako ng kumain-ka-na-look,nakakatakot kasi si Kuya Terence samahan pa nang malaking katawan at striktong mukha nito,kaya takot si Sica sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain,ng huminto si ate Dasha at tumingin sakin.Eto na yun sa sasabihin niya na ang tunay nilang pakay sakin,Hindi ako nagpakita nang kahit anong emosyon sa kanya.

"Mom want you to withdraw all the money from your late mother bank account" dire-diretso niyang sabi,kaya napatigil ako sa pagnguya at uminom ng tubig.Eto na nga sinasabi ko paulit ulit na lang nila tong ginagawa sakin,Hindi talaga titigil si Tita hanggat Hindi niya nakukuha ang lahat.

Nilapag ko ang kutsara at diretsong tumingin sa kanya..

"Para saan raw?" Tanong ko

"Well actually walang sinabing dahilan si Mommy basta raw iwithdraw mo ang pera,kung ayaw mong palayasin nila ang kapatid mo"

They are using my sister on their own intentions this time,sumeryoso ang tingin ko  sa kanya

"Are you blackmailing me?" Sagot ko sa kanya,napahinto sa pagkain ang asawa niya at masama ang tingin sa akin.
Ngumiti naman ng nakakainsulto si Ate Dasha habang ramdam ko ang galit na pinipigilan Kong lumabas.

"Watch your words young lady,bakit ka naman namin ibablackmail? Mas marami kaming pera kesa kakarampot na pera ng nanay mo" pang iinsulto ni Kuya Terence,pinagsisihan kong sumama dito.Hindi agad ako nakapagsalita at nakatingin lang sakanila.Gusto ko silang sagutin pero Hindi ako pinalaki na makipagtalo sa kanila nang dahil lang sa pera..Hinawakan ni Sica ang kamay ko sa ilalim ng mesa upang pakalmahin ako.

"Ate Dasha naman..Nasa pagkain tayo kailangan bang insultuhin dito si Roya?Please stop this" malumanay na pakiusap ni Sica,

"Shut up Sica you're not allowed to talk,and Roya let me tell you a little details about your lovely sister,ginagawa siyang alipin ni Mommy dun nang dahil sa tigas ng ulo mo" mas  lalo akong Hindi nakagalaw dahil sa sinabi niya,Bigla akong nanghina sa sinabi ni Ate Dasha.My sister is the only one left to me and to know her real situation weakened me.

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon